Napadpad kami ni Kael sa lumang building na palagi namin kinakain ng lunch. Walang ka tao-tao lalo na sabado at iilan lang kami rito.
Lumapat agad ang aking likod sa dingding ng atakihin niya ako ng kanyang walang awang halik. Ang labi niya ay siguradong-sigurado ako na eksperto pagdating sa halikan. Kahit na alam ko na hindi ako ang kanyang first kiss ay hindi ako kailanman nakaramdam ng panunumbat.
Ang aking kamay ay humigpit ang hawak sa kanyang polo shirt na suot; sinusubukan na hilahin siya pababa para mas lalo ko siyang mahalikan.
Nakakaadik ang kanyang halik ngunit siya ay tumigil! Gusto ko magprotesta ngunit sabay kaming napatingin sa butones na tumalsik dahil sa aking pangungunyapit sa kanya. Hinawakan ko ang unang linya ng butones na tumalsik.
"I'm sorry.." nahihiya kong' turan. Nag aagaw buhay pa ang aking hininga mula sa aming halikan. Nakayuko siya sakin at nakatukod ang kaliwa niyang siko sa dingding na nasa likod ko.
Isang mapanuksong ngisi ang binigay niya sakin. "Ayos lang. Kahit ano pa ang sirain mo sakin basta masarapan ka lang."
Pumikit ako ng mariin ng marinig iyon. Nang marinig ang halakhak niya ay tinampal ko ang kanyang dibdib!
Kinabig niya ako at sinubsob sa kanyang dibdib. Natahimik ako ng marinig ang lakas ng tibok ng puso niya.
"I love you, Kathlyn." pinatakan niya ng halik ang aking buhok at huminga siya ng malalim. "Magiging pulis ako at ibibigay ko lahat ng klase na pagmamahal sayo."
Ngumiti ako ngunit hindi ko maiwasang maluha.
First love.
Hindi ko na yata kayang mabuhay kung walang Kael sa buhay ko. Puwede bang habang buhay nalang kami? Iyong wala na akong aalahanin pa na maling bagay sa aming dalawa?
Pero hindi ako pwedeng magboyfriend ngayon. Magagalit ng husto sakin si lola kapag nalaman niyang may boyfriend na ako.
Minsan napapaisip ako na kailangan ko ba talagang sundin ang utos ng iba para lang malagay ako sa tamang daan? Hindi ko ba iyon magagawa na ako ang magdedesisyon? Pero takot ako na baka ano ang mangyari kay lola. She raised us well, dalawa kami ni Lara. Parang siya na ang tumayong ina namin.
Ang eskwelahan namin ay merong iba't ibang kurso. Ang maganda dito ay nag o-offer ng scholarship sa mga studyanteng nagpupursigi. Mayayaman raw ang mga sponsor nitong eskwelahan namin kaya kahit public ay magagara ang mga studyante dahil sa kanila.
Itong Unibersidad ay mayroon pang extension sa kabilang dako para sa mga Criminology, at doon pa ang room ni Kael. Tanging ang abandonadong building na tagpuan namin ang malapit sa kanilang eskwelahan at room ko kaya mas pinili namin doon.
"Hay salamat! Tapos na ang last sub! Gusto ko nang umuwi at humiga sa kama buong araw!" himutok ni Mailyn. Si Mailyn lang ang close ko sa mga kaklase ko. Ang iba naman maayos naman sakin sila kaso mas palakausap sakin si Mailyn at nililibre niya ako palagi.
"Ako bukas maglalaba kami ni lola sa ilog." ngumuso ako at nilagay na ang gamit sa bag ko.
"Kami kaninang umaga pa! Kaya bukas wala na akong gagawin. Tsaka maiba ako. Araw araw parang mas lalo ka talagang blooming! Yiee!" sinundot niya ako sa tagiliran!
Ngumiwi ako dahil sa sakit nun. Ewan! Napupuna rin iyon ng mga kaklase ko pero wala naman akong nilalagay.
"Wala akong nilalagay. Pulbo lang at-"
"Hala ano iyang sa labi mo? Parang nakagat?" halos ayokong tumingin kay Mailyn dahil pakiramdam ko alam niya ang dahilan kung bakit may kagat ang aking labi.