WHAT IF | Chapter XVIII

350 4 3
                                    

Kyle's POV:

Nasa kalagitnaan pa ko ng ride ng kotse nya ng ihinto nya yun. "Wag kang bababa." He coldly said. Bakit kaya? Nakita ko lang sa labas ang mga lalaki na nagaabang sa kanya. Hindi naman sila Drake yun. Ang layo nga ng itsura sa Black Nine eh. Para silang mga basagulero sa mga kanto kanto. Nagulat nalang ako ng sinapak ni Gray yung isang lalaki na kaharap nya. Palabas na ko ng makita kong nagsuguran narin ang ibang kasama nung lalaki. Pinagtutulungan nila si Gray kaya napasigawa nalang ako ng "Gray!!!!!" Kabadong kabado ako habang pinapanuod ko sila. Wala naman akong magawa kasi ang lalaki nilang tao.

"Dito ka lang!" May nagtakip ng mga bibig ko at itinabi ako sa isang madilim na part ng kalye. Nilingon ko sya kung sino. Si Dale. Tumakbo sya kung saan binubugbog si Gray. Kasama nya pala sila Drake, Jack, at Kid at apat pang lalaki.

Sumali sila sa gulo at nang mapuruhan na si Gray ay nagsitakbuhan na ang mga lalaki. Nilapitan nila si Gray at dinala sa kotse nya. Takot na takot ako nun. Di ko alam ang gagawin ko. Nilapitan ako ni Jack at sinabi nyang "Kyle, go home. Kami ng bahala sa kanya." Napatango nalang ako. Then he left me. They all left me with their cars.

Naglakad na ko para humanap ng jeep man o taxi. Nakahanap naman ako agad at sumakay na ko. Sa byahe naiisip ko si Gray. Imbes na inis at galit ang nararamdaman ko sa mayabang na yun, ngayon awa. Ngayon lang ako nakakita ng ganong eksena.

--

Nang nagpapahinga na ko sa bahay. Bigla namang tumawag si Dale. "Dale?" Sagot ko. "Si Kid to Kyle, malala ang lagay ni Gray--". Yon lang ang nag sink in sa utak ko. Nagsasalita parin si Kid pero hindi ko na naiintindihan. Dahil ba sakin? Bakit nadamay pa sya sa kamalasan ko? Kung hindi naman nya ko isasama sa kung saan hindi naman namin makakasalubong ang mga yun at mabubugbog sya.

Nagbihis ako ng mabilisan at nagpaalam kay Mama. Sinabi kong may importante lang akong bibilin sa department store. Pumayag naman sya kagad. Ayoko sana maging oa pero di ako makakatulog pag namatay yun ng di ako nakakapagsorry. Sorry sa incident sa mall. Sorry sa nangyari kanina. Sorry sa dulot kong kamalasan.

--

Pagdating ko ng hospital. Dumeretso agad ako sa room na sinabi sakin ng nurse sa information corner. Binuksan ko ang pinto at nakita ko nga sya, nakahiga. Lumapit ako sa kanya. Hindi naman sya nagkaron ng mga grabeng galos. Namumula lang ang mga balat nya. Batak ata sa away to eh. Baka naman may fracture? Sabi kasi ni Kid malala daw sya eh.

"Gray." Tinawag ko sya. Tinignan ko kung gigising pero hindi. Naalala ko yung sinabi ni Kid. Kailangan ko ng magsorry. "Sorry na.. Di ko naman alam na magiging ganyan kalagayan mo. Tsaka yung insidente sa mall, sorry na din. Balak ko naman talaga magsorry eh. Kaso natatakot ako sa kamao mo. Ang laki kaya. Kaya bago ka mamatay, sorry." At saka ako nagpahid ng luha.

"Sino mamamatay?" May nagsalita sa likod ko. Si Dale pala. Tsaka nya ko binigyan ng what-look pagharap ko sakanya. "Si Gray." Naluluha kong sabi. "Nagsorry lang ako dahil sa mga nagawa ko." Dagdag ko. "Si Gray? He's fine. Sabi ng doctor kailangan lang nya ng pahinga." Paliwanag ni Dale. Pero sabi ni Kid diba. "Sabi ni Kid sakin--" Naputol ako ng tumawa sya. Why?! "Wag ka nagpapaniwala kay Kid. May sapak sa ulo yun." Then tumawa ulit si Dale. What?! So ibig sabihin

"Pathetic." Sabi ni Gray na nakahiga parin. Nakakahiya Kyle! Ilubog nyo ko please! "Nakakainis!" Mahina kong sabi. Lalabas na sana ko ng nagsalita sya ulit. "I guess you have to know whats our deal." Ano daw? I love you ulit? Huminto ako at humarap sa kanya. Nakita ko naman si Dale na nakangiti lang. "Anong deal?!" Sagot ko sa kanya. "Its the way of paying for what you did to me." Tsaka sya dumilat. "Pumayag ba ko?" Tanong ko. "Why would I have to know if you agreed in the first place?" Sabi nya. Ginagantihan talaga ko nito ah. "Di ako payag." Ayoko nga no. Baka patayin talaga ko nito.

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon