Hindi ko alam kung sumusunod sa likod ko si Sky. Ang tanging gusto kong gawin ay ang iwasan siya dahil naiinis ako sa kanya. Ewan ko. Hindi ako kampante sa presensiya niya. Kahit na sabihin na magkapamilya kami pero di ko siya gusto maging ka close.
Pumasok na ako sa amin at nakitang abala na ang lahat. Marami naring tao sa amin. Bumalik muna ako sa kwarto at nakita si Lara na may tuwalyang nakabalot sa kanyang baywang.
"Diyan kana mamaya sa sahig matulog ha? Dito muna ako sa kama. Masakit kasi ang puson ko." aniya.
Ang kama kasi namin ay pang isahang tao lang ang makakasya. Kaya ang isang foam ay sa ibaba. Yung ibang kwarto naman dito ay may malaking kama kaso di namin kayang buhatin para ilabas.
Ang bahay rin ni lola ay yari sa matitibay na kahoy ang dingding. Noon nga ang sahig ng ikalawang palapag ay kahoy pa, ngunit ngayon ay semento. Pinagawa ito ni lola dahil kinakalawang na at delikado na ang sahig. Ang hagdan patungo sa ikalawang palapag namin ay may mga litrato sa gilid ng mga unang pamilya na namuhay pa noon dito sa bahay. Naaliw ako na makita ang mga lumang damit noon.
Noong bata pa ako nandiyan ang mga iyan hanggang ngayon ay hindi talaga kinukuha.
Nilapag ko sa kama ang dala kong napkin. "Bahala ka. Basta yung ibang matira para sa akin ha? Baka bukas datnan naman ako." napangiwi ako ng maisip na kasal bukas ni tita Carmen, tapos abala kaming lahat. Sigurado na magiging moody na naman ako nito.
Hindi na sumagot si Lara at tumalukbong nalang ng kumot. Naririnig ko ang kanyang ungol kahit papalayo na ako.
Nang bumaba ay nakasalubong ko si lola na nagpupunas ng kanyang pawis.
"La! Magpahinga kana. Kami na po ang bahala dito." Inayos ko ang aking mahabang buhok. "Matulog ka nalang muna la at mamayang gabi tulungan mo kami ni Lara mag ayos ng tarpaulin."
Tumango siya. "Nasaan si Lara? Sa kwarto niyo? Doon na ako matutulog sa sahig at mas gusto ko sa sahig. Kung mag foam naman e' parang nalulunod ako."
Si lola kasi ay parang nalulula kapag nasa foam siya. O kahit nga sa duyan nalulula siya dahilan na hindi siya lumuluwas ng probinsiya at para sa aming dalawang apo niya na nagbabantay sa kanya ay hindi narin kami umaalis. Kontento narin naman ako dito sa probinsiya at hindi na ako naghahangad pa na makaluwas.
"Nandoon nga po. May regla po e."
Napatigil si lola at hinarap ako. "Mag init ka muna ng tubig sa kusina. Huwag ka nang tumulong doon at marami na sila. Unahin mo muna ang dito sa loob ng bahay para naman maganda para bukas. Painom agad si Lara ng maligamgam na tubig o timplahan mo ng milo."
Tumango ako. "Sige lola."
Mas pabor ako na dito nalang ako sa loob ng bahay.
Tumungo na si lola sa itaas at napabuntong hininga nalang ako. Hindi kami mayaman. Madalas ang kinakain namin ay galing sa mga gulay na itinanim namin ni lola at Lara sa likod.
Minsan nagpapadala ng pera si mama at kinakausap kami sa cellphone. Ang sabi ang trabaho doon ni mama ay sa isang mall. Hindi rin kalakihan ang padala niya kundi sapat lang sa amin.
Nagpapasalamat na rin kami minsan na sila tita Mona ang bumibili ng gamot ni lola sa tuwing nagkakasakit.
Kung noon ay nalulungkot ako na halos dalawang beses sa isang taon lang umuwi si mama dito , ngayon ay nasanay na ako.
Namaywang ako at tinitigan ang sala na malinis naman ang sahig. Baka mamaya ko nalang palitan ang kurtina.
Tumungo ako sa kusina at nag init ng tubig para kay Lara. Nilabas ko narin ang lagayan ng milo at kape.
Nang kumulo na ay kumuha na ako ng tasa para lagyan. Nilagay ko sa tasa ang tubig at balak dalhin sa mesa nang lumingon ako para sa mesa na bitbit ang dalawang tasa ay nabangga ko iyon sa isang dibdib!!!
"H-Hala! D-Diyosko!"
Sobrang gulat ko dahil si Sky iyong nabuhusan ko! Nakita ko kung paano siya pumikit at tumingala para tiisin ang init na naibuhos ko sa kanya!!
"Fucking shit..." narinig kong mura niya na mas lalong nagpakaba sa akin!
Agad kong nilapag ang tasa sa mesa at nataranta.
"H-Hindi ko alam na nasa likod k-kita! So-Sorry!"
Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at hindi ko talaga alam ang gagawin! Nakita ko siyang umuwi sa upuan at tinanggal ang T-shirt na suot!
Mas lalo akong nagulat sa nakita kong tattoo sa kanyang dibdib!
"Sorry t-talaga." pumiyok pa ang aking boses ng makita na inilahad niya ang kamay para sa panyo. Agad kong binigay ang panyo sa kanya at nakita ang t-shirt niya na basa. Mabuti nalang hindi napaano ang balat niya!
"Tss. Initan mo nalang ako ng tubig. Gusto ko magkape." suplado ang boses niya hindi rin siya tumitingin sakin kasi pinupunasan niya ang kanyang dibdib.
Pate tuloy ang tingin ko ay napadako doon at nakita niya iyon! Napalunok ako at umiwas.
Kahit sa pag init ko ng tubig ay kinakabahan ako.
Pumikit ako ng mariin. Ano ba ito? Bakit ba pakiramdam ko ay nakatingin siya sakin?
"Manonood kayo ng banda?" tanong niya na halos magpapitlag sa akin. Tumango ako at nilingon siya.
"O-oo."
Hindi ko parin malimutan na may tattoo siya sa dibdib! Dito sa probinsiya nakakita naman ako kaya bakit parang ang big deal ng makita ko ang sa kanya?
"Alright. Stay with me. Kasama natin sila Santi."
Tumango ako at nilapag na sa kanyang harapan ang tasa ng kape niya. Ang dalawa naman ay nilagyan ko ng milo.
"Nakilala mo na ba si Ara? Iyong kapatid ni Kuya Santi?"
Nangunot ang kanyang noo. "Hindi pa."
Tumango ako. "Okay."
Nagtitimpla ako ng milo ng pumasok rin sa kusina si Spike. Tumango siya sa akin at tinignan ang kapatid niya. Parang isang kahibangan na nandito siya ngayon kasama ko.
"Nagkakape kana pala ngayon? Akala ko ayaw mo-"
Umirap si Sky at tamad na tinitigan ang kapatid. "Shut up."
Humalakhak si Spike. Hindi ko nalang sila pinansin at dinala nalang ang milo ni Lara sa kwarto niya. Dahil nga kita pa ang kusina habang nasa hagdan ay nakita ko kung paano parin nakatitig sa akin si Sky.
Hindi ko mawari ang kaba ko at umiwas.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi puwedeng ganito.