Isinakay ni Ricky si Catherine sa kotse niya at sumunod na lamang ang driver ng huli.
"Enough Erin! Napipikon na 'ko sa'yo!" Nakasakay na sila ng kotse. Hindi niya mai-start ang kotse dahil ayaw huminto ni Catherine sa paghampas sa kanya.
"Ikaw pa ang magagalit at mapipikon Ricky?! Ikaw pa?!"
"Tama na sabi! Tama na!!!" Akmang sasampalin niya ito. Nagpigil lamang siya.
Pag-ganon na si Ricky at iba na ang taas ng boses niya ay humihinto na si Catherine. Matagal na silang magkasintahan. Kilala niya na kung paano ito magalit.
Pag-hinto niya sa paghampas kay Ricky. Inistart naman ni Ricky ang engine. At nag-umiyak naman ang isa.
Hanggang sa makarating sila ng Forbes kung saan nakatira si Catherine ng walang imikan.
Binusina niya ng halatang may panggigil ang busina ng sasakyan. Maya-maya lang ay may nagbukas na nito.
Pumasok sila sa gate at inihinto ang sasakyan sa tapat ng pinto ng bahay.
"Ikaw na magparada ng kotse." Ibinigay niya ang susi kay Elezer. Isa sa mga driver ni Catherine.
Pagbubuksan sana siya ng pinto ni Ricky pero napaatras ito nang biglang itinulak padabog ni Catherine ang pinto at dirediretsong pumasok sa loob ng bahay. Umakyat at nagdiretso sa loob ng kwarto niya. Nakasunod lamang si Ricky sa kanya.
*************************
Dumirecho si Catherine sa mini bar sa kwarto niya. At sa sobrang gigil ay inihampas ang dalawang palad sa lamesa nito.
"Tell me what the hell is fucking happening Ricky!!! Tell meee!!!" Galit na galit na sigaw niya kay Ricky.
"No! You fucking tell me why are you trying to ruin my plans?!" Lumapit siya sa nakatalikod sa kanyang si Catherine. Hinawakan sa bisig at pwersahang iniharap sa kanya ang babae.
"Ruin your plans?! Damn you Ricky!!!" Pasugod niyang sasampalin si Ricky, pero napigilan niya ang kamay nito."Bitawan mo 'ko!!! Pagod na 'ko ng kahihintay sa pesteng plano na 'yan kung kelan matatapos!"
"Tumigil ka na!" Yakap niya ng mahigpit ang nagwawalang babae.
"You know I'm fucking here to support you all the way with your vengeance with that damn woman! Pero wala sa usapan natin na makipag-all-the-way ka sa hayop na babaeng dahilan ng pagkamatay ni Fyron! Tang-ina Ricky nakakalimutan mo na ba 'yon?!"
"Pwede ba please, itigil mo 'tong pagwawala mo. Mag-usap tayo ng maayos!" Sigaw na din niya.
Dahil napagod na din sa pagwawala niya at hindi naman din siya makakilos pa sa higpit ng hawak ng binata ay huminto siya unti-unti sa pagwawala niya. Nang masiguro ni Ricky na medyo kalmado na ito at hindi na siya muling masasaktan ay dahan-dahan niya na ring niluwagan ang pagkakahawak niya sa babae na umiiyak pa din. Hanggang sa tuluyan na niya itong bitawan.
Pinaupo niya ito sa kama. Umupo rin siya sa tabi nito. Nakapatong ang mga siko niya sa hita niya at ang mga kamay ay salo ang magkabilang gilid ng ulo.
Si Catherine ang unang bumasag ng katahimikan na iyon.
"Since when did you start telling lies to me Ricky?" Kalmadong tanong niya. "Kailan ka pa natutulog sa bahay ng babaeng iyon?!" Medyo tumaas ng kaunti ang boses niya."Kelan pa kayo nagse-sex?!!!" At doon hindi na niya napigilang muling sumigaw.
Hindi sumagot si Ricky.
"Dalawang buwan na Ricky... At ilang linggong hindi ka nakikipagkita sa 'kin simula nang maging kayo. Tuwing wala kang pasok ni ayaw mo 'kong papuntahin sa'yo at hindi ka din nagpupunta sa akin. Why? Kasi busy ka. Kasi may importante kang tinatapos na project. Kasi , kasi, kasi! Kasi napapasarap ka na sa babaeng 'yon! Kasi pala ano... Inlove ka na? Wala ka ng balak ituloy ang plano mo?"
Hindi niya alam kung ano nga ba isasagot niya kay Catherine. Masakit ang ulo niya.
