Part31: Repentance

202 38 0
                                    

Villa Athena.

Beep! Beep! Beep!

Nasa kusina habang nagkakape sina Mang Peter at Poleng nang may bumusina sa tapat ng Pinto.

Inutusan ni Poleng si Peter na puntahan at pagbuksan ito.

Kotse ni Sir Michael 'to ah. Bakit di na lang nagpasundo? Habang naglalakad palabas ng pinto.

Pagdating sa kotse ay siya na ring pagbukas ng pinto ng kotse ng Sir Michael niya.

Nasa harap ng kotse ang dalawang bodyguard niya na lumabas na din ng sasakyan.

"Sir welcome back po. Bakit hindi man lang kayo nagpasabi ng sa ganon ay ako na po sana ang sumundo sa inyo sa airport."

"Salamat na lang Mang Peter. Kasama ko naman sina Rafaelo at Norwin. Pakitulungan na lang sila na iakyat ang mga gamit ko." At nagpatuloy na ito sa paglakad.

"Okay po sir."

"Ah s'ya nga pala... Nasan ang senyorita Kathleen mo?"

"Sir, kasama po ng mga kaibigan niya. Isang linggo po silang magbabakasyon sa Pangasinan daw po."

"Sina Bhea at Toni ang kasama nila?"

"Yes po sir."

"Eh anong ginagawa mo dito? Bakit di ka nila isinama?"

"Sir may iba pa po silang kasamang mga lalaki, hindi na po ako pinasama at sasakyan daw po ng kaibigan niya ang gagamitin."

"Mga lalaki?"

"Opo."

"Kilala mo?"

"Hindi po sir."

"Hindi man lang nagpaalam sa akin at mga hindi ko pa kilala ang mga kasama!" Tinalikuran niyang bigla si Mang Peter sabay dukot ng cellphone niya at nagtuloy na sa loob ng bahay.

Kinontak si Kathleen. Nakapatay ang phone nito. Sunod na kinontak ang dalawang kaibigan ni Kathleen na si Bhea at Toni. Nakapatay din ang mga ito.

Tsaka niya kinontak ang mga kumpadre niyang si Mayor Erwin Aquino at Vice Mayor Mario Conception.

*********************

Hacienda Casagrande.

"Ano Felix?"

"Sir Wil, naayos ko na po ang kwarto at nakaligo na din po si Kathleen."

"Malinis na ba lahat don?"

"Yes sir. Nagshampoo, nag-conditioner, nag-sabon, ini-scrub ko pong mabuti, nag-toothbrush, breath freshener, ni-lotionan, binihisan, pinabanguhan at sinuklay ko
na rin po. Maayos at malinis po ang kama. Pinalitan ko po ng malinis na sapin at kumot. Tinanggalan ko na rin po ng duct tape at iniwan ko pong naka-upo sa kama at nakatalukbong ng puting kumot.

"Good!"

"Mauna na po ako sir."

"Sige na, sabihan mo na din ang mga kasama mo na magsilabas na ng bahay."

"Sige po sir."

************************

Muli sa umpukan ng mga tauhan sa ibaba ng hagdanan.

"Wooooooh! Naka-jackpot si panget!" Hiyawan ng mga tauhan ng makita palang ang papalabas na si Felix na nasa puno ng hagdan.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon