MISHA'S POV
Huhuhu... Miss na miss ko na si Shin'yuu. Ano kaya ang nangyari dun sa kanya? Sana nagkaayos na sila ng parents nya. Excited na akong makinig sa kwento nya. Hehehe sayang nga e, hindi ako naka-attend ng 15th birthday nya. Ayy, oo nga pala tapos na rin ang pinakamasayang acquaintance na naranasan ko.
*Flashback* (Acquaitance Party)
Mommy Sharlene- "Wow!! Anak ang ganda mo!! Sigurado akong malalaglag ang panga ng boyfriend mo. Hihihi."
Misha- "Mom!! Hindi ko pa sya boyfriend!"
Mommy Sharlene- "Hindi PA. Hehehe"
Kulit ng mommy. Tsk tsk.
May kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya binuksan ko naman ito.
Yaya Grace- "Bhe, andyan na ang prinsipe mo."
Misha- "Yaya naman."
Bumaba na ako ng kwarto ko at totoo nga ang hinala ni mommy. Malalaglag talaga ang panga kapag nakita ako. Charssss. Walang kumontra. Bakit ba? POV ko naman ito noh!
Misha- "Laway mo natulo!"
Jaz- "--You look gorgeous honey" sabay ngiti ng nakakaloko.
Nagkiss kami sa parents ko saka umalis.
Hawak nya lang ang kamay ko buong byahe. Pansin ko parang hindi sya mapakali. Nanlalamig pa ang kamay nya.
*BLOOMFIELD ACADEMY*
Pagkapasok na pagkapasok namin ay puro flashes ng camera ang maririnig. Wow grand entrance lang anoh! Dati kasi ang partner ko ay ang bestfriend kong si LL. Ang kulit nga namin e, lahat kasi ti nuturn down namin ang mga gustong maging partner namin. Hayy miss ko na sya!
JAZ'S POV
*Dug-dug* *Dug-dug* *Dug-dug*
Grabe naman itong puso ko. Kung makatibok wagas! Well, iisa lang naman ang dahilan kung bakit ako kinakabahan. Kasi tatanungin ko lang naman siya kung pwede ko na syang maging girlfriend. Wish me luck readers!!
MISHA'S POV
Marami na ang nakasayaw ko pero hindi pa rin ako sinasayaw ni Jaz. Huhuhu pero kahit ganun enjoy din naman lalo na nang si Migs na ang nakasayaw ko. Ang kulit nya! Panay ang tanong kung ano ang favorites ni Liesha. Nagpapaturo din kung pano manligaw at nagtanong din sya kung nasan si LL kasi miss na miss na daw nya ito. Hehehe inlove ang lolo nyo!!
Naupo na ako pagkatapos sayaw namin ni Migs. Kasama ko si Jaz sa table at iba ko pang classmates.
Maya-maya ay lumapit sa akin si Jaz at bumulong.
Jaz- "Honey, alis na tayo dito."
Misha- "Pero hindi pa tapos ah at 8:30 palang naman."
Ngumiti sya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Wala na akong nagawa kundi ang magpahatak sa kanya.
Naglakad kami hanggang makarating kami sa isang mini garden. Magkahawak kamay pa rin kaming naglakad ang tanging ang buwan lang ang liwanag.
Nilead nya ako malapit sa fountain. Bigla nalang itong lumiwanag. Wow! Ganda pala dito. Sa tabi ng fountain ay may table for two tapos may mga nakaserve na pagkain. Ang daming rose petals sa paligid.
Misha- "Ano to?"
Ngumiti sya sa kin at dinala nya ako sa table at pinaupo. Ang gentleman talaga nito kahit kelan.
Jaz- "You like it?"
Ngumiti ako sa kanya sabay sabing--
Misha- "I LOVE IT! It's wonderful!"
Nagkwentuhan lang kami. Panay pa nga ang kulitan e. Pero nabigla ako nangyayain nya akong sumayaw. Dun ko lang naalala na hindi pa kami nagkakasayaw.
Misha- "Wala namang tugtog e?"
Jaz- "Oh that? Okay lang yan.. Halika!"
Tumayo na ako. Magkayakap kami habang nagswa-sway. Medyo natawa nga ako e ang lakas kasi ng tibok ng puso naming dalawa.
Jaz- "Hear that? Yan ang nagsisilbing music natin."
Misha- "Hehehe... Thank you..."
Tumigil sya sa pagsway at hinawakan ang kamay ko.
Jaz- "Mahal mo ba ako?"
Nagtaka naman ako sa tanong nya.
Misha- "Tinatanong pa ba yan?"
Jaz- "Just say it."
Misha- "Ok hehehe. Jaz mahal kita. Mahal na ma-"
Hindi na nya ako pinatapos. His kissing me passionately. I kissed him back. Kasabay ng kiss na iyon ay ang pagliwanag ng kalangitan Pinutol ko ang kiss at tumingala sa kalangitan. A perfect picture with the one I love.
Jaz- "August 2. Misha and Jaz a.k.a Honey and Bee are officially together!"
BINABASA MO ANG
Betrayal and Acceptance
Roman pour AdolescentsWhat would you feel if someone that you love betrayed you? How could you trust them again? Would you sacrifice your happiness for the sake of others?