WHAT IF | Chapter XI (Missing Part)

233 3 1
                                    

 Kyle's POV:

Muli akong tumingin kila Megan habang wala hinto ang pagtulo ng luha ko, binigyan lang nya ko ng isang ngiti. Sa sobrang pagiyak ko ay naging mahina ang mga ingay naririnig ko. Gustong gusto ko tumakbo palayo. May huling sinabi si Megan pero sa hina ng pandinig ko ay hindi ko masyadong narinig. Pero sigurado ko na 'Nagtagumpay ako' ang binigkas nya kanina.

Sa sobrang pagkapahiya sa lahat ng mga taong nakapaligid ay kusang tumakbo ang mga paa ko hindi para tumakas kung hindi para tanggalin ang lahat ng mga nakakabit na litrato. Basang basa ng mga luha ang mga pisngi at leeg ko, pero nagkaron parin ako ng lakas para tanggalin ang lahat ng mga yon.  Pagkatanggal ko ng mga yon, ay pinilit ko ang sarili ko na kumawala sa mga taong nakapalibot sa News Board. Papalayo na sana ko ng mapaupo ako dahil sa may bumuhos ng pintura sakin na kulay green. Napapikit ako sa gulat at sa lakas ng impact ng pagbagsak non. Kasabay pa non ang pagbato sakin ng ilang estudyante ng 'crampled paper' at pagsigaw ng 'salot'. Hindi ko pinakinggan o inintindi yon dahil ang gusto ko sa ngayon ay makalayo. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng Eagleton. Sa sobrang bilis ng takbo ko ay hindi na ko nagawang harangin pa ng school guard na nakaupo sa gilid ng gate.

Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtakbo sa labas ng school campus. Nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo ng may naramdaman akong pagpukol na matigas na bagay na tumama sa likod ng ulo ko. Bato. Isang malaking bato na ipinukol sakin. Napaluhod ako sa sakit at sa gulat. Naitukod ko ang mg kamay ko sa semento kung san ako tumatakbo. Sandali akong napapikit at napahawak sa ulo ko.

Tumayo muli ako at pilit na tumakbo hawak ang parte ng ulo ko na natamaan ng bato.

Tumigil ako ng nakaramdam ako ng pagod. Bumawi ako ng hininga. Napansin kong andito na naman ako sa parke na to. Dito na naman ako dinala ng mga paa ko. Pansin ko ay walang katao tao ng mga oras na to. Dahil siguro sa maaga pa. Tumuloy ako sa loob. Sa upuan malapit sa lake ako pumunta, dito din ako napaupo dati. Pagkaupo ko ay napatitig na naman ako sa ganda ng paligid. Sa katahimikang dulot nito. Kung ganito sana kaliwanag at kaganda ang buhay ko, hinding hindi ko sasayangin ang bawat araw ko. Inilahad ko ang mga kamay ko sa mukha ko upang punasan ang mga luha ko. Pero, bakit? Bakit may dugo? May dugo sa mga kamay ko?

Kinapa ko muli ang likod ng ulo ko at naramdaman kong dumudugo nga ito. Dahil ba ito sa pagpukol sakin kanina? Napaluha na naman ako at napapikit. Nanghihina ako. Ayaw na naman gumalaw ng mga body parts ko.

'Lord, bakit naman po ganito? Bakit po ganito yung nararamdaman ko? Bakit ako po? Alam ko po na mali ang kwestyunin Kayo. Gulong gulo na po ako Lord, hindi ko na po naiintindihan ang mga bagay na nangyayari sakin. Halos hindi na po gumagana ang utak ko sa pagiisip ng mga to. Masama po ba akong tao? Bakit po ganon sila? Lahat naman po ng kabutihan na pwedeng  gawin, ginagawa ko sa kanila.'

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon