Part17: Date With The Monster

287 49 1
                                    

"I'm into my fullest extent with that bitch Celine! Where did she get that incomparable hellishness!!!" Halos mamula sa galit ang mestisuhin niyang mukha. Pero ganon pa man sobrang gwapo pa din ni Ricky. Naroon siya ngayon sa loob ng office niya. Glass ang walling ng likod ng swivel chair niya. Nakaharap siya sa tanawin sa labas na puro tall buildings.

"Kuya they're so damnable!"

"Maybe she had been exiled from hell, for even Lucifer couldn't take her for being an infernal nuissance!"

"I believe so kuya. Don't worry everything's happening as planned. Malupit talaga sila gumawa ng kawalanghiyaan. Hindi basta joke lang. No wonder may nabaliw na lalaki at nasira ang mga buhay. Pinakamalupit lang ang nangyari kay...."

"Sssssshhh. It's all coming back to her soon! Basta lahat kayo, you need to be extra carefull with that monstrous woman!"

"Don't worry kuya."

"Patrick and Carl is with you right? I wanna talk to them."

Inabot ni Celine ang phone niya kay Patrick. Saglit na nag-usap ang dalawa at maya maya naman ay ipinasa ni Patrick kay Carl. Binilinan nito na mag-ingat higit sa lahat ingatan si Celine at bantayan maigi. Then muli ng binalik kay Celine.

"So call me na lang again okay?"

"Okay kuya. Take care. Bye."

"All of you too, especially you. Okay bye."

"Bye!"

Inilapag na niya ang cp niya sa ibabaw ng dining table. Magkakaharap sila ngayong umagang ito. Matapos ang tawag ni Ricky ay sabay sabay na nilang kinain ang nakahain na almusal na hinatid ng roomboy na si Rambo.

****************
It's lunch time. Nasa dining ang tatlong witches. Lahat sila nakaligo na. Tahimik na kumakain si Kat. Habang ang dalawa ay hindi pa maka-get over sa nangyari kahapon sa Notre Dame Cathedral.

Hahaahahahahahah!

Halos mapuno ng nakakabinging tawanan ang buong suite nilang iyon.

"Nakakaloka ka rin talaga Toni pag-nakaisip ng trip eh! Alam mo konti na lang maabot mo na trono ni Kathleen!"

"Kaya nga tayo ang magkakaibigan diba? Hahahahah!"

"Ano na kayang nangyari kay Celine? Pag napapanood ko yung video niya, hahahah stress reliever talaga!"

"Naku nakayakap yun sa rehas! Hahahahah!"

"Magsikain na nga kayo, kagabi pa kayo maingay!" Saway ni Kat sa kanila.

"Bakit di ka ba natatawa, nagagalak! Successful diba! Busog na naman ang journal ko neto." Sabi ni Bhea.

"Eh pano ang forte niya sa mga lalaki! Mukang nabigo ang plano kaya ayan wala sa mood." Si Toni.
"......ikaw naman kasi eh. Di na lang natin hinayaan sila ni Patrick!" Sisi ni Toni kay Bhea.

"Magsitigil na nga kayo." Saway niya ulit.

"Eh san ba tayo ngayon pala?" Tanong ni Bhea.

"Wala. I wanna take a rest. Pero kung may balak kayong lumayas, go on. I need my bed the whole day and night today."

"KJ mo naman Kat. Sama ka na, pano pa naging tour to puro ka tulog tanghali ka na nga gumising noh!" Si Bhea sabay tusok sa king prawns at sinubo.

The Damn Princess (Completed) Sequel to The SuitorsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon