Part37: Mundo Ng Intrepeduscor

240 33 0
                                    

"Napakatagal mo na sa misyong ito Cedrix, at tila wala pa ring nangyayari ni katiting na pagbabago sa itinakdang misyon sa'yo! Baka nakakalimutan mong kamatayan mo ang mabigo isa man sa mga pagsubok mo, kahit napagtagumpayan mo man ang iba."

"Kung ang ibang pagsubok ay matagumpay kong nagampanan, alam kong kayang-kaya ko ito lalo na at ito ang pinakahuli Prinsesa Naya."

"Huwag kang mag-alala Prinsipe Cedrix. Narito lamang ako upang magpa-alala sa'yo. Ipinagdarasal ko din ang pagtatagumpay mo. Kung noon ay naniniwala ang lahat na isang hangal ang pagtalon sa mapanganib na yungib upang makipagsapalaran at suungin ang pagsubok upang maging tao, ngayon ay binago ng pagtatagumpay ni Prinsipe Argo ang pananaw ng lahat ng nilalang sa mundo ng Intrepeduscor."

"Maraming salamat Prinsesa Naya. Gagawin ko ang lahat para sa misyong ito."

"Magpapaalam na 'ko Prinsipe Cedrix. Hangad ko ang pagtatagumpay mo."

"Maraming salamat Prinsesa Naya."

"Hanggang sa muling pagkikita Mahal na Prinsipe."

"Hangang sa muling pagkikita Mahal na Prinsesa Naya."

At naglaho na ito ng tuluyan. Nagbalik sa normal ang kulay ng paligid na kanina lamang ay ubod ng nakakasilaw na liwanag.

*************************

Wala na si Prinsesa Naya. Pero si Prinsipe Cedrix ay nanatili sa pwestong iyon na malalim pa rin ang iniisip.

Samantalang nagising na si Kathleen. Idinilat niya ang kanyang mga mata. Maliit lamang ang kubong iyon at hindi na kailangang magpalinga-linga pa kung gusto mong hanapin ang kung sino man.

Wala ang halimaw? Hmp nasaan na kaya 'yon? Gutom na 'ko.

Nakita nito na may nakahandang pagkain sa mesa. Pero para na namang babaligtad ang sikmura niya sa naiisip kung ano na namang kahayupan ang niluto nito.

Bumangon ito. Nagtungo sa lamesa. Nais niya sanang buksan ang nakatakip na pagkain sa lamesa ngunit nag-dalawang isip siya.

Saan na ba ang halimaw na ''yon. Magpapapitas na lang ako ng prutas, mas safe pa.

Dumirecho siya sa may pintuan.

Hayun ang kakaibang nilala... Natigilan siya. Sa unang tingin kasi ay inakala nitong si Felix ang nasa puno dahil tila kapareho ng damit nito.

Sumilay ang ngiti niya sa labi.

Siya 'yung gwapong estranghero sa gubat kanina. Excited niyang nasabi.
Malamang napagkamalan niyang halimaw si Felix kaya siguro biglang nawala kanina.
Umabot hanggang tenga ang ngiti nito.

"Excuse me!" Malakas niyang tawag habang papalapit siya sa lalaki sa puno.

Nagulat naman ang lalaki at biglang napatayo.

"Teka lang Mister! Huwag kang umalis!" Binilisan ni Kathleen ang lakad niya upang masundan ang lalaki.

Napahinto ang binata nang hawak na ni Kathleen ang bisig niya.

"Teka lang sabi eh!" Hindi binitawan ni Kathleen ang braso nito at nagtungo siya sa harapan ng lalaki, na napahinto naman sa paglakad nang pigilan siya ni Kathleen.

"Ikaw nga! Hahahahah!"

"Kailangan ko ng umalis." Tinanggal niya ang kamay ni Kathleen. Pero mahigpit lang siya nitong hinawakan.

"Huwag kang matakot. Tao 'yung nakita mo kanina at hindi halimaw! Hahahah si Felix 'yon may-ari ng kagubatang ito." Natatawa niya pang sabi.

"Aalis na 'ko."

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon