Chapter 28

1.1K 45 5
                                    

  Hindi man gaano naging maayos ang relasyon namin uli ni mama ngunit nawala na iyong malamig na pakikitungo namin sa isa't isa.

  Patuloy ang pagiging waitress ko dahil nag iipon ako ng sariling pera sa susunod na pasukan. Si mama pabalik balik parin ng trabaho niya sa Manila at si Lara naman nag aalala kay lola habang ako nagsa-summer job.

Mabait rin ang manager namin at nagbibigay talaga ng opportunity sa mga katulad namin na nangangailangan ng trabaho. Kahit sa ibang waitress at waiter ay mabait siya.

"Ate!" sigaw ni Lara kaya nilingon ko siya. Nakabalot pa ng tuwalya ang kanyang katawan. "Meron ako. Wala na palang napkin. Puwede bang bilhan mo ako? Utusan mo nalang ako mamaya pangbawi." ngumisi siya sakin.

Bumuga ako ng hangin at tinapos na ang pagsintas ng sapatos ko. Papunta na ako sa trabaho at umuulan pa.

Hinablot ko ang payong at inirapan si Lara.

"Ako na magbayad. Libre mo'ko mamaya ng home made siomai ni Tiyo Pedro ha!" sabi ko kay Lara.

"Ayos ate! No problem!"

Lumabas na ako at kitang kita ko ang kapal nang buhos ng ulan.

Medyo malayo ang tindahan kaya medyo nababasa na ako ng ulan.

"Hay! Si Lara naman kasi!" naiinis kong sambit dahil naambunan ang uniform ko pantrabaho kahit na may payong. Nakita ko ang rumaragasang sasakyan kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil malapit na ang tindahan ngunit nadaanan ako 'nun at natalsikan ng putik!

"Shit!" napamura ako ng malutong nang makitang natalsikan ang damit at pantalon ko! Ang sasakyan ay huminto sa dulo na tila ba bibili rin!

Taas baba ang dibdib ko dahil sa galit at gusto kong' singhalan ang driver! Walang modo! Abno!

"Hoy!-"

Naudlot ang galit ko ng makita si Kael na bumaba galing sa driver seat.

Fuck! Nandito siya?!

At hindi natapos doon ang aking pagkakagulat dahil lumabas rin sa sasakyan si Charmaine.

Seryoso si Kael ng lumabas at hindi ininda ang ulan. Si Charmaine naman ay naka payong ng makalabas.

Narinig ko ang hagikhik ni Charmaine sabay kapit sa braso ni Kael. Seryoso naman si Kael at nanlaki ang mga mata ng makita ako. Umiwas ako at pinagpagan ang sarili.

"Oh! Kathlyn! Ikaw pala iyan."

Halos hindi ko marinig ang sinabi ni Charmaine dahil namayani sa puso ko ang kalabog nito.

Kahit na napupuno ng luha ang mga mata ay nakuha kong' tumingin sa kanila.

"A-Ayos lang.. Uh, aling Alona pabili pong napkin. Lima po."

"Okay, sige Kathlyn." napatingin sakin si Aling Alona. "Oh! Basang basa ka. Bakit ka umiiyak? Masakit naba talaga puson mo? Naku teka! Eto...alam na alam ko na masakit iyan kasi babae rin ako."

Napahikbi ako at kinagat ang labi. Kitang kita ko ang pagpatak ng aking luha.

"Damn K-Kael.. No." narinig kong sinabi ni Charmaine.

"Eto Kath! Naku, basang basa ka."

"Salamat po Aling A-Alona." nagmamadali kong binigay ang bayad ko at kinuha ang nakasupot na mga napkin.

Akala ko okay na ako e. Akala ko matigas na ako pagdating sa kanya. Hindi dapat ganito kasi pinsan kaming dalawa.

Humihikbi akong umalis doon at hindi lumingon.

Ang sakit sakit parin pala. Hindi ko kayang makita ang una kong' minahal na may kasamang iba at baka marahil sila na nga.

Malapit na ako sa bahay namin ng may humablot sa braso ko.

"Kael! Magagalit si daddy sayo! Mawawalan ka ng budget!" sigaw ni Charmaine sa hindi kalayuan. Halos hindi na makita ang daan dahil sa kapal ng ulan.

Tuluyan na nga akong nabasa lalo na si Kael. Nanghihina ko siyang nilingon. Hindi man possible na makita niya ang luha ko ngunit alam ko na alam niyang naghihinagpis ako ngayon.

"Anong ibig sabihin ng mga luha mo, huh?" diin niyang tanong.

Namumula rin ang kanyang mga mata. Namiss ko lahat nang sa kanya. Parang mas lalo akong nanabik. Mula sa mukha, sa panga, lahat na nasa mukha niya, kinabaliwan ko iyon.

"K-Kael.. Magpinsan t-tayo-"

"God damn it, Kathlyn! Sabihin mo lang na mahal mo parin ako kahit magkadugo tayo... Ilalayo kita. Bubuo tayo ng sarili nating mundo. Bubuhayin kita Kath!" mas humigpit ang hawak niya sa akin.

Humikbi ko at niyakap si Kael. Agad niya akong binalot sa kanyang mga bisig.

"Tiniis ko ang hindi ka makita. Pinilit kong' kalimutan ka pero ngayong nasa tabi kita ay hindi ko pala kaya." bulong niya.

"K-Kael..." tawag ni Charmaine sa kanya at nakita ko ang lungko sa mga mata ni Charmaine.

Pumikit ako ng mariin at humiwalay sa yakap naming dalawa.

"H-Hindi ko na alam, K-Kael.."

Hinaplos niya ang aking pisngi.

"Isang pagkakamali lang natin ay-"

"That's bullshit, Kath!"

Dinala ko ang aking hintuturo sa kanyang labi. Umawang iyon.

Makapal ang ulan. Basang basa na kaming dalawa. Walang tao. Walang dumadaan.

Tumingkayad ako at hinila ang leeg ni Kael. Isang higlap lang ay nagtagpo ang labi naming dalawa.

Alam kong mali ito. Hindi ko dapat ito ginawa. Marahil ay susunugin ako sa impyerno dahil sa ginawa kong' ito. Pag may makakita sa amin ay kakalat ito sa buong barangay namin. Kahit anong oras ay pwedeng isumbong ni Charmaine. Ngunit sa mga oras na ito ay hindi ko na inisip ang mga iyon.

Isang lapat lang ng labi niya sa akin ay parang nawalan na ako ng lakas. Ang halik niya ang nagbalik ng mga alaala namin sa kanilang kamalig.

Iyong mga tagpo naming dalawa. Maiinit na tagpo na hindi ko kayang bitawan o kalimutan.

Mahal na mahal ko siya ngunit hanggang dito nalang ang kaya kong ibigay sa kanya bilang alaala.

Nang maghiwalay ang labi namin ay namumula ang kanyang labi. Kinagat niya iyon at ang mga mata niya ay nangungusap at nagmamakaawa.

"Please, Kath. Give me a chance."

Umiling iling ako sa kanya at umatras.

Ngumisi ako sa kanya ngunit mas lalo lang nagtagpo ang kanyang kilay.

"Kath.." banta niya.

"Papasok na ako. May trabaho pa ako. Basang basa na tayo ng ulan." sabi ko na tila wala lang.

"Kath.. Kaya kitang pag aralin. Kaya kong' ibigay ang mga gusto mo. Let's elope please.." pagsusumamo niya.

Kinagat ko ang aking labi.

"Sige na. Dun kana. Hinihintay kana ni Charmaine."

"Please, I only have two days here. Babalik na ako sa training field-"

"Out ko ay alas sais ng gabi. Hintayin mo ako sa kamalig niyo."

Natahimik siya at tila ba gulong gulo. Ngunit sa huli ay nakuha niya parin ang ibig kong sabihin.

Marahil ay papagalitan ako. Baka nga mapatay ako ni mama. Masabunutan ni Lara ngunit gusto kong sumama kay Kael. Hindi ko na iisipin pa ang buong mundo ang kalaban natin para lang ipagpatuloy ang relasyon naming dalawa.

~~~

Authors note: Sa paulit ulit na nagcocomment. Ang mga books kopo ay hindi napo dito makukumpleto. Ito ay may missing chapters at hindi maipopost ang lahat dito dahil may sarili na akong private VIP PAGE at marami narin akong readers doon. Kung gusto po sumali ay may bayad at pag usapan po natin iyan sa aking fb link below.

https://www.facebook.com/share/doN7TphbA7VtavoT/?mibextid=A7sQZp

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now