Part44: Ricky Guttierez Meets The Damn Princess 2

223 26 0
                                    

Isinayaw siya ni Ricky. At sa gitna ng dance floor muntik na siyang matumba na naagapan naman nito.

"Are you alright? Kaya mo pa ba?" Inaalalayan siya ng binata habang patuloy pa din ang pag-indayog ng katawan niya.

"Yeah! Pasaway lang 'tong stiletto ko, naa-out of balance! Hahahahah!" Nakahawak ang kanang kamay niya sa balikat ni Ricky. Ramdam niya ang kapit nito na kumukuha na lamang ng balanse sa kanya. Ang isang kamay naman niya ay hawak ang noo niya sa nararamdaman niyang tipsyness.

"Stilleto talaga ang na out of balance? Heheh! Are you sure kaya mo pa? Madami na din tayong nainom. We better go back to our seats okay?"

"Okay!" Nakaka-dalawang hakbang palang si Kathleen, "Ayyy!" Na-out of balance na naman ang stiletto niya.

"Ooops! Lasing na ang stiletto mo Kathleen, easy, okay?"

"Sorry! Hahahahah!"

"Let's go." Inalalayan niya na ng husto si Kathleen.

**************************

Magic's place.

Nasa music room sina Magic at mga tropa nito. Sina Anthony, Ren at Gerald. Hindi naman sila isang grupo ng boy band, pero marunong silang tumugtog. Magic, siya sa guitar at lead vocalist. Si Anthony sa drums. Si Ren sa organ. Si Gerald sa guitar din. Lahat sila magaling sa pagkanta. Libangan lang nila 'to bukod sa billiards 'pag nasa labas sila. As usual na-shot sila ng alak.

"Excuse me lang mga par, I need to take this call." Paalam ni Anthony. Lumabas ito ng music room dahil sobrang ingay ng trip nila ngayon.

"Sure par! Sino yan? Bagong babae mo na naman no?" Biro ni Magic habang patuloy na kinakalabit ang gitara niya.

"Haha! Hindi. Si Cher par! Saglit lang." Sagot naman ni Anthony.

"Sige lang."

Lumabas ito ng pinto.

"Rest muna tayo!" Yaya ni Magic. Ibinaba ang gitara at nagtungo sa sofa na naroon at nagsalin ng alak sa baso. Nagsunuran na rin sina Ren at Gerald.

"Tara, nauuhaw na rin ako." Si Gerald na palundag pang umupo sa sofang malambot.

Si Ren din ay umupo sa katapat na sofa at tumagay.

"Cher na naman! Ano ba nangyayari sa mokong na Tune na 'yan. Mukhang seryoso kay Cher ah." Si Magic na relax na relax sa pagkakasandal sa upuan, saka nagbuga ng usok paitaas.

"Ikaw na makabingwit ng mayaman, di mo pa ba seseryosohin? Bilyonarya ang mga magulang, bilyonarya na din siya malamang!" Sagot ni Ren.

"Wow lang talaga 'to si Anthony galing manghuli." Sabi naman ni Gerald.

"Kaya ikaw Gerald galingan mong sumisid ng hindi ka laging iniiwanan!"

"Hahahahahah!" Nagtawanan si Magic at Ren.

"Ako na naman!"

"O eh bakit hindi ba? Si Lady, si Liezl, si Mayline! Lahat inayawan ka matapos mong maka-one night stand!"

"Yun na nga 'yon mga pare. It's just a one night stand hahahah!"

"Hahaha bugok mo! Kilala ka namin uy! Matagal ka ng nangangarap ng totoong girlfriend!" Si Magic.

"Ang kaso mo after ng unang gabi, kinabukasan wala ka ng balita hahahahah!" Si Ren.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon