Part42: Ang Babaeng Pinagpala Sa Lahat

224 27 2
                                    

"Ready ka na?"

Tumango siya kay Felix.

Ang pinakahihintay ni Kathleen. Sa wakas
bababa na sila ng bundok. Ibabalik na siya nito sa Villa Athena.

Naglakad na sila palayo sa kubo. Inalalayan siya ni Felix dahil may mga madulas na parte at may pa-slide na lupa sa nilalakaran nila.

Bago tuluyang iwan ang lugar kung saan naging tirahan niya ng dalawang buwan, lumingon muna uli siya sa pinanggalingan.

Ang lugar na marami siyang natutunan.

"Halika na?" Yaya ni Felix.

Ngumiti siya kay Felix. Walang sabi-sabing yumakap ito dito.

"O ayan na nga ba sinasabi ko! Minamanyak mo na 'kong babae ka!"

"Mukha mo," sabi niyang di kumalas sa pagkakayakap. " Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa 'kin." Mas hinigpitan niya pa ang yakap niya kay Felix.

Si Felix naman ay gumanti na din ng yakap sa kanya.

"Oh siya dami mo pang style! Eto na ang pangarap mong yakap ko...hmmmm."

"Tsk!" Kumalas si Kathleen sa pagkakayakap. "Seryoso ako, hindi pa ba 'ko kapani-paniwala?" Sumilay ang lungkot sa mga mata niya.

"Ngiti na," Tinampal ng napaka-bahagya ni Felix ang pisngi niya ng tatlong beses na sunod-sunod. "Naniniwala ako sa'yo Mahal na Prinsesa."

"Hmp! Naniniwala daw! Eh bakit prinsesa pa din tawag mo sa'kin? Promise mabubura din 'yang bansag na Damn Princess sa 'kin. Please ayoko ng marinig 'yan. Lalo pa magkakasama tayo sa bahay."

"Okay sabi mo eh...Teka! Sure ka ba talaga na pwede ako makitira sa bahay ninyo? Baka magalit daddy mo."

"Sus akong bahala no! Halika na nga. Mukhang mahabang lakbayan pa ang bundok na 'to."

"Sinabi mo! Let's go!"

"Naks! English 'yon ah!"

"Hahaha 'yun lang alam ko!" Biro ni Felix.

"Hahahahaha! Okay then.. Let's go!"

At masaya nilang binagtas ang pagbaba nilang iyon ng bundok ng Siquijor.

****************************

All is back into normal.

Normal nga ba? No! Hindi Normal ang lahat!

"Nakulam ba siya?!"
"Anong natira niya?!"
"Nagka-amnesia yata!"
"Adik yata 'yan eh!"
"Baka nilisan ng original niyang kaluluwa!"
"Hus baka kamo nasapian!"
"Naku may malupit na plano 'yan!"
"Mag-ingat ka sa kakaibang arte niya ngayon!"
"Diyos ko po! Ano na naman kayang kademonyohan ang tumatakbo sa utak nito?"
"Ah malamang amnesia nga dahil sa pagkabagok!"
"Naku sana naman huwag ng makaalala pa 'yan!"
"Oo nga! At kung may sumapi d'yan please d'yan ka na lang!"
"Pektusan mo kaya, baka matauhan!"
"Tangna par nagkatuluyan na yata sila hahahah!"
"Pucha par nakakakilabot!"
"Naku no, hindi na tayo kailanman makikisama pa d'yan!"
"Talaga! Pahamak 'yan! Hay naku!"

*************************

Nasa swing si Kathleen sa ilalim ng puno sa labas ng Villa. Dahan-dahan niya itong inuugoy.

Nakasandig ang ulo sa isang tali ng swing.
Tulala ito na hindi napansin ang paglapit ni Felix.

Kaya't nagulat ito ng biglang ipinatong ni Felix ang isang sweater sa likuran niya.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon