Chapter 25

1.1K 36 9
                                    

Hawak ko ang tuwalya sa magkabilang kamay ko. Nakatakip iyon sa basa kong katawan ng makapasok kami sa bahay nila Kael.

Medyo tumila na ang ulan ng makapasok kami.

"Kukuha ako ng damit mo." sabi ni Kael pagkatapos akong bigyan ng maiinom na gatas ng kanyang lola. Tumikhim ang kanyang lola.

"Doon ka sa sala, hija. Lalamigin ka dito."

Nahihiya akong umiling. "Lola, dito na ho ako. Nakakahiya po kasi sa bisita."

"Pasensiya kana ha? Basang basa kasi si Charmaine kaya pinapasok ko. Dapat ay hindi ko iyon ginawa dahil ikaw ang kasintahan ng aking apo."

Ngumiti ako kay lola. "Wala ho iyon lola."

Biglang dumating si Kael at binigyan ako ng damit.

"Magbihis ka muna."

Pumasok ako para makapagbihis at nakita kong napatingin si Charmaine sakin. Umiwas siya at pinunasan ang kanyang luha.

Alam ko sa mga oras na ito ay alam na niya kung ano ang mayroon samin ni Kael kaya nangangamba rin ako.

Nang makabihis ng bestida ay umahon agad si Kael mula sa sofa nila. Tila nag uusap silang dalawa ni Charmaine.

"Uuwi na ako." sabi ko.

"Uuwi na rin mamaya si Charmaine." Nabigla ako sa sinabi ni Kael at rinig na rinig iyon ni Charmaine.

Napamulagat agad ito. "P-Pero Kael? Galit si daddy sa akin. Naglayas ako at wala akong matutulugan!" rason nito.

Kinagat ko ang labi at tuluyan nang lumabas ng bahay nila. Kailangan ko narin umuwi dahil nasa akin ang gamot ni lola.

"Kael, ayos lang naman na nandito si Charmaine. Wala namang problema."

"Ayokong may isipin kang masama Kathlyn. Hindi ko siya obligasyon kahit na sa kanila ako may trabaho."

Nagkatitigan kaming dalawa kaya huminga ako ng malalim. Hinawakan ko siya sa dibdib at hinalikan sa labi. Kahit na hinalikan ko siya ay nanatiling matalim ang tingin niya sakin.

"Hindi ako ganoon ka babaw, Kael. Naiintindihan ko." pinatakan ko uli siya ng halik kahit alam ko na nakikita iyon ni Charmaine.

Pumikit ako ng marahan. Damang dama ko ang pintig ng sariling puso.

Ngumiti ako sa kanya. "Tawag ka nalang."

Ngunit parang napipilitan siyang tumango. Hindi na ako doon nagtagal at kanya na akong pinasakay sa traysikel.

Nang makauwi ako ay malaking gulat ko ng makita si mama na nasa sala. Naninigarilyo siya at hindi mapakali.

"Saan ka galing?!" sumugod agad siya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng hawakan niya ako sa braso ng mahigpit.

"M-Ma..Bakit?"

"Huwag kang magsinungaling sa akin! Doon ka galing kay Kael? Kael Dominador , Kathlyn?"

Napalunok ako at hindi makasagot. Nakita kong nagmamadaling bumaba si Lara mula sa itaas.

"Mama!" sigaw agad ni Lara at niyakap ako sa gilid. Nagulat si mama sa ginawa ng aking kapatid.

"Lara doon ka sa kwarto mo at may pag uusapan kami ng ate mo."

Uminit ang gilid ng aking mga mata at tinignan si Lara.

"Sige na Lara..."

"Pero baka saktan ka ni mama, ate.."

Kitang kita ko na tila ba nasasaktan si mama sa kanyang nakikita.

Hindi masisisi ni Kathlyn ang nararamdaman ng kapatid dahil lumaki lang sila na halos minsan lang makauwi ang mama nila.

Tila nagdadalawang isip pa na umalis si Lara at umiiling iling na iniwan sila doon.

"Sumunod ka sakin." mando ng kanyang ina. Pumasok sila sa kwarto nito at lumapit ito sa bintana. Tila ba hindi ito mapakali habang naninigarilyo.

Pakiramdam ko ang lahat ng itinago ko ay alam ni mama.

"Magsabi ka ng totoo.." nilingon niya ako tila nanggigigil. "Doon ka ba galing kay Kael? Magsabi ka ng totoo!!" sigaw niya sakin.

Nangunot ang noo ko at nakaramdam ng takot. Hindi ko mawari ang klaseng galit ni mama ng mga oras na ito.

"O-Opo mama.."

"Bakit? Ano ang ginagawa mo doon?! Sabihin mo sakin na magkaibigan lang kayo Kathlyn!"

Mas lalong akong kinain ng kuryusidad sa aking narinig. "Ma, b-bakit po? N-Nasa tamang edad napo ako. Alam ko po ang limitasyon ko."

Dumaloy ang luha ni mama at umiwas. Nanginginig siyang humithit sa kanyang sigarilyo.

"Mag boyfriend ka kahit sino huwag si Kael. Maawa ka sakin Kathlyn at baka mamatay ako kapag malaman ko na iyon pa ang boyfriend mo!"

"Bakit ma? Bakit naman kung boyfriend ko si Kael? May masama ba roon? Magtatrabaho naman ako. Hindi ako magiging sawail sa inyo mama."

Unti unting nanlalaki ang mga mata ni mama ng sinabi ko iyon at unti unti siyang lumapit sa akin!

Isang sampal ang aking natamo. Tila nayanig ang aking pagkatao sa sampal ni mama at halos maiyak ako sa sakit.

"M-Ma!" iyak ko ng nakatamo ulit ako ng isang sampal. Nanginginig si mama sa galit.

"Boyfriend mo ang lalaking iyon?! Hindi!" halos sabunutan ni mama ang kanyang buhok at ngayon ko lang siya nakitang nagwala.

Nasapo ko ang aking bibig dahil sa nangyari. Napaupo si mama sa sahig habang umiiyak ng walang humpay.

Ano ba itong nagawa ko? Bakit ang dami dami kong hindi maintindihan?

"M-Ma.. Bakit? Bakit ganito nalang ang galit mo mama? May nagawa ba akong mali?"

"Noong nakita ko kayo noong una bakit hindi mo ipinagtapat sakin? Sabihin mo Kathlyn na hindi mo pa mahal ang lalaking iyon! Kung sinabi mo sakin ng mas maaga edi' sana hindi ganito ang mangyayari-"

"Ma, mahal na mahal ko si Kael!" pag amin ko at napapikit na lamang ng dumaloy ang aking luha. Naramdaman kong kinulong ni mama ang aking mukha sa nanginginig niyang kamay.

"Nagtrabaho ako sa Maynila para tustusan ang pag aaral niyo. Nagtatrabaho ako doon kahit alam ko na hindi sapat dahil nakasanla itong bahay ng lola ninyo kaya hindi ko kayo masyado mabigyan ng pera. Kung hindi ako nag-Maynila edi sana hindi nangyari ito!"

"Bakit nga mama? Matinong lalaki si Kael!" paglaban ko sa aking damdamin dahil alam ko na mabuting tao si Kael.

"Matino si Kael ngunit hindi ang tito niya! Kathlyn...hindi mo alam kung sino ang ama niyo ni Lara di'ba? Kung hindi ito nangyari ay sana ibabaon ko nalang sa limot ang ama niyo! Pero nagkamali ako dahil hindi ko pa kayo inalis sa lugar na ito! Sana isinama ko nalang kayo sa Maynila!"

Kumalabog lalo ang aking puso at hindi na ako makapagsalita pa. Litong lito ako sa pinaglalaban ni mama at pakiramdam ko..isang kalabit pa ay malalaman ko na ang lahat.

Nagkalat ang eyeliner ni mama at ang kanyang luha sa kanyang pisngi.

"Kathlyn ang ama ni Kael ay si Calixto Dominador. Ang ama nyo ay ang kapatid ng papa niya na si Christian Dominador!Minsan ko nang pinagbantaan si Kael na layuan ka pero hindi niya ako sinunod! Mamamatay ako sa ginawa niyo Kathlyn!"

Ang aking luha ay tila naudlot. Hindi ako nakapag isip ng tama sa mga oras na iyon at ayaw kong tanggapin ang sinabi ni mama!

"Magpinsan kayong dalawa! Naiintindihan mo ba iyon?!" dagdag ni mama na ikinawasak ng puso ko.
~~~

Authors note: Bitin ba? Tara at maging parte ng VIP readers ko sa aking VIP page! Just message me on my facebook para mabasa ang missing chapters nito at ibang books ko na wala dito sa wattpad.Habol na sa lifetime promo. Fb link below

https://www.facebook.com/groups/1166741684083447/?ref=share_group_link

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now