"Hay naku! Iyang ina niyo talaga! Hindi na nagpadala iyang si inday!"
Kapag inday na ang tawag ni lola kay mama ay tiyak na galit na siya. Halos wala akong tulog dahil sa nangyari kagabi. Kung ano naman ka masungit ang panahon kagabi ang siya namang kaaliwalas ngayon.
Ngumuso ako dahil wala na talaga akong pera. Ayoko namang huminge kay lola dahil may binibili siyang gamot niya. Si mama lang talaga inaasahan ko. Ilang taon rin siyang nagtatrabaho sa Manila pero hindi namin alam kung ano ba talaga ang trabaho niya doon. Basta nakakapagpadala siya ng pera sa amin minsan.
"Lola! Nagmessage si mama!" si Lara habang umiinom kami ng milo. Maaga kaming nagising upang pumuntang eskwelahan.
"Oh? Ano raw ang sabi?"
"Magpapadala raw po siya ng 15,000!"
Huminga ako ng malalim dahil nawala ang problema ko. Mabuti nakang timing ang pagpapadala ni mama. Ang daming pinaprint at projects namin. Ang dami ko nang utang sa mga kaklase ko.
"Mabuti naman! Si Kathlyn na pahawakin mo ng pera at siya ang magaling sa pera. Hay! Mabuti naman at napag isipan nang anak kong magpadala sainyo."
Ngumisi si Lara kay lola. "La, bibilhan kitang bestida!"
Tumango ako dahil gusto ko rin mabigyan si lola ng kahit ano.
"Hay mga apo huwag na! Ang dami nang binigay sakin ng tita Chimen niyo."
Pero kilala ko si Lara. Bibili parin at bibili yun ng kahit ano para kay lola.
Tulad ng dati ay unang hinahatid si Lara bago ako. Binigyan ko siya ng sapat na baon para na sa pang isahang buwan. Siya na ang nagba-budget nun.
Huminga ako ng malalim ng makarating sa skwelahan. Marami nang event at pagkatapos nun ay busy na sa mga assignments, projects, at requirements para sa nalalapit na pagsara ng klase.
Thankful rin ako kasi kahit papano ay nairaos ko ang unang taon ko sa kolehiyo.
Naiinggit ako minsan sa mga kaklase ko na full support ang mama at papa nila sa kanilang pag aaral. Pag ako nasa sitwasyon nila, araw araw akong magpapasalamat dahil bihira lang ang batang nabibigyan ng pagkakataon na makapag aral at may buong pamilya.
"Kath! Sabay na tayo!" nakita si Mailyn na papalapit sakin kaya ngumisi ako.
"Ang blooming mo ngayon ah!""Hm, Talaga? Bakit? Anong meron? Ni wala nga akong make up!"
"Ano ka ba! Kahit wala kang make up maganda kana! Basta iba yung dating mo ngayon! At..."
Lumapit siya sakin. Ambang may ibubulong. "Crush ka raw ni Krishmar!"
Umirap ako dahil narinig ko nga iyon. Varsity player si Krish dito at para sakin masyado siyang hambog kaya umiiwas talaga ako sa kanya.
Umiling ako. "Ayoko sa masyadong hambog."
Tumawa si Mailyn at halos malakas ang aking pagsinghap ng may mabunggo ako!
"Hambog? Narinig ko iyon ah. Sinabihan mo akong hambog." nanlaki saglit ang aking mga mata dahil hindi ko talaga maiisip na maririnig niya ang mga sinabi ko.
"Naku! Patay!" bulong ni Mailyn at bakas ang takot sa kanyang mukha.
Tinikom ko ang aking labi lalo na ng makita ang dalawa niyang barkada na nanghahamon na nakatingin sakin.
Nakauniporme silang tatlo ngunit may jersey sa loob, mukhang may basketball sila ngayon.
"Uh, ano..."
