WHAT IF | Chapter III

485 7 3
                                    

Dedicated ko to sa isang author na pinahanga ako sa AMSMH :) Si elusive_chanteuse

Kyle's POV:

"Hi babe." Ngumiti ako kay Ivan ng sinabi nya yon. Nakakawalang hinala kasi yung mga ngiti na yon.

Alam mo yung mga ngiting yon ang bilis makawala ng galit o inis. Ang gwapo kasi nya sa suot nyang yellow  polo shirt and black jeans.

"Tara, may pupuntahan tayo." Hinawakan nya yung kamay ko at hinila ako papunta sa kotse nya na naka park malapit lang sa tennis court.

Tatanungin ko sana sya kung sino yung babae kanina kaso natatakot ako. Baka kasi magalit sya sakin. Di pa naman basta nagaapproach sa kanya. Kaya pinagbalewala ko na. Gusto ko lang ngayon maging masaya.

Nasa byahe na kame, north bound to be exact. Tinanong ko sya kung san kami pupunta. Tumingin lang sya sakin tsaka ngumiti. "We're here." Lumingon ako sa labas at nakita kong nasa SM North pala kami. Nilingon ko sya at kasalukuyan nyang inililibot ang paningin para maghanap siguro ng mapapagparkan ng car nya.

Pumasok kami sa loob ng mall. Una kaming pumunta sa time zone. Ang gwapo nya. Nakikita ko sa kanya yung soft side nya. Parang bata na naglalaro lang. Hahaha. Yung naiinis pa kapag hindi nakakapoints. Hahaha ang cute.

"Tara sa xbox kinect." Hinila nya ko kung san nasan ang xbox kinect. Grabe kanina pa ko hinihila nito eh. Ako naman nahihiya parin. Ngayon lang ako nagpunta ng mall na may kasama na parang nasa 'date'. Iba din kasi tingin ng tao samin.

Inaya nya ko na sumayaw pero tumanggi ako kasi di naman ako ganun kagaling sumayaw eh. Baka mapahiya lang ako. Kaya hinayaan ko nalang sya. Tutal dancer naman sya eh.

Nagsimula na syang sumayaw. Beauty and a beat ang sinasayaw nya. Nakatitig lang ako sa kanya. Ang galing nya kasi sumayaw. Kuhang kuha nya ang mga galaw ng kamukha ng nasa screen. Nilibot ko yung paningin ko sa time zone. Dumami yung tao. Halos natakpan na nga ako eh. Kaya di ko na masyado mapanood yung boyfriend ko.

Tumingkayad ako pero di ko parin talaga makita. Yung mga babae kasi sa harap nagkakagulo eh.

"Ang gwapo nya. Kyaahhh" sabi nung isang babae.

"Oo teh. Kabog galing pa gumiling." -.- sabi pa nung isa. Hay nako.

Nang matapos sya sumayaw, nagpalakpakan talaga yung mga tao. May mga kinikilig pa nga eh. Si Ivan naman, ngiti lang ng ngiti. Nakipagsiksikan sya sa mga tao para makalabas. Dumami kasi bigla yung tao eh.

Nang makita nya ko na nakaupo lang. "Di moko pinanood?" Nakangiti parin sya sa tanong na yun.

"Ah eh kanina oo. Kaso dumami yung tao di ko na kita. -.-" nahihiya kong sagot sa kanya. He pull my chin up tapos "Ang liit talaga ng babe ko." Tapos pinisil nya yung cheeks ko. And guess what? Namula ako. Oo namula talaga ko. Ramdam na ramdam ko eh. Nakakahiya.

"Gutom ka na ba?" Hinawakan nya yung kamay ko. Tapos "BRRRRPPPPP!" Ano yun?! Ah.. Eh.. Nakakahiya! Grabe. *facepalm*

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon