Kyle's POV:
—
Habang naglalakad ako sa street namin pauwi. Nakakita ko ng isang family sa central park ng village namin. Parang nagbobonding sila don. Isang anak, ama at ina. Mga 7 years old palang yung batang lalaki na karga karga nung daddy nya. Habang kinukunan sila ng litrato ng babae. Ang cute nila tignan.
Napatigil ako malapit sa pwesto nila. Tinitignan ko sila. Naaalala ko kasi si daddy. Namimiss ko na sya. Namimiss ko na yung mga panahon na nandito sya at nagbobonding kami nila mommy. Ganyang ganyan kami dati.
Nabago lang lahat ng nalugi ang company nila daddy at kinailangan nyang mag stay sa work nya sa Canada. Simula non, kami nalang ni mommy ang nagbobonding.
Kaya rin siguro lumaki ako na may pangungulila sa daddy. Kasi matagal tagal ko din syang di nakakasama. Namimiss ko na yung mga pagtatanggol sakin ni papa sa mga nangaaway sakin dati. Kung nandito yun ngayon at nalaman ang kalagayan ko sa Eagleton, nako baka di na umalis yun. Ayaw na ayaw nya kasi nakikitang nasasaktan ako. At saka choice ko din naman na di ipaalam sa kanila eh, kaya ko pa naman. Kaya ko pa naman yung mga ginagawa ng mga schoolmates ko sakin. Ayoko din naman na magalala sila.
Natigilan nalang ako sa pagiisip ng may tumulong luha sa pisngi ko. Naiiyak na pala ko. Again, palagi naman eh. Pinunasan ko yun at lalakad na sana palayo pero may pumigil sakin ng sabihin nyang 'Teka lang'.
Paglingon ko ay ang ama ng batang pinapanood ko kanina ang nakatayo sa harapan ko. May konting luha pa ko sa mukha ng tumingala ako sa kanya. Nakita kong nakatingin sakin ang asawa nya at ang bata ay tumakbo palapit sa ama nyang nakatayo sa harapan ko.
"Okay ka lang ba bata?" Tanong ng lalaki sakin. Magsisinungaling ako kung sasabihin ko sa kanyang hindi. Napayuko lang ako sa lungkot. "Anong problema?" Rinig kong boses ng babae na nasa likod na pala nung lalaki. Iniangat ko yung ulo ko. "Wala naman po. Namimiss ko lang po ang Papa ko." Sagot ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at nakaramdam ako ng yakap. Yakap mula sa babaeng kaharap ko kanina. Yakap katulad kay Mama. Ngayon ko naramdaman to sa ibang tao. Kakaibang pakiramdam.
BINABASA MO ANG
What If (BoyxBoy)
RomancePano kung sa naging takbo ng buhay mo eh puro sakit ang dinanas mo mula sa mga tao sa paligid mo. Pano kung minsan ka na nga lang umibig, niloko ka pa. Pano kung sukuan ka na ng buhay mo? Pano kung ang lahat ng nangyari ay may kapalit na bago? Isang...