Part11: VIP Encounters

302 50 1
                                    

The Venetian Macao. VIP Lounge.

Napakaganda ng views dito. Mariwasa ang mga gaming facilities. At ang pwede maglaro ay yun lamang magcocommit ng bet na atleast 30 Million sa pera sa Pinas ang pinakamababa per visit.

Nasa 4th floor ang nasabing gambling house. Paglabas ng elevator pansin na ang kakaibang aura at ganda ng lugar. Matatanaw mo ang glass door ng VIP Lounge. Exclusive club. Mapapansing high value table game players ang mga naroon sa mga pananamit at amoy palang. Well, sa halaga pa lang ng dapat mong i-commit na bet sure naman talaga na VIPs ang mga naroon. Napakaraming game tables at diamond chandeliers ang mga nakasabit.

3 Million ang napagkasunduan nilang token bet. Apat sila sa table at lahat ay naglagay ng 3 Million sa pot na nasa gitna ng lamesa.

Maya-maya ay binalasa na ng dealer ang card at dinistribute na paisa-isa ang card ng pataob hanggang makalimang cards ang bawat player.

Matapos maipamahagi. Halos sabay nilang dinampot at tinignan ang kani-kanilang hawak na cards. Ingat na ingat sila sa mga facial expressions nila habang binabasa at inaayos ang kanilang mga hawak na cards. Halos hindi masyadong nagtitinginan. Ingat na ingat sa kanilang paghinga. Halos ayaw iparamdam kung natutuwa ba sila o hindi sa hawak nilang mga cards. Nakasalalay kasi sa mga mukha, paghinga, galaw ng bibig, mata at ultimo leeg at paglunok mo kung maganda ba o hindi ang hawak mong baraha, na pinupuna ng mga kalaban sa poker.

Merong kunwari ay dismayado, pero maganda ang baraha. Meron din namang pangit ang card at nangba-bluff sa hitsura ng mukha at pag-call at bet ng mataas para malinlang ang kalaban. Bluffer ika nga.

Wil Ayala. Jaro Zukerberg. Michael Araneta.
Bright Australia. Lahat sila famous businessmen.

Sila ngayon ang magkakaharap sa table na iyon.
Matapos na maiayos ang mga hawak na cards, ilang sandali ay nagsalita na ang nasa bandang kaliwa ng dealer.

"Check." Sabi ni Will sabay tap sa table.

"Open." Sabi naman ni Jaro na siyang unang nag-place ng bet. Tinapatan niya ang pot money which is 12 Million at itinulak ang chips patungo sa gitna ng lamesa, malapit lamang sa pot.

Tahimik lamang si Bright. Turn niya na sa laro. Nakatuon sa kanya ang mga mata ni Wil at Jaro. Habang si Michael naman ay sinisipat ang card at minsang sumulyap kay Bright.

Dalawang business na ang naipatalo niya kay Bright. Oo madami siya noon. Pero dalawa sa pinakamalaking pinagkukunan nila ng yaman ng anak niyang si Kathleen ang pagmamay-ari na ni Bright ngayon. Gusto niyang makabawi at hindi siya titigil hangga't di nababalik ang mga ito na laan niya para sa kaniyang unica iha.

Bago nagsalita ay sumulyap ng halos isang segundo lamang si Bright kay Michael.

"Raise!" Seryoso sa sobrang seryosong sabi nito. At huminga ng malalim na pasimple lang. At tulad ng ginawa ni Jaro. Itinulak niya din ang chips nito na halos doble ng naunang bet sa gitna ng lamesa.

Tila naman nagtatagis ang bagang ni Michael at inisa isa ng tingin ang mga kalaban at pasimpleng napalunok. At buong tapang na nagsabing...

"Call!" Tsaka inilagay rin ang bet niya malapit sa pot sa bandang gitna.

At muling nagsalita si Wil ng "Call." Saka tinapatan ang dobleng bet ni Michael.

At ang pinakahihintay.
Showing of cards.

"Four of a kind." (Four 7s and a 6) Inilapag ni Will ang cards niya. Pagkalapag na pagkalapag palang...

"Four of a kind!" May yabang na lapag ng cards ni Jaro. (Four 8s and a King)

Turn na ni Bright. Napangiti siya sa ganda ng cards niya.

"Straight Flush!" At inilapag niya ito. (9, 8, 7, 6, 5s of Diamonds)

Napailing sina Wil at Jaro.
Sumimpleng iling din ang kasunod na maglalapag upang ipakita ang cards na si Michael.

At sa pag-iling na iyon lumapad ang ngiti ni Bright, ramdam niyang panalo siya. At bahagyang iniangat ang mga kamay.

"Straight Flush! Royal Flush!" Nakangisi itong inilapag ang cards niya.
(A, K, Q, J, and 10s of Diamonds)

Boom! Panalo si Michael sa round na iyon.
At ito din ang first time na sa unang round palang na laro ay panalo na siya. Kaya dama niya ang tagumpay ngayong araw na ito. Dalawa o kahit isa sa business na napunta kay Bright pipilitin niyang mabawi. Kanya ang araw na to!

Hinakot niya ang lahat ng chips na nasa lamesa na pagkalapad-lapad ng kaniyang ngiti.

Binabaan sila ng waiter ng alak na maiinom tsaka pumunta sa ibang table.
Lahat sila lumagok ng kaunti. Tanging si Michael ang lumagok na said ang laman ng kopita. Kaya sa pagdaan ng isa pang waiter ay sinenyasan niya ito at kumuha ulit siya ng maiinom.

Muli binalasa naman ng dealer ang cards.
Same pot bets of 3M.

Ipinamahagi ang cards sa apat.

***********

"Ako naman ngayon guys!" Pagmamalaking kuha ni Bright ng pot money.

At nagpatuloy ang salitan nilang panalo at rounds ng game.

***********
Sa haba ng mga pisi nila kung tawagin. Or sa dami ng kayamanan nila. Tumakbo ng napakahabang oras ang larong iyon.

***********
Dzzzzzzzzzz. Dzzzzzzzzzzz.
Dzzzzzzzzzz. Dzzzzzzzzzzz.

Vibrate ng phone ni Bright.
Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang caller niya.

"Just a minute! I need to take this call." Sabi niya bago pa man maidistribute ang cards ng dealer.

"What the hell!" Pabulong na angil ni Michael.

Napasulyap lang isang saglit sa kanya si Bright at inislide na ang screen to answer his phone at lumayo lamang ng kaunti.

********
"Hahahahahah! Great Job Bright! Pagbutihin mo pa." Sabi ni Ricky sa kabilang linya.

"Hahahah! Okay I will just call you after the game pare. Nag-iinit na ang loko eh!"

"Goodluck! I can smell victory again Bright."

"Don't worry hahaha! Makukumpleto natin makuha lahat yan. You have one of his private school, The Athena Kat Palace and now pare intay ka lang it may be one of his luxurious hotel in Japan, Airplane or may be school again will be yours, hahaha name it pare!"

"Go lang! Kayang-kaya natin yang tapatan."

"I know Ricky hahah! But I'll go ahead na. Ang sama na ng tingin sa kin eh!"

"Baka lasing na naman kaya napagtatalo na naman."

"You bet pare. Lahat ng dadaan na waiter kinukuhaan ng alak!"

"Hahahahah!" Sabay nilang tawa.

"Okay. Okay. Goodluck Bright!"

"Cge p're!" Pinatay at ibinulsa ang phone tsaka bumalik na ito sa upuan.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon