Kyle's POV:
Nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Pero nasan ako? Kaninong kwarto to? Isang malinis na kwarto ang kinalalagyan ko ngayon. Parang mga room sa hotel ku san lime light yung ilaw. May isang malaking puting kama at isang couch sa tapat nito. May mga cabinet din at appliances. Bigla kong naalala ang na kasama ko dapat si Ivan. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko nakita si Ivan. Walang tao. Wala akong nakita ni isang anino ng tao. Hinimas ko ang ulo ko dahil sa sakit. Wala akong masyadong maalala. Ang tanging naaalala ko lang magkasama kami ni Ivan sa party. Yun lang.
Bumangon ako sa kama at aktong tatayo. Hindi ko man mabalanse ang sarili ko pero pilit akong tumayo. Laking gulat ko nalang dahil pag alis ko nag kumot ay wala akong suot na kahit ano. As in wala. Doon nagumpisang tumulo ang mga luha ko. Lumibot ang paningin ki sa buong kwarto. Nagkalat din ang damit ko sa kwarto. Hinanap ko ang phone ko para tawagan sya kung nasan sya. Pero ikinagulat ko dahil wala ng simcard ang cell phone ko. Mas naiyak ako dahil dito. Pano ko sya macocontact. Passed 12 midnight na sa orasan ng phone ko.
Napaupo ako sa baba ng gilid ng kama. Iyak lang ako ng iyak at hindi alam ang gagawin. Bakit?! Bakit nya to ginawa sakin?! Anong ginawa nya sakin. Yakap yakap ko lang ang sarili ko habang nasa baba ako ng kama. Nanginginig din ako sa takot. Anong gagawin ko? Bakit kailangan na mangyari sakin to? Bakit kailangan ako? Ano bang masama ang ginawa ko at kailangan na maranasan ko to? Natatakot na ko.
Gumapang ako at pinulot ko ang mga damit ko. Nanggabay ako sa mga pasimano at pader sa kwarto para makapunta sa cr para magbihis. Hindi naman siguro ako ginalaw ni Ivan kasi kung ginalaw nya ko sasakit ang yung part na yun at katawan ko. Habang sinusuot ko ang mga damit ko ay patuloy parin ang panginginig at pag agos ng luha ko.
Ang pakiramdam ko may ginawa sya. O may gagawin sya. Pinagplanuhan ba nya to? Bakit ako? Bakit siya? Minahal ko naman sya ng totoo pero bakit nya ko pinabayaan? Humarap ako sa salamin na nasa kwarto at pinunasan ko ang luha ko na kanina pa patuloy sa pagtulo.
Nang naglalakad ako papunta sa pinto ng kwarto ay napansin kong naka lock ito. Tumutulo parin ang luha ko pero pinilit ko itong buksan. Hinila ko yun ng hinila pero hindi parin ito bumubukas. Hanggang sa makakita ako ng metal na pigurin sa taas ng cabinet. Kinuha ko yun at mabilis na ipinukpok sa lock. Sa unang dalawang beses ay hindi ito nabuksan pero sa ikatlo, salamat sa Diyos at natanggal ang pagkakalock nito. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sakin ang malakas na sounds na nagmumula sa labas ng kwartong to. Nandito parin pala ako.
BINABASA MO ANG
What If (BoyxBoy)
RomancePano kung sa naging takbo ng buhay mo eh puro sakit ang dinanas mo mula sa mga tao sa paligid mo. Pano kung minsan ka na nga lang umibig, niloko ka pa. Pano kung sukuan ka na ng buhay mo? Pano kung ang lahat ng nangyari ay may kapalit na bago? Isang...