WHAT IF | Chapter XIV

300 3 0
                                    

Back to reality.

Kyle's POV:

Bumaba na ko sa dining room para kumain with the family. My mom and dad, Ate Sophia, Uncle Robin and Lola Fely na mommy ng dad ko.

Nang matapos kami kumain ay bumalik ako sa kwarto at nagisip isip. Summer na din pala sa Philippines ngayon. Napatingin kasi ako sa calendar.

Kumusta na kaya sila Rani, Yuri and Kiezel? I miss them so much. Once lang kami nagkausap ng matino online eh. Medyo naging busy sa school nun.

What if bumalik ako san philippines?

What if harapin ko na yung takot ko?

What if sundin ko na ngayon ang sinabi ni Sophia dati?

Kaya mo ba Kyle? Kaya ko nga ba? Matapang na ba ko para balikan ang nakaraan ko? Natatakot ako na naeexcite. Di ko maexplain.

Natapos ko na naman ang mga subjects ko dito na supposed to be sa Philippines ko dapat tinake last year. Siguro panahon na nga din naman para magpakita na ko, nakamove on na naman ako sa nangyari last year. Ive learned now how to fight dahil tinuruan ako ni Ate Sophia. Tinuruan nya ko on how to defend myself. I am really thankful to her. Dahil sa kanya ang lahat ng to sakin ngayon. I am different. She really want me to be okay kaya she didnt refuse to help me change. I am bigger, bolder, better, greater, and fiercer. Hahaha joke lang yung huli.

Lumabas ako ng kwarto at kinausap ko si mama at papa. Nakapagdesisyon na ko. Desidido na talaga. Walang kokontra! Pagpasok ko sa kwarto nila, akaupo sila pareho sa couch at nanunuod ng tv. Lagi nalang silang ganyan, hirap pag nagkakatabi yan eh, sweet masyado. Kainis. O de ako na bitter. Self proclaimed.

"Ma. Pa."

"Yes baby?" Si mama na ikinatingin din sakin ni Papa. "I wanna go back to the Philippines." Deretsuhin ko na nga. Nagkatinginan sila sa isat isa. Bakas sa mukha nila yung pagwoworry. Desidido na ko eh. "I know you're still worrying about me and what happened but I need to go back there." Kailangan kong bumalik don para naman tuluyan na kong maging okay. Ayoko magtago lifetime.

"Are you sure?" Si papa with matching eyes na naninigurado. "Yes Pa. Ma, please?" Pagpipilit ko sakanila.

"Well" Tumayo si Papa "Then okay, I think youre ready." Thanks Pa! Buti nalang talaga pumayag sya. "You will continue your study there. I hope maging okay ka na don baby. Youll be going with your mom." Niyakap ko si Papa kasama si Mama ng mahigpit. Ayan may permission na ko. Be ready Kyle. Thanks God!

"Ill talk to Eagleton's Management para maayos ang enrollment mo kasi next week na ang start of class." Nasabi ko din kasi na don ko gusto mag enroll. Nandon kasi ang mga friends ko. "And to Greenland for our new home when we go back." Sabi naman ni Mama. This is it! Mukhang ready na. I need to prepare myself na. One week nalang.

--

June 5

Flight namin today from Canada going back to the Philippines.

"Youll take care of yourself there huh? And remember what Ive told you. K?" Si Ate Sophia with her bf Kuya James. Bagay silang dalawa. Half pinoy kasi si Kuya James. After ay niyakap ako ni Ate. I would really missed this girl. She really helped me to become a fight. "Yes ofcourse." Niyakap kpo si Ate Sophia. "Thanks for being my Ate." Im crying na. "Be careful". Si kuya james.

"Kyle" First akong tawagin ng ganito ni Papa. Kadalasan kasi Baby, Princess o kung sino mang sweet character. Nilkapitan nya ko at niyakap. Umiiyak si Papa katabi ni Mama.

