Part53: The "Surprises"

221 17 0
                                    

South Carolina. County Jail.

Nakatanggap ng tawag mula kay Bright Australia si Mr. Michael Araneta na kasalukuyang nakapiit dito.

Dahil sa napakalaki na ng natalo nito sa sugal. Sinubukan niyang dugasin sina Bright sa pagbabayad niya. Nagbayad siya ng mga ari-arian niya at business na puro fake ang mga documents. Fake Titles. Matapos sana ito ay tatakasan niya sina Bright. Ngunit paano siyang makakatakas sa mga taong sa simula pa lang ay pinaghandaan na siya? Ang akala niyang simpleng laro lang ay may akibat palang plano ng paghihiganti.

Hindi nito alam na may mga galamay ang kampo nina Bright na siyang nag-udyok na pekein niya ang ibabayad niya upang magkaroon ito ng pananagutan sa batas.
At napagtagumpayan nilang makuha ang mga gusto nilang makuha sa ama ni Kathleen at ginawan pa nila ng paraan na makulong ito.
Hindi na nila kasalanan na nagpabuyo siya sa mga tauhan niyang doble kara.

"That's so absurd Bright! I already called up Atty. Love Velasco, and told her to ready all the genuine titles of the properties. Pero hindi ako makakapayag na baguhin ninyo ang napagkasunduan na!"

"Wala kaming pakialam sa mga gusto mo Mr. Araneta! We're just giving you a favor here! Kung ayaw mo, tapos ang usapan and this will gonna be our last call and offer for you! Si Kathleen na lang ang kakausapin namin. Alam mong hinahanap ka na ng anak mo at nakiusap ka lang na huwag ipaalam ang mga pinag-gagawa mo."

"Naintindihan ba ninyo ang gusto ninyong ipagawa? Kapalit ng paglaya ko dito ay ang ibigay ko sa inyo ang lahat-lahat ng pag-aari namin ng anak ko sa San Aileran? Palalayain ninyo ako at itatapon kami ng anak ko sa ibang lugar? Anong kalokohan 'to?!"

"Isang tanong, isang sagot Mr. Araneta! Gusto mo o ayaw mo?"

Nag-isip ito at napapailing. "Bright, sige papayag ako, pero hindi kasama ang Villa Athena! Para na lang iyon sa tirahan man lang naming mag-ama." Pakiusap nito.

"Mas mabuti pa sigurong anak mo na lamang ang kausapin namin. Mas madali pa sigurong kausap ito kesa sa'yo! Sinasayang mo ang oras ko!" At in-end na ni Bright ang tawag niya.

"Please Bri... Bright! Hello Bright! Bright!" Gigil na gigil niyang ibinaba ang telepono. Pinagsabihan naman siya ng commanding officer doon na ingatan ang gamit sa opisinang iyon ng kulungan. Fucking bastard!

Pero hindi niya kailangang hayaan na mangyari iyon. Kailangan niyang tawagan si Bright kaya nakiusap ito sa police officer na naroon, na kung maari siyang makatawag.

Pinayagan naman siya ng mga ito.

"Mr. Araneta! Bilis mong magbago ng isip ah."

"Please huwag na ninyong ipaalam sa anak ko ang mga nangyayari sa akin. Sige papayag na 'ko. Pero hayaan n'yo munang maiayos ko ang paglilipatan ko at ng aking anak. Hindi siya maaring basta na lang kung saan magpunta matapos ninyong kunin ang kailangan ninyo."

"Sure! Maayos ka bang kausap Mr. Araneta?"

"Maasahan ninyo. Ipapaayos ko agad sa attorney ko ang lahat."

"Siguruhin mong walang halong katarantaduhan 'yan tulad ng ginawa mo sa amin noon! Dahil hindi lang ang buong San Aileran ang mawawala sa'yo!"

"Makakaasa ka Bright."

Click!

Wala na siyang narinig pa na sagot buhat sa kabilang linya.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon