Part32: Malditas' Last Game

213 38 0
                                    

Mahimbing nga ang naging tulog ni Kathleen ng gabing iyon.

Kinabukasan. Umagang-umaga palang, dinala na si Kathleen ng mga tauhan kung saan naroon ang mga kaibigan niya.

Pinagsama-sama silang tatlo at dinala sa masukal na kagubatan.

"Last Game Mahal kong Kathleen! Pagbilang kung sampu nakatago na kayo! Taguan-Bang tayo!"

Bakit ba parang nababaliw magsalita si Wil? Naiisip ni Kathleen. Naawa siyang natatakot dito.

Sobrang sama niya! Yun ang naisip ni Kathleen sa sarili niya.

*****************

Inisa-isa ng mga babae ang mga goons na papatay sa kanila. Halos lahat mukang hindi lang sila basta papatayin muna. Sa nakikita nilang mga reaksyon ng mukha nito, parang may binabalak pa silang iba.

Napadako ang tingin ni Kathleen kay Putok. Binasa pa ng dila nito ang bibig na akala mong takam na takam sa kanya.

Yung katabi naman nakita niyang ngiting aso na nagbi-blink-blink pa ang mga mata na tumingin kay Bhea.

Napadako pa ang mata niya sa isa pa na tinitignan siya mula ulo hanggang paa, na akala mo hinuhubaran na siya. Napayakap na lang siya sa sarili.

Lahat sila kabang-kaba sa gitna ng gubat na iyon at halos nasa sampung halimaw na hayok sa laman ang kasama nila.

*******************

"Isa!" Pasigaw na sabi ni Wil.

Lahat silang tatlo, iisa ang reaksyon. Lahat nagulat na parang reaksyon ng isang bata pag ginulat.

"Takbo!" umakto pa ang mga may tauhan na akala mo ay susunggaban na sila.

"Aahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Sabay-sabay sila ng pagtakbo sa iisang direksyon palayo.

"Dalawa!"

"Tatlo!"

"Apat!"

Natatanaw pa nila ang mga babae habang nagtatawanan sila.

"Galingan ninyo ha!"

"Walang magpapahuli heheh!"

"Lima!"

"Anim"

Lumusot na kung saan sina Kathleen na sama-sama pa din.

"Pito!"

Hindi na sila natatanaw ng mga goons.

"Walo!"

Pero naririnig pa ng mga ito ang mga yabag nila.

"Siyam!"

Nagsisipaghanda na ang mga tauhan sa kanilang pangha-hunting.

"Nakapagtago na ba kayo?!" Sigaw ng isa.

"Sampu!!!" Sabay-sabay nilang sigaw.

Nakiramdam ang mga goons.
Wala na silang marinig na anumang ingay ng mga babae.

Sumenyas na si Wil.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon