"Magpapakasal ang tita Carmen niyo sa susunod na linggo. Naku! Iyang mama niyo naman ay wala nang pakealam sa inyo. Parang ayaw nang umuwi dito ni Glenda!"
Si lola Lourders ay nagbibiyak ng kahoy na aming ginagamit sa pagluluto. Nandito kami sa labas ng bahay ni Lara at lola Lourdes.
Laking probinsya kami at hindi kailanman nakakaluwas ng Maynila. Madalas tuwing summer at walang pasok ay ang mga pinsan namin ang dumadalaw dito.
Si Lola Lourdes ay kahit may edad na ay parang kalabaw sa sipag magtrabaho. Kaya niyang magbiyak ng kahoy at anu-ano pa. Siya na nga halos ang nagpalaki sa amin ni Lara.
Si mama kasi ay minsanan lang umuwi at wala ring katuwang sa amin kundi si lola lang at siya lang ang nag iisang anak ni lola.
"Lola, paano iyan? Kailangan ba na bibili ng masusuot sa kasal?" Si Lara na inaano ng hangin ang buhok dahil sa lakas ng hangin. Kapag malapit na ang december ay malakas ang hangin dito sa aming probinsiya.
Tumigil si lola at nakita ko ang tagaktak niyang pawis. Kinuha ko ang panyo na palagi kong' dala para pawisan ang pawis ni lola Lourdes.
"Ang sabi ni tita Carmen mo ay may nabili na sila sainyo ni Lara. Pupunta sila dito at dito naman gaganapin ang kasal. Alam mo naman iyon na kahit nasa siyudad na ay hinahanap hanap parin ang buhay probinsiya."
Ang bahay kasi ni lola Lourdes dito ay mula pa sa mga naging unang pamilya nila lola. Ngunit taon taon ito kinukumpuni para mapanatiling matibay.
"Excited na ako!" si Lara bago tumayo para dalhin ang mga kahoy na nabiyak sa loob ng kusina. Nagpatuloy naman ako sa pagtutulong kay lola.
Si mama naman ay sa Maynila nagtatrabaho. Masasabi ko na wala siyang pakealam sa mga pinsan niyang si Tita Mona, tita Chimen at Carmen.
Kaya hindi siya masyadong umuuwi dito dahil wala raw makukuha dito sa probinsiya. Pero dahil mas sanay kami kay Lola Lourdes kaya mas pabor samin ni Lara na dito nalang.
Si Kuya Lance naman ay minsan lang umuuwi at nasa boarding house palagi dahil medyo malayo ang skwelahan ng college.
Sumapit ang araw na umuwi na sila tita Carmen dito at bukas na ang kasal. Dito sa probinsiya ay kahit bukas pa pero ngayon palang ay nag iihaw na ng baboy para ipakain sa mga tumutulong. Bale apat na baboy ang binili nila Tita Carmen para sa handaan ang dalawa raw ay ilelechon. Mas nauna pa iyong dumating dito sa bahay kaya itinali sa likod ng bahay.
Hindi rin namin nakita ang anak ng magiging asawa ni tita Carmen. Nakita lang namin si tito Raymund noon na nanliligaw sa kanya pero hindi pa ang mga anak ni tito Raymund sa una niyang asawa. Si Tita Carmen naman ay may anak sa una niya ring asawa na si Vivoree.
Nasa tanggapan kami ng bahay at si lola naman ay masyadong excited at nakabantay na agad. Nagtext kasi si tita Carmen na malapit na sila.
Nakasuot ako ng simpleng T shirt at shorts. Mas excited pa yata ako sa ibibigay na damit at dress sa amin ni tita Carmen.
Hindi nagtagal ay may sasakyan na Van ang pumasok sa aming gate kaya tumakbo na si lola sa gate para salubungin sila. Humalukipkip naman ako habang nakangiti.
"Ay! Excited nako para bukas!" sabay talon ni Lara habang nakahawak sa aking braso.
"Kathlyn! Tulungan mo sila sa bagahe!" sigaw ni lola kaya lumapit ako ng bumukas isa isa ang pintuan ng Van.
"Lola Lourdes! Namiss kita!" sabay yakap agad ni tita Carmen kay lola. Binalingan naman kami agad ni Tita at Tito Raymund.
"Ang laki at gaganda niyo Kathlyn! Lara!" niyakap ako ng mahigpit ni Tita.
"Congratulations mo sa kasal mo tita!" bati ko sa kanya. Ang daming nangyari agad. Nagyakapan sila isa isa at pinakilala ang anak ni tito Raymund.
Ako naman ay kinuha ang iilang bag sa likod ng Van.
Nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay anak ni tito Raymund kinuha niya ang apat na bag gamit ang dalawang kamay niya kaya tinulungan ko siya.
Moreno siya, matangkad at....
"T-Tulungan na kita." sabi ko at tinitigan ang kamay niyang maugat.
"No thanks." sabi niya sakin at sumunod kina lola at tita.
.....Suplado.
Ngumuso ako at sumunod nalang sa kanila sa pagpasok.
Nagkikwentuhan na sila nang utusan ako ni lola.
"Kathlyn! Halika at papakilala kita sa mga anak ni tito Raymund mo."
Palagay ko ay napakilala na si Lara sa kanila.
Nakita ko kung paano ngumuso ang lalaking suplado kanina kaya inirapan ko siya.
"Eto nga pala anak ni Glenda na bunso, si Kathlyn. Kathlyn ang anak ni tito Raymund mo, si Spike at Sky."
Tumango si kuya Spike at si Sky naman iyong supladong lalaki ay ngumisi habang nilalaro ang labi na nakatitig sakin,kunway umiwas at siniko si Spike.
"Kathlyn, magtimpla ka muna ng kapeng barako para kay tito Raymund mo."
"Lola, pwede hong makita ang mga baboy na binili natin?"
"Ah oh sige! Halika!"
Ang dating tahimik na bahay ni lola ay naging maingay kaya medyo na iilang ako.
Tumulong na lang ako kay Lara na maghanda ng kakainin namin para sa hapunan.
"Grabe no? Ang guwapo ng mga anak ni Tito. Kaso iyong isa parang may regla." napuna rin pala ni Lara.
"Oo nga. Hayaan mo na...Si Sky ba iyon? Naiinis ako doon ngayon palang. Hinding hindi ko iyon papansinin-"
"Mawalang galang na..Saan ito ilalagay ang bigas?"
Nanlaki ang mga mata ko dahil ang lalaking si Sky ay pasan ang isang sakong bigas at pawisan pa!
Nakatulala na tinuro ni Lara ang sahig sa gilid ng lababo. Nahihiya yata dahil narinig kami!
Umiwas nalang ako. Wala akong pake sa kanya. Ang suplado. Hay! Kaya ayoko nang mga taga Maynila kung makaasta dito sa probinsiya e...kung sino!
"Nasaan na ang kaldero? Magsasaing ako sa labas." aniya ni Sky. Mas nagulat ako lalo!
Naka T-shirt kasi siya na kulay puti at sweat shorts. Nakalimutan ko na nasa harapan ko pala ang kaldero kaya pala nasa gilid ko siya! Grabe ang tangkad!
"Uh ito... Baka mabatok mo-"
Kung nakatingin ako sa kanya siguro nakita ko kung paano siya ngumisi na painsulto.
"Sanay ako mamuhay mag isa kaya alam ko ang ganyang bagay miss. Mas eksperto ako sa maraming bagay miss Sungit." humilig siya konti at kinuha ang kaldero sa kamay ko. "Irap pa." bulong niya tsaka umalis.
Nang makaalis siya ay bumunghalit ng tawa si Lara.
"First time kitang nakita na ganyan kagalit mukha mo Kathlyn!"