JAZ'S POV
After namin magmall hinatid ni Miguel si LL sa bahay nito. Kami naman ni Mick e dumiretso sa park para mag star gazing. Syempre gusto kong sulitin ang oras namin. Nagcommute lang kami papunta ng park. Umupo sya sa swing at tinabihan ko naman sya. Nagmamasid lang sya sa paligid at parang inaalala ang lugar na ito.
Jaz- "Remember this place, Mick?" tumingin sya sa akin saglit at ibinalik ang tingin sa paligid.
Misha- "Yeah, ang dami na pala nating napagdaanan ano? Hehe dito tayo naglalaro nung mga bata pa tayo. Dito tayo unang nagkakilala. Akalain mo yan? Unang pagkikita natin ay nagclick kaagad tayo. Hmmm dito rin ako umiyak nung nalaman ko yung tunay na estado natin."
Nalungkot naman ako nun. Tuwing naalala ko kasi ang mga araw na iyon(refering to chapter 2- the lost love). Kung nagtataka kayo kung ano ang nangyari pagkatapos malaman ni Mick ang kabaliwan ko ay bawat araw ay nanghihinayang ako sa mga araw na magkasama kami hanggang sa isang araw ay nakumpirma ko sa sarili ko na mahal ko pala talaga sya.
Agad ko din namang sinabi kay Patricia na wala na akong gusto sa kanya. At simula nun ay pati si Pat ay hindi ko na nakita.
Jaz -" Nakakalungkot talaga nung graduation. Pareho kayong nawala ni Pat. Hayyyy anyway,"
Tumayo ako at pumunta sa harapan nya at lumuhod. Kinuha ko ang bracelet na may pendant na letter J. Isinuot ko ito sa kanya. Tiningnan lang nya ang bracelet ng nakangiti.
Jaz- "Misha, alam kong marami akong nagawang mali sa nakaraan at gugustuhin ko ngayon na bumuo ulit ng mga masasayang ala-ala kasama ka. Ipinapangako kong wala akong ibang gagawin kundi ang nakakabuti sa iyo Mick."
Nakatitig lang kami mata ng isa't-isa. Halo-halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. Ngumiti ako bago magsalita muli.
Jaz- "Mick, wll you be my girl?"
Napatakip sya sa bibig nya sa pamamagitan ng kamay nya at tumulo ang luha. Pinaluha ko na naman sya. Pero di gaya nung dati, ngayon ay tears of joy na.
Misha- "Y-Yes! I'll be your girl!" niyakap ko sya at bumulong sa tenga nya.
Jaz- "I love you Honey"
Misha- "I-I love you too Bee" pagkatapos nyang sabihin iyon ay nagliwanag ang kalangitan dahil sa fireworks na pinahanda ko kay kuya Michael (kuya ni Miguel). Magkayakap lang kami habang pinagmamasdan ang mailaw na kalangitan.
BINABASA MO ANG
Betrayal and Acceptance
Teen FictionWhat would you feel if someone that you love betrayed you? How could you trust them again? Would you sacrifice your happiness for the sake of others?