Natapos na ang kasal ni tita Carmen at natapos na rin ang pagiging busy sa bahay. Ang dami naming ginawa sa mga oras na iyon at pagod na pagod ang aming katawan.
Hindi nakapunta si kuya Lance at si Kuya Santi naman ay umuwi agad ng Manila kinabukasan. Sila naman tita Carmen at tita Chimen ay paalis na ngayon ngunit naiwan si Spike at Sky.
Hindi ko alam kung bakit pa sila nagpaiwan! Si Sky kasi masyadong mapagmatyag at nakakainis!
Walang may alam na may boyfriend ako lalo na si lola dahil ayaw na ayaw ni lola na mag boyfriend ako.
Pakiramdam ko may alam si Sky at kuya Santi about sa amin ni Kael.
"Sky, tulungan mo dito sila lola mo Lourdes ha? Uwi kayo ng Manila agad may pasok pa kayo."
"Yes ma." si Spike ang sumagot at umalis na sila agad ni tita. Kumaway kami sa kanila ng paalis na ang puting Hi-Ace Van.
Pumasok na agad ako ng bahay ng nakita kong hawak na naman ni lola ang kanyang bayong.
"Lola, mamamalengke ka?" tanong ko. Nakita ko si Lara na nanonood na naman ng Kpop sa kanyang cellphone.
"Oo apo at dadalaw ako sa kaibigan ko. Magpahinga ka at may pasok na bukas. Baka rin uuwi ang nanay niyo ngayong buwan."
Huminga ako ng malalim ng marinig iyon.
"Okay la."
Ang ayoko minsan sa bahay ay iyong nakapaboring at wala akong makausap. Minsan pinupuntahan ko si Lara sa kwarto niya at kung makita ko siyang sumasayaw mag isa ay ginugulo ko ang kwarto niya at aalis agad.
Dahil nga pagod ako kahapon at may pasok na kami bukas ay tingin ko deserved ko itreat ang sarili ko.
Naalala ko si Kael kaya tinext ko siya.
(Good morning Kael. Lalabas ako ngayon. Dating tagpuan parin.)
Sinend ko iyon sa kanya at kumalabog ng husto ang dibdib ko. Si Kael ay seryosong tao at graduating na ng college kaya tutok na tutok sa pag aaral.
Sila Kael ay mahirap. Wala na siyang ama at ina kundi lola nalang ang nagpapalaki sa kanya. Nakakatawa nga kasi sa kabila ng hirap nila ay ang daming may gusto sa kanya.
Iyong tipong maraming sugar mommies ang may gustong bumuhay sa kanya. Ang daming luluhod na kababaihan para sa kanya kahit mahirap siya.
Nakita ko na ang kanilang bahay at simple ngunit napakalinis.
Isang taon niya rin akong niligawan bago ko siya sinagot. Nahirapan siyang ligawan ako dahil sa iba ang skwelahan niya sa skwelahan ko.
Ngayong fourth year high school na ako ay gagraduate naman si Kael sa college kaya hindi ko rin siya aabutan.
Biglang nag-ringa ang cellphone ko.
(Alright.)
Iyon lang ang reply niya kaya napanguso ako. Ang pabebe naman kahit kailan.
Sinilip ko muna si Lara kung nandoon pa siya sa sala at hindi ako nagkamali dahil nandoon nga siya.
Nakabihis na ako kaya tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hiniram mo na naman tsinelas ko." reklamo niya.
"Ibabalik ko mamaya don't worry." hindi ko maiwasan ang hindi magalit dahil ang damot niya. Ngumuso siya at umirap.
Bago ako lumabas ng bahay ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko inaasahan na nandoon rin pala si Sky. Nakataas ang kilay niya ng makita ako.