"Waaaaaaaah walang nangyari hahahahah!...
I'm still beautiful! Yes!" Sipat niya sa mukha niya."Tenga ko hindi ba lumaki? good!"
" Buntot! Buntot baka nagkabuntot ako! Wala."
"Baka flat chested na ko? Woah malaki pa din...
"Yung ano ko..wait lang baka napalitan! Oh thanks, babae pa din ako. Naku ka fairy ka tinakot mo lang pala ko!"
Humiga na siya ng kama ng macheck ang sarili. Perfect pa din siya. Walang nagbago sa kanya.
******
"Mang Peter, pakibilisan naman late na late na ko!" Utos niya sa driver niya. Papasok siya noon sa school.
"Bakit tinanghali ka yata iha?"
"Wala kang karapatan magtanong okay?! Hmp pasalamat ka mabait ako, well napuyat ako sa malditang fairy kagabi! Peke naman hindi tumalab ang parusa, bwahahahah!"
"Mabait daw...tawa pa lang pangdemonyita na."
"Ansabi mo?"
"Sabi ko po kung totoo pa ba ngayon ang fairy mam?!"
"Pwede ba mang Peter ayoko sa lahat yung may kausap na bobo. Sinabi ko na nga diba, siempre real, nakita ko eh!"
"Pasensiya na po...."
"Ah shut up nobody wants to talk to you! Magdrive ka na lang dyan!"
"Aga-aga nakatayo na naman ang sungay at nagwagayway ang buntot!" Bulong pa ulit ni Mang peter. Inismiran lang siya ni Kat.
Habang nasa kalsada. Nadaanan niya ang lalaking nakabangga nila kahapon na si Felix. Nakatinginan sila. Hindi lang basta tingin malagkit ang tingin niya sa binata.
Hindi niya alam ba't ganon ang dagundong ng puso niya.
"Gwaaarkk!"
"Senyorita? Okay lang ba kayo?"
Muntik siyang masuka!
"Ba't ganon? No! Oh my God!" Nilingon niya muli ang lalaki. Nakatingin pa din ito sa kanya. At ganon muli kalagkit ang tingin niya. Binawi niya ang mga tingin niya.
"Manong pakibilisan mo nga. Ipasok mo na sa gate ang sakit ng ulo ko."
"Kaya niyo pa po ba pumasok senyorita. Nasusuka kayo at nahihilo. Baka buntis kayo?"
"Hoy Mang Peter virgin pa ko no! Bilisan mo na late na ko!"
Bumaba na siya ng kotse.
"Sige na tawagan na lang kita pag uwi na ko. Baka maglandian na naman kayo ni Aling Poleng ha! Baka yun mabuntis niyo, hmp!" Walang paggalang nitong utos sa driver niya. Sabihan ako ng buntis ng matandang yon hmp bastos!
Naisipan nitong lumabas ng school. Hindi niya alam pero may gusto siyang makita.
"Ateng maganda, ateng maganda bili ka na ng rose!"
"Magkano ba yan?"
"Bente lang po ang isa."
"O sige bilhin ko na yan lahat. Ano nga pala pangalan mo?"
"Lea po."
Samantala sa kabilang kanto lang. Naroon ang magkakaibigang Magic, Gerald, Anthony at Ren.
"Look par, yung crush mo kamag-anak ni Lucifer bumibili ng bulaklak ayun oh." Turo ni Gerald ng makita si Kat. Sabay sabay nilang tiningnan ito.
Pinagmasdan nila maigi si Kat na parang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
The Damn Princess (Completed) Sequel to The Suitors
FantasíaBeautiful. Sexy. Intelligent. Rich. That's Kathleen Araneta. Impakta sa lupa. Matapobre. Prinsesa Dimonyita. Siya din si Kathleen Araneta. Marami na siyang lalaking pinaglaruan, sinaktan, niloko at may nagpakamatay pa. Pero lahat ng iyon ay pinagtaw...