"Wala kang nililihim sa akin Ricky. Lahat sinasabi mo sa akin. Kasi di ba partner tayo sa pagpapahirap sa babaeng 'yon. Kasi di ba sabay nating lalasapin ang sarap ng tagumpay mo na walang ititira sa babaeng 'yon? At ano, linggo-linggo mong ginagawa na wala kang itinitirang damit sa kanya sa tuwing magkukulong kayo sa kwarto ng dimonyang 'yon?! At sarap na sarap ka dahil nasa impyerno ka ng babaeng iyon, kaya lasap na lasap mo ang init niya ganon ba?! Ganon ba?! Answer me! Answer me! Putang ina mo answer meeee!!!!" Itinulak niya ng buong pwersa na naman si Ricky ng may kasamang bigat ng kamay niya.
Tumayo bigla si Ricky at mabilis na tinungo ang pinto.
"Saan ka pupunta?!" Hinabol niya si Ricky at nahabol niya naman ito.
"Let me go Erin. Mag-usap tayo pag okay ka na. 'Pag kalmado ka na. Mukang ikaw ang nakakalimot sa usapan natin." Sabi niya habang tinatanggal ang mga kamay ni Erin na nakahawak sa braso niya at pinipigilan siyang umalis.
Yumakap siya ng mahigpit kay Ricky. "No! Don't leave me! You know how I love you so much Ricky, ayokong mawala ka sa akin!" Hinigpitan niya pa lalo ang yakap niya sa binata. "Please don't go, please."
Pagdating kay Ricky. 6 feet under the ground ang pride niya. Parang ang tamad-tamad nito sa paliwanag. He hates drama. He hates argumentation na siya naman ang dahilan kung bakit nakikipag-argue si Catherine.
Siguro, sinanay niya din si Ricky na, iiwan siya at siya naman kasi habol agad. Laging nababalewala ang atungal niya. Kahit anong ireklamo niya at galit niya, balewala lang din, dahil hindi naman siya kakausapin at sasagutin. Laging bukas na lang sila mag-usap 'pag mahinahon na siya."Okay please stop crying." At niyakap niya na din si Catherine tsaka inakay niya na ito sa kama.
At hayun, dahil nga sa kama natutuloy ang away nila na lagi na lang ganon. Wala na din siyang interes pa na mag-usisa kay Ricky dahil okay na sila. Magpapaliwanag nalang ito ng kusa na paniniwalaan niya naman ng todo.
Ibang magmahal si Ricky. Sobrang sarap! Mararamdaman mo sa kanya na nag-iisa ka lang sa buhay niya. Sobrang gentleman at kahit kailan hindi nanakit ng babae. Sobrang bilib at laki ng tiwala sa kanya ni Catherine pagdating sa pagmamahal.
Pero paano na ngayon? First time niyang nahuli si Ricky na nagsisinungaling sa kanya at huli pa sa akto.
Nagdadalawang isip siya ngayon, tungkol sa mga naririnig niya kung gaano katinik sa babae si Ricky.
But he loves him so much. Pag-nasobrahan siya sa pagpaparaya, baka 'yung pagkunsinti at pagtulong niya kay Ricky ay maging mitsa pa ng pagiging miserable ng buhay niya pag nawala sa kanya ito.
Kailangan niya ng madaliin ang lecheng paghihiganti na 'to! Naisip niya habang nakatitig siya sa maamong mukha ng kasintahan, na ngayon ay mahimbing na mahimbing ng natutulog na nakayakap sa kanya.
*************************
Villa Athena.Humupa na ang luha ni Kathleen. Pero nanatili ang pag-iisip sa kung sino ang babaeng iyon sa buhay ng boyfriend niya.
Inaamin niyang wala pa talaga siyang alam kay Ricky. Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay nilang dalawa.
Pero ano nga bang magagawa niya? Tinubuan na siya ng puso 'di ba? Marunong na siya magmahal at gano'n pala 'yon, isang malaking "OUCH!". First time nga eh. So, malay niya bang kailangang alamin muna ang background ng isang tao bago mo hayaang maging parte ng buhay mo para bawas pagsisisi kahit pa'no.
Malay niya bang kailangan pag-isipan muna ang isang bagay pagdating sa larangan ng pag-ibig bago pasukin.
Malay niya bang kailangang interviewhin niya muna si Ricky.
At tama nga si Nanay Poleng... Kelan nga ba ang birthday ni Ricky?
Wala. Wala siyang alam kay Ricky! Ilang taon na nga ba ito? Pero hindi naman importante 'yon.
Pero wala nga siyang alam pala sa lalaking pinakamamahal niya!
Sino nga ba si Ricky Gutierrez?
BINABASA MO ANG
The Damn Princess (Completed) Sequel to The Suitors
FantasyBeautiful. Sexy. Intelligent. Rich. That's Kathleen Araneta. Impakta sa lupa. Matapobre. Prinsesa Dimonyita. Siya din si Kathleen Araneta. Marami na siyang lalaking pinaglaruan, sinaktan, niloko at may nagpakamatay pa. Pero lahat ng iyon ay pinagtaw...