AN: Guys nakakasunod pe be keye? Any comments? Suggestions?
Kyle's POV:
"Ako nga. At hindi ako bingi." Gusto yata nito makatikim ulit eh. Halik ba Kyle? Ano ba tong mga naiisip ko.
"Mukhang may katapat ka na Gray. Hahahaha!" Tawa nung kasama nya na medyo chinito kaya napatingin ako dun. So Gray pala ang pangalan nya. "Shut that mouth." Sagot naman nitong kumag na to. Kahit ba sa kaibigan masungit to?! Maka alis na nga dito.
"Where do you think youre going?" Tinignan ko lang sya. "You'll pay for what you did." Banta nya at umalis na. Nilagpasan ako. Ang mga tao naman sa paligid nagsimula ulit magsigawan. Sinundan pa yung mga yun. Ang iba naman naiwan ang tingin sakin. Bakit ba sya ganon magbanta. Papatayain ba nya ko?
Niyaya ko na ang mga kaibigan ko sa ibang lugar tutal wala naman kaming first subject. Actually morning class. Sipag ng mga teachers namin no? Deserve nila ang jacket and a five thousand pesos!
"Ang hot ng hunter mo te. Hihi." Pagsasalita ni Rani pagkainom ng buko juice. Nandito kasi kami sa isang cafeteria ng school. Kung san nakilala ko sila. "Tss. Sama naman ng ugali." Sagot ko. "Okay lang yun. Mukha namang madaling paamuhin." Sagot nya sabay tawa. "And mukhang mageenjoy ka." Si Yuri. "Korak. Classmate pa naman natin sila." pag sangayon ni Kie. Napapagkaisahan nila talaga ko. Oo nga pala no. Ang malas ko. Okay anong bago?
"Ano bang klaseng tao yun? Bakit siya ganon magbanta? Pinahanap pa ko. Para tuloy akong wanted neto." Reklamo ko. Totoo naman kasi. For that reason ganon na kaagad kalaki galit nya sakin. Seriously?!
"Ang sabi sa MetroPhil. Siya si Gray Miguel Schritz. One and only son ni Mr. Sandro Schritz na may ari ng Humilsten Group of Companies and other companies sa ibang bansa. Kasama ang family nya sa top family dito sa Philippines." Si Yuri na hawak hawak ang tablet nya. Napatulala nalang ako habang hawak ko parin ang kutsara ng kinakain ko. Ang yaman naman pala nya. "And Gray is an ultimate fighting champion, an undefeated street boxer, champion in martial arts, kick boxing and arnis. Sanay din sya sa hiphop and break dancing." Si Kiezel naman na nagbabasa ng isang magazine. Boxer? Nag aarnis? Undefeated? Grabe. "Siya ang isa sa model ng isang sikat na fashion clothing line sa Philippines. Siya rin ang captain ng basketball team ng dati nilang school na ang ilan sa mga members ay ang mga kasama nya kanina. Leader sya ng grupo nila na kung tawagin ay Black Nine." Si Rani na medyo kinikilig pa.
"Tao ba yang sinasabi nyo? Parang wala na kong kawala sa kamatayan ko." Medyo natatakot kong sabi. Sino ba naman ang di matatakot sa kumag na yun. Halos lahat ng self defense mechanism alam nya. "Yes. And you know what? Bakit di ka nalang magsorry? Maeextend pa ang life mo." Seryoso ka Kiezel? Kasalanan ko ba? "Oo nga. And I think he's really nice naman." Si Rani. Magsosorry ba ko? Pwede din. Gusto ko pa mabuhay no. "And hot" dagdag ni Yuri.
Pagkatapos namin sa cafeteria ay pumunta na kami sa room namin for our afternoon class. And as I expected, andito na sila. Nakaupo at nagkekwentuhan. Hindi naman kami kagad nakapasok dahil sa dami ng tao sa labas ng room namin at inaabangan ang mga to na lumabas. Naglalakad na ko papunta sa upuan ko pero nakita ko na nakatingin sakin ang isang kasama ng kumag na to. Mukha syang mabait, gwapo at mas maamo ang mukha kesa dun sa isang yun. Ngumiti sya sakin. Bakit? Ang pleasant ng mukha nya. Ang gwapo nya ngumiti kaya napangiti nalang din ako.
Dumating na ang teacher namin. Pinakilala nya ang mga bagong students samin including Gray. Si Kid Dela Cruz, chinito. Mukha syang joker. Siya yung pinagsungitan ni kumag dati. Si Jack Valderama, gwapo din sya. Mukhang seryoso nga lang. Si Drake Veloso, gwapo din. Medyo moreno tapos matangkad. At si Dale Sanford. Sya yung ngumiti sakin. Sa likod nila napiling umupo kaya medyo malapit sila sa pwesto namin. Thank God at naging payapa naman ang afternoon class namin. Bukod sa ingay ng mga tao sa labas. Mga paparazzi o papa-hunting?!
BINABASA MO ANG
What If (BoyxBoy)
RomancePano kung sa naging takbo ng buhay mo eh puro sakit ang dinanas mo mula sa mga tao sa paligid mo. Pano kung minsan ka na nga lang umibig, niloko ka pa. Pano kung sukuan ka na ng buhay mo? Pano kung ang lahat ng nangyari ay may kapalit na bago? Isang...