Part12: VIP Encounters 2

304 47 1
                                    

Sa suite nila Kathleen.

Pagbagsak na napaupo si Toni at Bhea sa sala set. Karatating lang nila galing paggala sa mall na malapit lang sa hotel nila.

"So tired! Nandyan na kaya si Kat?" Tanong ni Bhea.

"Bruhang yon nagsolo!" Sagot naman ni Toni.

"Eh panong hindi tanghali na tayong nagsigising. Full of energy ba naman siya pano pagdating kahapon direcho tulog."

"Check mo nga sa room baka naman nandyan na yun." Utos ni Toni.

"Wait lang." Tumayo ito. Lumakad patungo sa room ni Kathleen. Habang si Toni naman ay nagdutdot muna sa cp nito.

Naririnig niya ang panay katok at tawag ni Bhea buhat sa sala na kinaroroonan niya.

"Baka naman hindi pa dumarating!" Pasigaw niyang sabi kay Bhea.

"Nakalock eh. Baka tulog lang. Kat? Kat? Kat!" Palakas ng palakas na niyang tawag dito kasabay ng pagkatok niya."

"Ano? Ayaw pa din magbukas?" Sumunod na si Toni sa kaniya. At muli kinatok nila ito ng sabay. Pero wala pa ding response buhat kay Kat.

************
Samantala sa loob ng room ni Kat. Sabog sabog ang mga kagamitan sa loob. Ang gulo gulo ng kama niya. Lahat ng make up wala na sa ibabaw ng make up vanity table. Nagkalat din sa sahig.

At siya. Nakasalampak sa sahig. Nakasandal sa gilid ng kama bandang headboard.

Hulas ang make-up. Itim na luha ang dumadaloy dahil sa kapal ng eye liner. Ang lipstik ay lagpas-lagpasan na sa manipis niyang mga labi. Nagkalat din ang tissue na naka-crumple sa paligid niya.

Umabot uli ito ng tissue at pinunasan ang nag-aambang tumulong sipon. At tuluyang suminga. Tsaka hinagis ang tissue at kumuha uli ng panibago.

"Shit! Shit! Shitttt!" Pigil na pigil at nanggigil niyang sabi. Hindi na siya makasigaw naroon na kasi mga kaibigan niya at kinakatok na siya.

"Malas! Damn life! Damn asshole!"
Pano ba to?

Ayaw niya malaman ng mga kaibigan niya ang nangyari sa kaniya. Pero magtataka ang mga ito sa itsura ng buong paligid at kalagayan niya.

Inabot niya ang isang bilog na mirror na may handle at sinipat ang sarili.

Shit! Muka siyang aswang! Parang bagay na bagay na sa ugali niya ang pagmumukha niya!

Muli kumuha siya ng tissue at inis na pinunasan ang mukha.

Makapal at makapit ang make-up niya. Kailangan ng ligo o hilamos. Kaya nang hindi niya masyadong matanggal ay ibinato niya ang salamin na ikinabasag nito.

"Kathleen!!! Kathleen!!! Can you please open this door!" Naalarmang sigaw ni Bhea nang marinig nila ang basagan sa loob.

"Kathleen!!! Ano ba magpapatawag na kami ng roomboy for the key! Open this up!" Sabi naman ni Toni sabay "Ouch!!!" At pinagpag ang kamay tsaka hinimas ang likod ng palad dahil nasaktan sa lakas ng katok niya.

"Shunga mo naman kasi! Kung makakatok ka kala mo kayang gibain ng kamao mo ang pinto hahahah!" Natatawang puna ni Bhea kay Toni.

******
Kung may nakakakilala sa magkakaibigan, sila sila lang din yon.

Tumayo si Kathleen lumapit sa Vanity table. Yumuko at itinayo ng maayos ang vanity table chair tsaka naupo sa harap at muling pinagmasdan ang sarili.

"Narinig mo yang tawanan na yan?! Pagtatawanan ka din ng mga impakta na yan pag nakita yang ayos mo na yan!" Bulong ni Kat sa sarili.

Alam niya naman kasing halos iisa lang ang mga mala-demonya nilang pag-uugali. Nagkakasundo lang sila dahil parepareho sila ng attitude. Hindi pa dumating sa kanila ang ganitong bagay sa buhay nila. Hindi pa sila nagkakasubukan kung may lalim ba ang pagkakaibigang 'yon.

"Ngayon kaya?"
Hmp baliw ka ba Kat?!" Wala siyang tiwala. Iisa likaw ng bituka nila. Wala nga sa dictionary nila ang awa! Magtawa sa kawawa, that's a big "YES"!
"....pagtatawanan nyo lang ako mga bwisit kayo! Sabin pa ng mga yan..."

"Beh buti nga nagsosolo ka kasi eh!"
"Napapala ng makasarili hahahah! Muntik ng ma-rape!" parang umaalingawngaw sa utak niya sa pang-asar sa kaniya ng mga ito. Nasapo niya bigla ang ulo niya at napatili nalang.

"Aaaaahhhhh! Bwisiiiiiiiit! Bwisit ka!"
"...bwisit na John yan! Hayop kang driver ka! Ang kapal mo huhuhuhu! You'll gonna rot in prison! C'est des conneriiiies!" Curse word in french which only means "This is bullshiiiiit!".

"Kathleen naman kasi why don't you wanna open this door? Suicidal ka na ba?!" Sigaw ni Bhea.

"Ta Gueule!" Sigaw nito kay Bhea.

"Ano daw?" Napa-pout lips ito na tanong kay Toni.

"You shut the fuck up daw, hahahahah!" Natawang sagot niya.
"....Let's go in our room na nga, malaki problema niyan parang di naman natin kilala yang babaeng yan." Yaya na ni Toni.

"Let's go! Bahala ka sa buhay mo Kathleen!!!!" Ganting sigaw ni Bhea sa kaibigan bago iniwan ang kwarto nito.

Si Kathleen naman sa harap ng salamin... Ngumiwi at itinaas ang isang kilay.

"Merde!" Na parang siya lang ang nakarinig na ang ibig lang sabihin ay "shit!"

***********
The Venetian Macao. VIP Lounge.

"Mr. Michael Araneta?" Bati sa kanya ng hindi niya nakikilalang lalaki.

Matangkad ito. Maganda ang katawan. Maganda manamit. Mukang katulad din niyang businessman. VIP rin ang datingan. Gwapo. Pero feeling niya mas gwapo siya. O makapal lang mukha niya katulad ng sa anak niya na feeling dyosa!

Lumingon lamang siya pati kasama niyang bodyguards na sina Norwin at Rafaelo. Tsaka nagpatuloy ng lakad. Sa sama ng araw niya gusto niya ng makapahinga at bumalik na sa hotel suite niya doon lang din naman sa mismong building na iyon. Pero humabol ang lalaki sa kanya.

"Mr. Araneta!"

Huminto silang muli.

"Mr. Araneta, Kenneth Morgan Cervantes!" Inilahad niya ang kamay niya dito. Pero napahiya lamang siya. Nagpatuloy lang muli si Mr. Michael Araneta sa paglakad. Ibinaba niya ang kamay at susunod sana ulit.

"Excuse me. Whoever you are Mr. It's not a good time! Excuse us!" Harang ng bodyguard niyang si Norwin.

"We really need to talk, can you just give this." At mabilis na iniabot ang calling card.

Inabot naman ito ni Norwin at mabilis na naglakad upang humabol sa boss niya.

Si Kenneth naman ay nagtungo sa bar nasa bandang kanan lamang ng VIP Lounge na iyon. At kumuha ng maiinom. Sumandal sa bar habang hinahatid ng tingin sina Michael at mga bodyguards nito na ngayon ay palabas na sa glass door ng lounge.

***********
KENNETH MORGAN CERVANTES
ENTREPRENEUR

(800)-786-3476 | kmcervantes@gmail.com |
www.cervantesgoc.com | 567 West Randolph Street Chicago, Illinois 60601-3274

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon