Dedicated po itong storya ko sa Idol kong author. Si Yortzekai :)
Kyle POV:
"Ikaw, boyfriend mo na ko." Seryoso syang nagsasalita. Tinitigan ko lang sya na parang nagtatanong ng 'Seryoso ka?' May girlfriend sya diba? Naramdaman nya siguro na natulala ako kaya hininto nya yung kotse sa gilid ng kalsada at nagsalita sya ulit.
Hinawakan nya ako sa kamay ko. Tsaka sya lumingon at nagsalita, "Wag kang matakot. Seryoso ako. Matagal ko ng nararamdaman to eh. Mahal kita Kyle." Lalo akong napanganga sa sinabi nya, first time ko marinig yun mula sa isang tao. Lalo na sa gwapong katulad nito.
Pero posible ba syang mainlove sakin sa unang araw palang? Natatakot ako. Pano kung hindi totoo? May gf kasi sya eh.
"Ah eh i-ivan. Di-diba may girlfriend ka?" Tanong ko sa kanya. Pero di pa din ako tumititig sa mga mata nya. Ayoko naman mangagaw no. Dibale ng wala basta ayoko mang agaw.
"Gf? Wala no. Sayo lang to." Sabay turo sa puso nya. Bakit parang.. namumula ba ko? Tsaka narinig ko syang bumungisngis.
Pero iba yung pakiramdam ng ganito. Ang ipinagtataka ko, di ko naramdaman yung tinatawag nilang sparks. Bakit? Siguro di totoo yun. Pero siguro mali sila. Ang mahalaga ngayon masaya ako. Di ko muna iisipin ang mga malulungkot na pagdadaanan ko. Dapat gawin ko kung anong masaya para sakin. Oo tama.
Ilang segundo pa at..
"Oo ivan." Yun lang ang nasabi ko bago nya bitawan ang kamay ko. Niyakap nya ako sa ng mahigpit at ibinulong sakin ang 'thank you'.
Sigurp naman panahon na rin para sumaya ako, ito na siguro yung binigay ni Lord sakin. Sya na nga siguro. Konti nalang ang sasaya narin ang biuhay ko. Salamat sa pagdating sa buhay ko Ivan. Mamahalin kita.
Nagdrive na sya papunta sa bahay namin para ihatid ako.
"So pano? See you tomorrow babe." Kinindatan nya ako bago umalis. Mabilis na nyang pinaandar ang BMW nya.
Pumasok sa gate namin. Nakangiti lang ako. Lutang na lutang actually. Finally may protector na ko. Gwpo pa <3. Wow just wow. Ang saya ng first day. :)
Lumipad ako paakyat sa kwarto ko. As in fly talaga. Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko nasa alapaap ako at may katabing mga stars na nagpapaningning sa paligid ko. Kyyyaaah. =)))
Humiga ako sa kama matapos kong kiligin mag isa. Hahaha.
Nito lang nag sink in sa utak ko na wala pa pala si mama. Buti nalang di nya ko nakita na niyayakap ang sarili sa kilig. Kung nakita nya, nako di nya ko titigilan kung bakit. -.- Mothers, you know.
Bumangon ako para magbihis. Tinanggal ko ang salamin ko at humarap sa salamin. Agad naman pumasok ang negative side ng utak ko.
BINABASA MO ANG
What If (BoyxBoy)
RomancePano kung sa naging takbo ng buhay mo eh puro sakit ang dinanas mo mula sa mga tao sa paligid mo. Pano kung minsan ka na nga lang umibig, niloko ka pa. Pano kung sukuan ka na ng buhay mo? Pano kung ang lahat ng nangyari ay may kapalit na bago? Isang...