Kyle's POV:
"Mama anong oras na po?" Sambit ko sa mama ko nang nakita ko sya sa kusina na nagaayos ng umagahan. Habang ako hinahagilap ang daan. (-.-) Kashi naman inaantok pa ko eh! Ang aga pa ata.
"Buti gising ka na baby." Ayan na naman si mama sa pag bababy saken. Im old enough para sa tawag na yun Ma. Anobernemen! "6:00 am na baby, magprepare ka na para pagtapos mo kakain ka nalang. Nagprepare ako ng paborito mong hotdogs!" Si mama, tumawa pa. "Ma!" Sigaw ko yung di naman oa. Tamang sigaw lang para tumigil si mama.
Dumeretso na ako sa kwarto ko para magayos na. Ang tagal ko pa naman magayos. Kung di lang talaga first day of school ngayon edi sana magpapalate talaga ko ng bongga. Kaya naman ako binilisan ko nalang ang pagligo, pagaayos, pagbibihis at pagsusuot ng korona. Charot. Tumingin ako sa salamin para syempre tignan ang itsura ko. Ang messy ng buhok ko. Yung nerd glass ko ang kapal pa. Pero sige keri lang. Mukha na kong babae sa buhok ko, kung pambabae lang talaga uniform ko dami ko nang naloko. Ha ha ha ha ha ang sama ko. K.
Tumingin ako sa relo ko ng makalabas ako ng kwarto. And dam! 7:10 am na! Si mama di man lang ako binalaan na malalate na ko. Kainish nemen. Dali dali akong tumakbo papunta sa kusina para magpaalam na. Grabe kakain pa ba ko?! Eh malelate na ko. Im dead. Nagkiss na ko kay mama. "Ma, mauna na ko malalate na ko eh. Mamaya nalang paguwi ko. Got to go. Byiee." At ayun nag fly away na ko paglabas ng gate.
Oh wait di nyo pa pala ako kilala. I am Kyle Jessie Del Valle. Anak nina Anastacia at Crisostomo del Valle. Simple lang kaming pamilya, hindi mayaman, hindi mahirap. Middle class kumbaga. Nagtatrabho si papa sa canada. Tapos si mama naman office clerk dito sa pilip Bata palang ako tanggap na ko nila mama at papa. May mga pinsan din kasi ako na katulad ko. I am gay. I am 16 years old. Sa St. Eagleton Academy ako nagaaral. Isang prestihiyosong paaralan na pang mayaman. Sabi ni Papa kakayanin daw nila pang tuition ko kasi ang mahal talaga dito. Kasing mahal ng diamond and tuition. Chos! Huling dalawang taon ko na din magaaral dito. Huling dalawang taon na din na makakaranas ako ng bullying. Yes. Third year high school na po ako. Ganon naman diba. Mas nakakaangat sila kaya nila nagagawa sakin yon. Ako eto, masiyahin at maarte man pero ganito ang buhay ko sa school. Walang kaibigan. Walang lumalapit. Gosh i feel pity for myself. Eh enough na nga. Malelate na talaga ako eh.
Pagsakay ko ng jeep, agad na akong umupo sa dulo. Ayoko kasi ng malayo pa lalakarin para makababa. Malapit lang naman ang school dito pero minsan kasi traffic kaya nalelate talaga ako. Iniabot ko na ang bayad kong ten pesos sa katabi kong babae na mukhang sa bangko nagtatrabaho. Ayon iniabot naman nya. As I expected traffic nga talaga. Kaya inopen ko ang samsung phone ko and I insert my earphones para makinig muna ng Beyonce songs ko. All the single ladies! Now put your hands up! Haha.
Finally natapos ang limang kanta ni Beyonce (Idol ko kasi sya hahaha) at nakababa na ko sa napakalaking gate ng St. Eagleton. Huminga muna ko ng malalim at..
"Kyle, eto ka na naman. Konting panahon nalang." Sambit ko sa sarili
Buti naman bukas pa yung gate. Agad akong tumakbo papasok para hanapin na yung room, ay should I say building. Pano naman kasi ang laki laki ng school na to at hiwa hiwalay pa talaga ang mga building. Asan na ba yung Einstein building?! Hanap. Hanap. Hanap. Ayun! Gosh.
"Kuya ito po ba yung Room 108? Section A?" Tanong ko kay kuya na malapit sa pintuan ng room. And you heard it right. Section A ako. Brainy syempre. Nalipat ako pagkatapos ng second year. Spell boastful? Ha ha ha :)
"Bulag ka ba? Laki laki oh! Room 108! Tanga na nga bobo pa." Sigaw nung lalaki sakin na pinagtanungan ko. Sabi na eh -.- Everyday routine ko na ang ganitong approach sakin ng mga tao dito. Nagsorry nalang ako kay kuya at dumeretso na ko sa bandang likuran para umupo. Ipinatong ko ang bag ko sa desk at umupo na. Natigilan nalang ako ng may nagsalita sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
What If (BoyxBoy)
RomancePano kung sa naging takbo ng buhay mo eh puro sakit ang dinanas mo mula sa mga tao sa paligid mo. Pano kung minsan ka na nga lang umibig, niloko ka pa. Pano kung sukuan ka na ng buhay mo? Pano kung ang lahat ng nangyari ay may kapalit na bago? Isang...