Part40: The Monstrous She

215 29 0
                                    

Intrepeduscor.

Maihahambing higit pa sa maiimagine mong paraiso. Mga bulaklak na napakagaganda at nagkikinangan na kapag hinawakan mo ay tila hahawa sa mga kamay mo ang kinang nito.

Malagong mga puno na hitik sa kakaibang mga prutas na pagkatatamis. Na binalak pa niyang ibenta sa mundo ng mga tao.

Maliwanag na araw ngunit malamig at magandang simoy ng hangin.

Ang buong lupain ay tila luntiang carpet sa pagkakalatag ng fresh grasses na napakasarap lakaran.

Napakaraming water falls na nagtataasan at ang binabagsakan ay isang malawak na basin of crystal clear water. Nakakapang-akit, parang inaanyayahan kang lumangoy at magtampisaw sa malamig at animo'y galing sa freezer nitong tubig. Lugar kung saan una siyang nakita ni Prinsesa Naya. Tangayin kasama ng mga kasamahan niya at itago sa kaharian nila.

Ang mga nag-gagalaang mga hayop ay nagkikinangan at ang mga ibon na kasing kulay ng ibong adarna. Malayang nagliliparan sa himpapawid ang iba'y nakatambay lang sa mga puno. Ngunit may isang hayop na 'di kaaya-aya sa kanya... Ang alagang halimaw ni Prinsesa Naya na muntik ng kumain sa kanya. Si Bugayon.

Ganito Inihambing ni Aaliyah ang Mundo ng Intrepeduscor ng una niya itong nasilayan kasama si Prinsipe Argo. Punong-puno ng ningning ang kanyang mga mata noon at nakapagkit ang ngiti sa mga labi na tila ayaw ng mapalis ang ngiti kahit isang segundo.

Ngayon muli siyang naririto. Naglalakad-lakad. Walang ngiti sa mga mata. Bakas sa mukha ang lungkot na nadarama.

"Nand'yan ka lang pala mahal kong asawa." Tawag ni Prinsipe Argo kay Prinsesa Aaliyah.

Lumingon ang prinsesa sa kanya. Naglapit silang dalawa.

"Mahal kong prinsipe." Yumakap ito kay Prinsipe Argo. Bumagsak ang mga luha niya.

"Malungkot ka na naman mahal ko. Wala ka ng dapat na ipag-alala malapit na natin makapiling ang ating anak. Kaya nga tayo nagbalik sa mundong ito upang mahanap siya."

"Hindi ko mapigilang hindi mag-alala aking asawa. Mahal na mahal ko ang ating kambal. Apat na araw na tayong naghihintay at naghahanap."

"May maganda akong balita sa'yo." Kumalas sa pagkakayakap si Prinsesa Aaliyah kay Prinsipe Argo. "Nahuli na ang bruhang kumuha sa ating anak. At kasalukuyan siyang pinapatawan ng parusa ngayon."

"Talaga. Sinabi niya ba kung nasaan ang ating anak?"

"Ang tanging sinabi niya lamang ay kanyang itinapon."

Naglandas lalo ang mga luha sa mga pisngi ni Prinsesa Aaliyah.

"Ang kawawa kong anak." Itinakip niya ang mga palad sa mukha. Kinabig siya ni Prinsipe Argo upang yakapin at aluin.

"Huwag kang mag-alala. Ginagawa ng lahat dito sa kaharian ang magagawa nila upang makita ang ating anak."

"Napakawalang puso ng bruhang iyon! Dapat sa kanya ay kamatayan!"

"Bahala na si Ina at Ama na magparusa sa kanila."

"Nasaan si Armadeo?"

"Naroon kasama nina Prinsesa Angelica at Prinsipe Liano at mga pinsan nitong sina Leryca at Levy." Muling bumitaw si Prinsesa Aaliyah sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi pa ba tayo babalik sa palasyo? Hinahanap ka na ng anak nating si Armadeo."

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon