Chapter 2- The Lost Love

249 4 0
                                    

JAZ'S POV

"'zup bro" bati sakin ng kababata kong si Miguel Gerero na kasabay kong magtransfer dito sa school na to.

Jaz- "Migs nakita ko ulit sya."

Miguel- "Sinong sya-- ah si MM ba? Nag-usap ba kayo?"

Jaz- "Hindi. Ang laki kong tanga para magpakita pa sa kanya."

Miguel- "Bro, indi mo maiaalis sa kanya ang galit. Sinaktan mo sya e."

Jaz- "At dahil dun, kinamumuhian nya ako."

Miguel- "Hindi pa rin nawawala ang sakit na nararamdaman nya. Kailangan nyong magkaliwanagan upang maayos na ang gulong ito upang wala NANG MADAMAY NA IBA!!" biglang napatayo si Miguel.

Sir Vargas- "Mr. Gerero!! Please be sitted!"

Miguel- "Sorry sir na carried away lang po.. Heheh sensya na po ^_^V"

Jaz- "Pambihira ka naman, sinira mo ang pageemo ko dito oh."

Pabulong kong sabi kay Migs. "May patayo-tayo pa kasing nalalaman e."

Miguel- "Grabe ka pare nadala lang nang aking emosyon ano."

Jaz- "Tsk tsk"

Naguguluhan na kayo kung anong nangyari sa amin ni Misha. 'to konting flashback lang.

Flashback

JAZ'S POV

3 years ago

(grade 6)

Misha- "J-Jaz pwe-pwede ba tayong mag-usap?" Pautal-utal nyang sabi.

Jaz- "Sure Mick. Ngayon na ba?"

Misha- "Hi-Hindi, mamayang ha-hapon na lang. A-after class sa tambayan. Geh a-alis na ako ah!"

Ano kayang sasabihin nun? Parang kabado sya. Tsk tsk

After class

Andito ako ngayon sa tambayan namin.

Miguel- "Oi! Bro!"

Napalingon ako kung saan nanggagaling ang boses na yun.

Jaz- "Kaw pala Migs. Ano ginagawa mo dito?"

Miguel- "Pupunta kasi ako kina Patricia, gusto mo sumama?"

Jaz- "Sandali lang Migs. Hinihintay ko pa si Mick e"

Miguel- "Wow mukhang seryoso ka na kay Mick ah. Move on na ang drama mo sa ex mo.

Jaz- "Dyahe Migs ah! Alam mo naman diba na--"

Miguel- "na hindi mo mahal si Mick, na ginagamit mo lang sya para mapaselos si Pat at bumalik na sya sa iyo. Hayyy.... Wala ka man lang ba nararamdaman para kay Mick?"

Jaz- "Kaibigan ko lang sya noh! Hahah asa kung magkakagusto ako kay Mick e si Pat lang talaga ang para sa akin. Gagawin ko ang lahat mapasakin lang ulit si Pat.

Bigla naman nagseryoso ang mukha ni Miguel.

Miguel- "Kahit makasakit ka pa ng iba? Paano si Mick? Parang mahal ka na ata nun e."

Jaz- "Oo, basta mapasakin lang si Pat, wala--"

hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likod.

Misha- "Wala kang paki sa akin? Wala kang pakialam sa mga nararamdaman ko? Ganyan ka ba ka-selfish?"

Anak ng tinapa naman oh! Bakit sya nandyan!! Arghh kainis!!

Jaz- "Kanina ka pa ba dyan?"

Pero imbis na sagutin ang tanong ko e nagpatuloy lamang sya.

Misha- "Hah? Grabe noh! AKALA ko pa naman e tunay ang mga ipinapakita mo sakin. Kaya lang AKALA ko lang!!! Ang sama mo! Pinagmukha mo akong tangang aasa-asa na gusto mo rin ako! Naniwala ako sa mga palabas mo!

Jaz- "Mick listen to me"

Hahawakan ko sana ang kamay nya ngunit inilayo nya sakin ito.

Misha- "TAMA NA! AYOKO NA MAKARINIG NG KAHIT ANO SA MGA KASINUNGALINGAN MO! Tanga ko naman oh at naniwala pa ako sayo! ANG TANGA KO AT MINAHAL PA KITA! Langhiyang buhay yan oh!!"

Nararamdaman ko na sa bawat pagpatak ng luha nya ay ang unti-unting pagkadurog ng puso nya.

Jaz- "Misha--"

Pakkk

At isang sampal ang pinakawalan nya sa panggagamit ko sa kanya.

Huminga sya ng malalim para kalmahin ang sarili nya.

Misha- "*sob* ganito nalang.. Kakalimutan kita at lahat ng ito. Kalimutan mo na kilala mo ako. Pero sana wag ka nang bumalik dahil sa oras na bumalik ka, babalik lang, babalik lang ang lahat ng sakit na ibinigay mo sa akin. Paalam"

Tumalikod na sya sa akin at naglakad na papalayo. Mula nang araw na iyon ay hindi na kami nagkita. Hindi na sya pumapasok ng eskwela at nabalitaan ko nalang na pumunta na syang England.

End of Flashback

MISHA'S POV

Pumasok ako sa klase ng wala sa sarili. Bakit pa sya nagpakita? Ayos na e. Masaya na ako kung anong meron sa akin ngayon.

Pagkatapos kong makaupo sa assigned sit ko e kinulit na ako ni LL ngunit hindi ko sya sinasagot, ang tanging alam lang ng utak ko ay ang mukha ni Jaz.

Napansin kong umalis si LL sa tabi ko at lumabas. Hindi ko nalang ito pinansin. Mga ilang minuto din ay pumasok na sya sa loob at kinindatan lang ako at naupo. Alam kong may ginawang kalokohan yun. Napangiti nalang ako pagkat kahit papaano ay alam kong hindi ako iiwan ng best friend ko. Alam kong mas maswerte ako sa kanya.

Si LL lang ang nakakaintindi sa akin ng akala ko e hindi na ako magtitiwala muli.

Betrayal and AcceptanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon