Halos hindi ako makatulog nung gumabi na at inaantay ko na ang tawag ni Kael. Maagang natutulog si lola at Lara kaya ako nalang ang gising.
Bumangon ako sa kama at sinuklay ang mahaba kong buhok. Naalala ko ang halik ni Kael. Halos mamilipit ako sa kilig dahil doon. Hawak ko ang aking cellphone ng umupo ako sa bintana namin at pinagmasdan ang buwan.
Nakakabighani ang buwan. Wala akong masabi. Ewan ko at gusto ko ang mga bagay na nakakabighani.
Kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ko nagustuhan si Kael. Tahimik siya palagi at mapursige sa buhay. Marami man siyang bisyo ngunit hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag aaral.
Gagraduate palang siya ay ang dami nang offer sa kanya. At kung sa kaguwapuhan naman ay wala akong masabi. Kung ako ang tatanungin ay mas guwapo pa siya kay kuya Santi.
Hindi siya maputi kundi kayumanggi ang balat niya. Ang kanyang pangangatawan ay batak sa trabaho at matipuno.
Minsan naririnig ko na may mga guro na nagsusubok sa kanya ngunit tinatanggihan niya ang mga iyon.
Kailangan rin ni Kael mag take ng board exam para sa kanyang pangarap. Siguro kahit magkalayo kami para sa kanyang gustong gawin ay susuportahan ko siya palagi.
Nakakatakot isipin kung tatagal ba kami kung gayong magkalayo kami sa isa't isa?
Nakita kong unti unting natatabunan ng makakapal na ulap ang buwan. Ang siya namang pagring ng aking cellphone.
Si Kael na nga ang tumatawag!
Kumalabog agad ang dibdib ko at sinagot iyon. Nanatili akong nakaupo sa bintana at tanaw ang kawalan.
"Hello?" sagot ko at dinamdam ang kalabog ng aking puso. Inayos ko ang aking buhok dahil sa ihip ng hangin.
"Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan. Nakakain ka na ba?"
Ngumiti ako ng marinig iyon. Napakaresponsable niya talagan tao.
"Nasa kwarto na at kanina pa ako nakakain. Ikaw? Nakakain ka na ba?"
Natahimik siya ng ilang saglit. "Oo,pero...gusto ko ng ibang kakainin."
Umawang ang aking labi!
"H-Huh?"
Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na at ngayon lang nagkaganito si Kael sakin!
Lasing ba siya?He chuckled! I swear! Napakasexy ng tawa niya!
"Baby..You know what I mean. Pero nirerespeto kita. Sobra." binulong niya nag huling salita.
Nakaramdam ako ng guwang sa dibdib ko. I maybe young pero kampantena ang puso ko kay Kael. I can live with him. A simple life with him ay ayos na sakin.
Maya maya pa ay nakarinig ako ng ingay.
I cleared my throat. "May pinagkaabalahan ka ba ngayon?"
"Hindi naman. Nag yayaan lang ng inuman sa kapitbahay. Does it bother you?"
"Nope," sabi ko agad agad. "Hindi naman. You need that sometimes."
Natahimik siya. "Can we talk? Makakalabas ka ba?"
Fuck! Napalinga linga agad ako at lumabas ng kwarto. Not minding that I was wearing my bestida!
Sa sobrang bigla ko ay hindi na ako nakapagready!
"Wait lang, titignan ko kung gising pa sila lola." Natahimik siya ng sabihin ko iyon.