Part38: Prince Cedrix' Missions

238 31 0
                                    

Marami na rin siyang ipinaranas at ipinagawa dito na hindi niya dating ginagawa.

Inalila niya ito upang maranasan ang hirap na ginagawa ng mga kasambahay niya na inaalipusta niya lang. Pinaglaba, pinaglinis ng kubo at pinagwalis ng tuyong dahon sa labas ng kubo.

Ipinaranas niyang huwag intindihin ang pagkain niya. Tiniis niya itong hindi kumain na halos para na siyang namamalimos ng tulong at maranasan kung paano niya pandirihan ang mga batang namamalimos.

Ang hindi ipag-igib ng tubig pampaligo at hayaang nangungutim na puti ang suot nito tulad ng naranasan niya dito noong nabangga nila ito sa kalye.

Lahat naman ng ginawa nito ay puro padabog niyang sinusunod, ngunit hindi siya sumuko hanggang hindi niya ito napapatino.

Kailangan matutunan niya kung ano ang ibig sabihin ng salitang pakiusap, kung paano makitungo sa taong alam niyang kailangang-kailangan niya. Kung paano harapin ang pinakaaayawan niyang hitsura.

Kailangan niyang matuto kung paano makipagkapwa-tao.

Nagmukha siyang aso na kailangang makagawa ng mabuti para lang makakain.

Nong una ay nagmamalaki pa ito. Naghahanap ng sariling pagkain. Natutunan niya tuloy umakyat ng puno.

Pinaka-nahirapan lang siya sa pagkuha ng tubig niya pampaligo at inumin.

Kahit paano rin ay hindi na siya nasusuka na kumain ng exotic foods habang kaharap ang isang pangit.

*********************************

Hindi naman nagtagal at nagulat na lamang si Felix isang umaga. Matapos silang kumain.

"Salamat nga pala."

"Huh?!"

"Salamat saan?"

"Salamat kasi...." Kinuskos nito ang gilid ng buto ng ilong niya na parang nahihiyang magsalita at sabihin kung ano ang pinagpapasalamat niya. "Ano kasi..salamat at natuto na kong hindi masuka pag pangit ang kaharap ko."

Ngumiti pa ito na tila nahihiya. Napasimangot naman si Felix. Pero atleast 'yung mga hirap niya sa babaeng ito, kahit paano nagbunga ng salitang "salamat". Susme!

Kailangan niya pa sigurong dagdagan ang paghihirap nito.

Tsk! Slow learner! Kahit pasalamat niya, pansarili pa din. Pero sige na nga atleast!

****************************
Hindi na sila gaanong nagbabangayan ni Kathleen. Unti-unti itong nasasanay sa mga pinagagawa niya. Nakakawentuhan niya na rin ng maayos.

***************************

Minsan naman binato siya nito ng basahan. Well malinis naman galing sa sampayan.

"Bakit nambabato ka? Tumutubo na naman sungay mo no!" Asar nitong tanong pa'no pagod na pagod na siyang magsibak at pawisan.

Hinayaan niya munang magpahinga si Kathleen sa pagsibak dahil masakit na daw ang kamay.

"Punasan mo 'yang pawis mo. Basang-basa na ng pawis yang puting damit mo. Feeling hunk!"

Bakit naman kaya naiisip ni Kathleen 'yon?

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon