WHAT IF | Chapter XIX

338 6 0
                                    

Kyle's POV:

"Baby may humahanap sayo. Lumabas ka at babain mo siya. Gwapo eh." Tawag ni mama mula sa labas ng kwarto. Gwapo daw! Si mama talaga. Kakauwi ko lang, trauma pa ko kay Gray tapos may bisita naman?!

"Dale?" Tawag ko mula sa kanya pagbaba ko ng sala. Nakaupo sya wearing his black jacket. Anong ginawa nya dito? "Hi. Mukhang naabala pa kita." Siya pagtapos ay ngumiti. "Hindi naman. Bakit napunta ka?" Tanong ko. Umupo ako sa isang upuan sa sala malapit sa inuupuan nya.

"Si Gray." Panimula nya. "Ano? Naaksidente na naman?" Pilosopo kong sagot. "No. Gusto ko lang magsorry sa nakita mong paguugali nya kanina. Alam kong natakot ka." Ako? Natakot? Well konti lang naman Teka pano nya nalaman yung kanina? "Pano mo nalaman yun?" Tanong ko. "Sikat si Gray. Madaming may kilala sa kanya." Oo nga pala. Haynako. Huminga ko ng malalim at nag semi roll eye bago magsalita. "Hmm. Okay lang yun. Ano ba kasing meron sa nangyari sa kanya?" Wala lang gusto ko lang malaman. Chismosa level 23456.

Tumingin sa ibang direksyon si Dale. "Dapat siguro malaman mo din. Two years na sila ni Madison. Siya yung nakita nyo kanina, na may kasamang lalake. Actually we are all childhood friends. Magmula nung iniwan si Gray ni Tita Eliza, mommy ni Gray, naging cold na sya. Si Madison lang at kaming mga kaibigan nya ang nakakalapit sa kanya. Even Tito Sandro hindi makalapit. Galit sya kay Tito because he thought his dad didnt make a way para hindi umalis si Tita Eliza. Kaya ganun nalang sya magalit kapag iniiwan sya. Lalo na ng taong mahal nya. Ngayon mas masakit pa kasi, niloko sya." Kwento ni Dale. Ang tahimik tuloy ngayon sa pagitan namin ni Dale. Pareho kaming speechless. Ganun pala ang kwento ng life ni Gray. How sad naman. "Pero kilala ko si Gray, mabilis mag move on yun. Bukas lang gago na ulit." Dagdag pa ni Dale at tumawa. Napatawa nalang din ako.

"Kaya pala ganun yung kaibigan mo eh. Hanep kung magalit. Gustong gusto yung may nahihirapan." Sabi ko kay Dale.

Tumawa si Dale pagkasabi ko nun. "Kaya kung ako sayo, tapusin mo ng maaga ang atraso mo sa kanya ng masolo na -- Arf arf!" Ano daw? Masolo sino? Tumahol ba siya? Ingay naman kasi ng aso sa likod. Di ko tuloy narinig.

"Ano? Masolo sino?" Tanong ko. Napatitig naman siya sakin sabay sabing "Wala! Sige una na ko." Tumayo na sya at lumabas na ng pintuan. Nagbabye muna sya bago sumakay sa kotse nya. Tignan mo to?! Manang mana sa amo nya.

--

"So ano? Titigan tayo dito?" Si Kiezel na katabi ko. Kakadating ko lang sa school. Pinipilit nila ko magkwento.

"Magkwento ka na dali. Kutusan kita." Si Rani. "Oo nga. I support." Si Yuri naman.

Eh ano pa nga ba? Edi magkwento na. "Di nga natuloy yung deal na paglilinisin nya ko ng condo nya." Sagot ko. "Ha? Eh why?" Si Yuri. "Oo nga. Swerte mo ha. Makakapasok ka sa condo nya." Si Rani. Mas excited pa saken? Di nga natuloy eh. "Bakit nga ba?" Si Kiezel. "Eh.." Panimula ko. Sabay sabay naman nila ko tinitigan ng what-look. "Nakita nya yung girlfriend nya na may kasamang iba." Okay! Done! Nasabi ko na.

"WHAAATTTTT??!!!!" Sabay sabay nilang sabi. Ang ingay. Buti nalang pipito palang kami sa room. "Taken pala sya." Si Rani. "Ang sakit nun." Si Yuri. Tinignan namin siya. "Ems lang." Sabay peace sign. "Grabe. So anong ginawa mo?" Si Kiezel. "Eh.." Ano nga ba? Natakot lang. "Wala.." Dagdag ko. Tinignan lang naman nila ko ng ano?!-wala-kang-ginawa-look. Mga to talaga dami pauso. "Eh natakot. Nakakatakot sya magalit." Sabi ko nalang. "Tsaka mabuti ng di natuloy yun. Ano nalang sasabihin ko kay Mama kapag umuwi ako ng late? Na naglinis ako ng condo ng kaklase kong lalake?" Dagdag ko pa. "Congrats Kyle, may sense ka na magisip ngayon." Si Kiezel na hinimas pa likod ko. Tumawa naman sila Rani at Yuri. Wow salamat sa compliment ha?!

"Pero look. Andyan na siya. Actually sila. Parang ang saya pa nga nya." Patago lang nya sinabi sakin yun at tumingin sya sa direksyon kung nasan sila. Andyan na nga. Mukha nga namang masaya sya. Tama nga si Dale. Bilis magmove on.

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon