WHAT IF | Chapter V

383 2 0
                                    

Kyle's POV:

Iniwan nya ko na nakatitig lang sa mga paa ko. Natulala ako sa sinabi nya. Nakayuko lang kasi ako. Ano bang sinasabi nya? Patibong? Papatayin ba ko ni Ivan? Sa gubat? Weird!!!

"Please be seated Mr. Del Valle."

"Mr. Del Valle? Are you with us?"

"Mr. Del Valle!"

"Bigla akong napaigtad ng narinig ko ang sigaw ni mam. Andyan na pala sya. Nakakahiya na naman. Lahat sila nakatingin na naman sakin. Yung iba tumatawa. Yung iba naka tanga-naman-neto look sakin. Nangingilid na luha ko. Tsssss!!! :((

"Ye-e-ss mam." Sagot ko sa at umupo na ko. Pumikit muna ko ng matagal bago ko iharap ang paningin ko sa klase. Nasa bandang likuran kasi ako nakaupo.

Habang nagkaklase kami kay mam. nasa isip ko parin yung huling sinabi ni megan. Ano kaya yun? Hindi kaya isang malaking laro lang ang lahat ng nangyayari. Isang malaking play ground na ako ang taya. Bakit ganun? Naguguluhan ako.

--

Naglalakad ako sa quadrangle. Wala ng afternoon class dahil nga sa business accommodation na yan. Puro nalang event sa eagleton. Ano ba yan?!

Pagkarating ko ng Activity room, ang daming tao. Mga estudyante, authorities at officials ng eagleton at may mga magulang din na siguro member ng pta.

Ang ganda sa loob ng activity room. Maliwanag dahil sa ibat ibang kulay ng mga spotlights at mga design na parang futuristic ang datingan. Silver and black lang ang makikita mo.

Umupo ako sa gilid, sa pinakadulo. Para walang masyadong audience o tao para mangbully o mapansin ako para pagtripan. Kita naman dito ang stage eh. Malaki naman yung stage na pinatungan pa ng platform para mas lalong tumaas at makita ng lahat ang nanndon.

Maya maya lang nagstart na ang program.

"Before the program starts, to give us a very hot and jaw dropping dance moves, here are the Extreme Groovers of St. Eagleton Academy. Give them a round of applause."

Nagsimula ng maghiyawan ang mga tao. May mga tumatalon din na parang kinikilig. Naglabasan na sa stage ang mga members ng Extreme Groovers. Nakita ko na sya. Ang kanina ko pa hinihintay. Ang boyfriend ko.

What If (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon