Inayos ko ang aking buhok habang tinititigan si Lara na lumabas ng banyo. Mabuti pa siya kahit na may regla ay laging handa parin para sa galaan.
"Ang ganda mo naman." puri ko sa kanya ng makita ang kanyang ayos. Nakabestida siyang bulaklakin at hanggang hita niya iyon.
Ngumiti siya sa akin at kinuha ang sling bag niya. "Mambobola! Ikaw nga 'tong muse lagi ng school niyo e!"
Ngumuso ako ako at binalewala ang sinabi niya. Hindi kami pwedeng magtagal ngayong gabinsa discohan dahil maaga pa kami para sa kasal ni tita Carmen bukas. Ang plano niya rin raw ay mag celebrate ng kanyang birthday sa isang beach pero mukhang hindi na kami makakapunta nila lola.
Hindi tulad ng buhok ni Lara na may kulot ang dulo sa akin naman ay mahaba at bagsak na buhok.
Ang nakabalot na tuwalya ay tinanggal ko sa aking katawan. Ramdam ko na ang iritasyon at sakit ng sariling puson. Nagbihis ako ng itim na dress. Fitted ito sa aking katawan at pinuyod ko ang aking buhok.
"Wow! Sexy ha! Dadagsa na naman mga manliligaw mo niyan Kathlyn!" Si Lara at may katext sa cellphone niya.
"Wala naman!" ungot ko sa kanya at naglagay ng tamang cream at liptint sa labi ko. Kung wala talagang okasyon ay hindi ako maglalagay nito.
Biglang bumukas ang pintuan sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni Lara. Pumasok si lola at nakapamaywang.
"Hay Diyos ko mahabagin! Ang iiksi ng inyong mga kasuotan!"
"Lola!" sabay kami ni Lara sa pagsaway kay lola.
Namaywang siya. "Oh? Gusto niyo magkasipon kayo? Mapulmonya kayo?"
Ang dami pang reklamo ni lola sa suot namin ni Lara at ang reklamo niya sa damit namin na napunta na sa lahat lahat na problema niya. Napapaisip tuloy ako kung ano ang koneksyon nun?
Si lola na ang nagtayong nanay namin dahil bihira umuwi si mama. Hindi naman kami nagrereklamo kahit na umuwi si mama ay wala siyang naririnig sa amin. Iskolar rin ako ni mayor kaya kahit papaano ay may budget ako para sa pag aaral.
Sa huli, wala rin nagawa si lola.
Pagkalabas namin ng kwarto ay nakaabang pala sa sala sila tita Chimen. Sila tita Chimen na akala namin ay hindi makakadalo sa kasal ni tita Carmen ay nakapunta pa.
"Oh! Lara, Kathlyn, sumama na kayo kina Spike para maigala niyo naman sila dito. Tsaka huwag magpa gabi talaga ha? At maaga tayo bukas para sa kasal ng tita ninyo."
"Opo tita!" si Lara ang sumagot at ngumiti lang ako sa kanila at kumaway. Agad ko namanataan ang mga kaibigan ni Lara na sinalubong siya sa pintuan ng sala.
"Alis na kami." paalam ni Spike sa mama niya. Tumalikod na ako at agad nakita ang pagkakatulala ng mga kaibigan ni Lara sa mga lalaking nasa likod ko.
Suminghap nalang ako. " Lets go."
Narinig ko ang pagsipol ni Spike sa aming likod habang nagsisikap akong huwag lumingon. Hindi narin namin nakita kung nasaan si lola, siguro siya na nag aayos ng tarpaulin na para bukas.
"Kuya, maglalakad lang tayo papuntang diskohan. Malapit lang naman." si Lara na sinabi kay Spike.
"Nice, sige." si Spike nakasuot ng puting V neck na t shirt at nakacotton shorts na black.
Nahagip rin ng tingin ko si Sky na naka sleeveless shirt na kulay black. Mababa ang tabas ng sa gilid nito kaya kitang kita ang kanyang abs. Nakasuot rin siya ng dark grey na sweat shorts habang naka cap.
"Kathlyn! Si kuya Santi oh!" sinundan ko ang tingin ang tinuro ni Lara at nakitang si Kuya Santi. Nakamotor siya at kinausap ang bawat madaanan.
Kausap niya ang kilala ko na anak ng kapitan dito sa amin na babae. Ngumingisi si kuya habang tinatanggal ang helmet. Siguro nag motor lang siya papunta dito.
"Kuya Santi!" sigaw ko at kumaway. Kinagat niya ang labi ngumiti sa amin. Nagmamadali kaming lumapit sa kanya at nakita kong tinanguan niya si Spike at Sky. Nagkakilala na nga pala sila, siguro sa Manila.
"Kakanta kami mamaya. Kasama ko mga kaibigan ko na banda."
Tumalon talon si Lara kaya pinigilan ko siya dahil baka malaglag ang napkin ng gaga!
Inirapan niya ako at nangunot naman ang noo ni Santi at nilingon si Spike.
"Dre, kayo na muna bahala sa mga pinsan ko. Magpapalit lang ako at kakamustahin si lola."
"Sige, sure."
Ramdam ko ang lamig ng gabi habang papunta na kami sa diskohan at kahit malayo ay rinig na rinig na namin ang ingay ng sound system.
"Damn, it's my first time. Ganito pala ang fiesta sa probinsya." ani Spike. Ni hindi ko narinig na nagsalita si Sky sa likod kaya nilingon ko siya. Nang lingunin ko siya ay natatabunan ng cap niya ang kanyang mga mata kaya hindi ko alam kung saan siya nakatingin. Kumalabog ang dibdib ko at natanaw na agad namin ang discohan.
Hindi ko rin nakaligtaan kung paano kami titigan ng mga taong nadadaanan namin. Nagsinghapan ang mga babae at parang naging kiti kiti.
Umirap ako at dinungaw ang aking cellphone at nakita doon ang text ni Kael.
Hintayin nalang jita doon sa likod ng banyo. I miss you.
Kinagat ko ang labi at luminga linga at nakita ko nga si Kael na kakaalis lang. Possible na nakita niya kami!
Si Kael ay boyfriend ko. Lihim ang relasyon naming dalawa. Kahit si Lara ay hindi iyon alam. Ayoko rin na malaman ni lola dahil ayokong atakihin siya sa puso.
"Doon tayo." turo ko sa isang tindahan na may ilang nag iinuman. Malapit iyon sa banyo nitong barangay.
Lumapit kami doon at naghihiyawan na ang mga madadaanan namin. Ang daming nakikipag usap sa akin at kay Lara na mga babae. Alam ko naman na sila Spike at Sky ang gusto nilang kausapin.
Kakaupo palang namin at hindi na ako nagkamali.
"Hi Kath!" bati agad sakin ni Shella. Nangunot ang noo ko dahil hindi naman kami close sa room. Ka klase ko siya.
Ang titig niya ay tumagal kay Sky. "Sila ba ang mga pinsan mo? Ah, hi! My name is Shella Tancinco."
Maganda si Shella at maganda manamit at maraming manliligaw.
Ang nakalahad niyang kamay ay agad na tinanggap ni Spike.
"Nice name. I'm Spike."
Sa kabila ng neon lights ng diskohan ag naaninag ko ang pamumula ni Shella. Umubo ako at tinawag ang tindera.
"Uh," nilingon ko si Sky. "Anong sayo?"
"One case of beer..." siya na kumausap sa tindera na lumapit sa amin. "Dalawang juice sa kanila." utos niya, tinutukoy kami ni Lara.
Si Lara naman ay parang tangang nag heheadbang habang ako ay problema kung paano tumakas at bakit juice? Parang si Kuya Santi!
Ngumiwi ako at tumango nalang. Nag vibrate ang cellphone ko uli kaya dinungaw ko iyon.
Ang tagal mo
Message ni Kael.
Kinabahan ako lalo at nilingon si Spike na tinungga ang beer na binigay. Halatang sanay silang uminom. Si Shella naman ay hindi malayo sa amin at panay ang tingin.
Nang titigan ko si Sky ay nasa akin pala ang tingin niya. Madilim ang titig niya sa akin na ikinakaba ko.
Tumaas ang kilay niya ng nagtagal ang titig ko sa kanya kaya nahimasmasan ako.
Fuck. Paano ako makakatakas kung parang nakabantay itong si Sky sakin?
~~~
ANNOUNCEMENT!
HUWAG PO MAGTAKA KUNG MATAGAL ANG UPDATE PO DITO DAHIL ADVANCE UPDATE NAPO ITO SA AKING VIP PAGE. KUNG GUSTO PO MAGING MYEMBRO AY PAKIMESSAGE AKO SA AKING FACEBOOK. LINK BELOW.
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL