"Nasaan na naman kaya ang pangit na 'yon? May surpresa pa naman ako sa kanya." Tumingin siya sa nakahaing pagkain sa mesa.
Nagpaalam siya na kukuha ng panggatong. Ang dilim na wala pa din.
Nasa labas siya ng pinto. May balabal para sa lamig. Naghihintay sa pagdating ni Felix habang yakap ang sarili dahil sa lamig. Paminsan ay pinagkukuskos ang mga palad upang mag-init at ikikiskis sa balat o di kaya sa pisngi.
Hindi niya natiis ang lamig kaya sa loob na lamang niya napagpasiyahan na maghintay.
Umupo siya sa papag at nakatuon ang pansin sa pintuan.
**************************
Dalawang oras na yata siya naghihintay wala pa din si Felix.
Lalong lumalamig ang paligid.
Naramdaman niya ang hanging malamig buhat sa bintana.
Lumingon siya dito. Napakadilim na talaga sa labas. Ang mga halaman napakalakas ng galawan dahil sa malakas at malamig na hangin.
Yakap ang sarili. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa papag at nagtungo sa bintana.
Sumilip muna siya. Wala pa talaga si Felix. Saan kaya nag-suot 'yon?
Nang wala talagang makita ay isinara na niya ang bintana.
Lumapit siya sa mesa. Inangat ang takip ng niluto niya. Wala ng usok. Tsk malamig na tuloy!
Muli niyang tinakpan ang niluto at nagbalik sa pagkakaupo sa papag. Dahil sa sobrang lamig ay iniyakap niya na rin ang kumot niya sa kanya at itinaas ang paa sa papag. Tsaka sumandal. Nakatuon pa din ang tingin sa bukas nilang pintuan. Imposible naman na maligaw 'yon.
Iba ang panahon ngayon. Ramdam niya.
Fizzzzzzzzzz! Kaboooooom!
"Oh my goodness! Grabe namang kulog at kidlat 'yan, parang end of the world na!" Napatingin siya sa labas ng pinto. Nagpapagaspasan ang mga halaman sa labas.
"Nasaan na ba 'yon? Babagyo pa yata! Diyos ko po hindi lang bahay ang matatangay dito pati ako." Kinakabahan niyang sabi.
Blag! Whooos! Blag! Whooooosh!
Nagbubukas-sara ang pinto ng kubo.
Nilapitan niya ito upang isara at baka mauna pang masira.
"Huuuuuuu, lamiggggggggg! Brrrrrrrrr!" Nangangatog si Kathleen habang sinasara ang pinto.
Bago pa man maisara....
Plip plip ploop plip plip plip plip ploop
Nagsimulang pumatak ang ulan. Kaya dali-dali na niya itong isinara.
Crashhhh Fizzzzz Kaboooooom!
"Felixxxxx! Oh my God nasaan kana?!" Napasigaw na siya sa gulat sa tunog ng kulog at liwanag ng kidlat. Diyos ko baka matusta ako pag tinamaan ng kidlat dito. Nasaan ka na ba Felix ka? Kailangan na natin makaalis dito. Hang-ginaw brrrrrrrr!
Kinakabahan na talaga si Kathleen.
Kung may orasan lang. Paniguradong hating-gabi na. Ang lakas-lakas ng ulan..
BINABASA MO ANG
The Damn Princess (Completed) Sequel to The Suitors
FantastikBeautiful. Sexy. Intelligent. Rich. That's Kathleen Araneta. Impakta sa lupa. Matapobre. Prinsesa Dimonyita. Siya din si Kathleen Araneta. Marami na siyang lalaking pinaglaruan, sinaktan, niloko at may nagpakamatay pa. Pero lahat ng iyon ay pinagtaw...