"Take care of yourself and your mom." Tinanguan ko naman sya at mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya. Mamimiss ko si Papa.

"Uuwi ako kagad kapag natapos ang base namin dito. Okay?"

"Okay Pa. Ill be waiting." Saka ako lumayo at nilapitan si Mama.

"Hon, bye. Take care." Nagkiss pa sila Mama at Papa before we walk. Sweet talaga. Nagpaalam na din ako kay Uncle Robin at Lola Fely.

Umalis na kami ni Mama with our maleta and baggage. Tanaw ko nalang sila Papa from here.

--

3pm ng June 6 ng makarating kami sa NAIA. Im here. Im finally here. Wala paring nagbago sa NAIA. Madumi padin! Susme.

May huminto samin na van na black at kinid nap kami. Tas binaril. Charot. Niremind ako ni Mama na matulog muna sa van kasi medyo matagal pa naman ang byahe from NAIA to Greenland because of traffic daw.

Pagkadating namin sa bahay namin sa Greenland Houses sa may Makati ay parang nasa Canada lang ulit ako. Umuwi ba talaga kami? Baka naman naground trip lang kami sa Us? Para kasi bahay din namin sa Canada to eh. Ang ganda ng bahay kasi well architectured sya. Malaki din para samin ni mama. Baka maligaw ako. -_-

Pagpasok namin ni Mama ay sinalubong kami agad ni Ate Elvie at Ate Jenifer na tumatakbo. Sila ulit? Wow nemen. Nakakamiss sila. Walang masyadong nabago sa kanila bukod sa rebonded na buhok ni Ate Jenifer. Taray! Asensado.

"Welcome home Maam, at Kyle." Si ate elvie ng makalapit samin. Ngumiti naman ako sa kanya. Medyo inaantok pa ko no. "Ang laki ng ipinagbago mo Kyle. Ang ganda." Si ate elvie ulit at ngumiti. Oh thanks! Maliit na bagay. "Uu nga sir, akala ku di kayu iyan." Napalingon ako kay ate jenifer nung sabihin nya yun. Nakakamiss sya magsalita. Hahahaha.

"Kyle nalang po ate. Salamat." Sagot ko sa kanya. "Ma, una na po ako." Baling ko kay mama.

"Okay baby mukhang inaantok ka pa." Oo ma. Inaantok nga ako. Then tinapik ako ni mama sa shoulder. "Jeni, ihatid mo na sya sa room nya. Elvie, tulungan mo ko dito." Dugtong ni mama. Umakyat na kami ni ate jenifer at huminto kami sa tapat ng isang pinto na i guess room ko na kaya i open the door na.

"Sir ipapasunud ku nalang pu ang gamit nyu." Si ate jeni matapos ay lumabas ng pinto.

"Okay po. Salamat." Pumasok na ko sa loob at namangha ako sa kwarto kasi ang ganda din katulad ng sala. May mga stuffs na din and appliances. Dark brown, cream, white and pink lang ang color ng mga dingding, sahig at roof. No doubts. Akin talaga tong room na to.

Humiga ako sa kama at nagisip isip. Pasukan na bukas. Sana ready na nga talaga ko. Wala ng atrasan to eh. Andito na ko. Sana ready na ko humarap sa kanila at sa mga kaibigan ko. Hindi kasi alam nila Rani, Yuri at Kiezel ang pagdating ko eh. Kamusta na kaya sila? Nakakamiss din kasi sila. Asan na kaya sila. Sana sa Eagleton parin sila nagaaral. Nasa kalagitnaan ako ng pahinga then biglang kumatok si Ate Elvie.

"Kyle eto na mga gamit mo sa school mo. Pinabili na yan ng mama mo bago kayo dumating." Kinuha ko sa kanya ang mga gamit at nilapag sa table malapit sa pinto. Magbibihis na muna ako. At matutulog din. Nakakapagod din ang byahe no.

AN: Maikli lang po itong chapter na to. Enjoy reading :)

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon