Part49: When She Met.... "Pag-Ibig"

226 21 0
                                    

CEO Catherine Fraser, of Guttierez-Fraser Presse's office.

"Hello Honey! Mwahhh!" Bati ni Ms. Catherine Fraser kay Ricky matapos niya itong papasukin sa loob ng opisina niya. "Have a seat, so have you heard and seen the explosion I've made, oh rather, we've made?"

"Yeah! That's why I'm here." Umupo siya sa malambot na sofa na katapat ng office table ng babae. Tinabihan naman siya nito at pinaglaro ang daliri niya sa patilya patungo sa ibabaw ng tenga ni Ricky. Just like how a malandi acts.

"Nakakaganti ka na, ang laki pa ng kinikita ng agency natin hahahah! So brilliant! Mmmmm!" Niyakap niya ito ng may panggigil sa tuwa.

"Maganda ang mga kuha ng mga bago mong paparazzi and all the gathered reports ha!Bumenta ng husto sa mga celebrity magz, tabloids, radio and television broadcasters. Wonder how she felt right now?"

"Ano pa ba?! maglulupasay 'yon sa kahihiyan! She sure can't take that embarrasment my god! If that thing would happened to me, magsusuicide ako Ricky!" Tumayo ito, nagtungo sa lamesa niya at kinuha ang isang brown envelope at bumalik sa tabi ni Ricky. "Ito ang isa pang pasabog hahahahah!" Inabot niya kay Ricky ang sobre.

Kinuha niya ito at inilabas ang mga larawan na naroon.

Mga larawan kuha sa county jail. Mga pictures ni Mr. Michael Araneta sa loob ng kulungan.
Napangiti si Ricky.

"From Bright Australia... until now hindi pa alam ng anak niya ang nangyari sa kanya. At isa sa spy natin na nagwowork sa company ng mga Araneta, lagi na daw silang kinokontak ni Kathleen at hinahanap na ang ama niya."

"Yes sinabi niya nga sa akin. Pero nakiusap daw ito na huwag ipaalam kung maari ang nangyari sa kanya sa South Carolina. Kaya kahit sino walang nakakaalam."

"At siyempre tayo ang magpapasabog noon! More than a million worth na naman ang kikitain natin hahahahah! And like a billion heartache para sa dimonya! Wait, I have this sweet tasting like you, and at the same time kasing tapang mo liquor here!" Tumayo si Catherine at kinuha sa cavinet ang alak.

"Good idea!"

"Sayang naman kasi kung bibiglain natin ang mga bomba natin ng sabay-sabay 'di ba? Mas masarap tingnan pag unti-unti nating minamaso ang puso niya! Lalo pa pag nalaman niyang pinagtabuyan siya ng Chancellors' dahil hindi na sila billionaire! Hahahahah!" Lumapit muli ito kay Ricky upang iabot ang kopitang may alak.

"Cheers!" At nag-cheers sila ni Catherine.

***************************

She, maybe alone inside her room. 'Yung masasabi mong...you are in an absolute isolation. But since there is internet, you are also in an absolute communication.

Pinipilit niya ng kalimutan ang nangyari ng nagdaang gabi. Isang gabing pinakirot ng husto ang puso niya nang una niyang makilala si "pag-ibig"!

Hindi niya alam kung gusto niya bang pagsisihan ang pagkakatunaw ng kanyang frozen heart. Oo hiniling niya sa Diyos na pakibalatan na ang makapal niyang puso dahil sa sama niya noon, pero hindi pala ganoon kadali ang lahat pag hindi ka na manhid. Mas mahirap pala ang may puso!

At ngayon naman na kung kailan ka nagbabago, bakit parang ngayon pa siya pinahihirapan at pinaparusahan?

Hey someone up there! Nagpapakabait na po ako, isa rin po ba kayo sa hindi pa naniniwala?! Ayoko naahhhhhhhhh!!!! Gusto niyang isigaw.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon