Part46: Beastfriends

230 19 0
                                    

Lumabas siya ng kwarto matapos niyang makapagbihis. Hinanap niya si Ricky. Wala siyang makitang ibang tao sa labas ng kwartong tinulugan nila.

Malaki at maganda ang bahay. Lumakad siya at nakita niya ang isang kwartong nakabukas ng bahagya ang pinto. Lumapit siya dito. Kumatok pero walang sumasagot. Kaya dahan-dahan na lamang niya itong binuksan.

Pumasok siya. Malinis ang loob. Maayos ang kama. Walang sign na may natulog doon. Inikot niya ang mata sa buong paligid ng kwarto. Wala talagang tao doon.

Nasaan na ang lalaking 'yon?

Palabas na sana ito ng room ng marinig niya ang biglang paglagaslas ng tubig. May cr ang kwartong iyon at hinanap niya.

Umupo siya sa kama. Hihintayin niya ang lalaking kumuha ng lahat-lahat sa kanya.

Her virginity is her everything!

*********************

Naiinip na si Kathleen.

Ang tagal naman nitong maligo!
Dinaig pa ang isda!

Titig na titig siya sa mismong pinto ng cr. Nang mapalinga siya sa side table na katabi ng kama, dinampot niya ang isang ash tray.

Bubukulan talaga kita pagkalabas na pagkalabas mo d'yan Ricky ka!

Kulang na lang ay hindi na siya kumurap pa sa pagtitig sa pinto ng cr.

Narinig niyang huminto na ang lagaslas ng tubig. Naghanda na siya. Pumusisyon sa komportableng pwesto para maibato niya ng may pwersa ang ash tray at hinawakan na niya ito ng mahigpit.

Click!

Rinig niyang pag-unlock ng door knob.
At nakita nitong unti-unti bumubukas na ang pinto.

Humanda ka sa 'king rapist ka!

Iniluwa na nga si Ricky ng pintuan ng banyo.
Tinutuyo niya ng towel ang maselang dibdib nito. Basa-basa pa ang 6-packs. Naka-tapis ito ng tuwalyang puti mula bewang pababa.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya ni Ricky. Hindi nakasagot si Kathleen. "Hey!"

OMG! Ibato mo na Kathleen! Bukulan mo na ang.... Ang gwapo mong rapist! Paduguin mo na ang bao ng ulo ng hunk mong rapist! Ano na??????

"Kathleen!" Yinugyog niya pa ang balikat nito nang makalapit siya sa babae.

"B-bakit dito mo 'ko dinala?"

Bakit bigla akong nagkaganito? Galit ako di ba? Sa isip niya.

"Sorry, I really don't know your place. Tinulugan mo naman ako sa byahe. So I decided na dito na lang muna kita dalhin," huminto siya at pinansin ang hawak niyang ash tray." Wanna smoke?"

"'Kanina sana, hindi na ngayon." inilapag niya ang ash tray sa dating pwesto at muling nagsalita, " 'Yung kagabi? Bakit... Anong... 'Yung wala akong... Paanong...,"

"Ah, sorry ulit kung hindi mo na-enjoy ha? Pwede naman nating ulitin." Umupo ito sa tabi ni Kathleen at pinagapang ang daliri sa gilid ng pisngi niya papunta sa tenga.

"Hey! Ano ba?!" Nangalisag ang balahibo nito sa ginawa ni Ricky.

Inilapat niya ang palad sa pisngi ni Kathleen.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon