Chapter 31

1K 31 2
                                    

Ang umalis sa lugar na nakasanayan ko ay hindi madali. Kahit na magkasama kami ni mama buong biyahe ay hindi niya ako iniimik. Inaamin ko sa aking sarili na may mali rin ako at wala akong gagawin kundi tanggapin ang lahat.

Halos mamangha ako ng makarating ng Maynila. Narinig ko ang pagsinghap ni mama ng makita ang aking reaksyon.

"Dito na tayo, baba na." aniya kaya agad akong tumayo at tinulungan siya sa mga bag na dala namin.

"Dala mo ba lahat ng requirements sa pag transfer mo? Sana dala mo lahat at hindi puwedeng pa balik balik tayo ng probinsiya Kathlyn. Wala tayong pera." sabi ni mama ng bumaba na kami.

"Dala ko po lahat ma." sabi ko habang abala parin sa pagtingin sa paligid.

"Gosh, ang daming tao dito. T-traffic rin." hindi ko maiwasan ang mapuna kung gaano ka traffic at kadami ang taong lumalakad.

Umiling iling si mama habang nakatingin sa akin.
"Maynila na dito, wag' kang pa tanga tanga kung ayaw mong maloko dito. Halika na."

Kinagat ko ang labi at sumunod kay mama. Kabisadong kabisado ni mama ang daan. Hindi ako sanay sa dami ng tao at napapatingin sa amin hanggang sa pumasok kami sa isang eskinita.

Napuna ko kaagad na maraming tambay sa gilid at dikit dikit na bahay.

"Umuupa lang ako dito kasi mura dito. Daming sanggalo dito at bastos kaya dapat maging matapang ka."

Tumango agad ako kay mama.

Hindi ko alam na ganito pala dito sa lugar kung saan si mama naninirahan. Kaya pala minsan kapag sa probinsya siya ay pinipili niyang magmuni muni sa paligid.

Hanggang sa makalabas sa eskinita at natanto ko na shortcut pala iyon. Hanggang sa nakarating kami sa isang disente tignan na alam ko ay boarding house.

"Dito ako nakatira, syempre, dito ka narin titira." binuksan ni mama ang kulay pula na gate at nakita ko na maliit man ang bahay ngunit mas maayos na ito kumpara doon sa mga maliliit na bahay kanina.

Maayos ang bahay at kumpleto ngunit nakaramdam agad ako ng lungkot at homesick kahit na oras palang kami dito.

Umupo ako sa sofa at tinitigan si mama na nag aayos ng makakain namin.

"May trabaho ako mamaya kaya dito ka lang. Wala namang manloloob dito."

"P-Po?" naalarma kaagad ako. Huminga si mama ng malalim.

"Manuod ka ng tv kung gusto mo. May sakit ang lola mo kaya kailangan ko magtrabaho kaagad mamaya. Wag' ka nang matakot at malaki ka na."

Nairaos ko ang mga araw na ganoon palagi ang araw ko. Palagi kong naririnig si mama na kinakamusta si lola. Kinakausap ko rin sila Lara at lola sa cellphone at hindi ko minsan maiwasan ang maiyak lalo na at hindi ako gaanong lumalabas ng bahay.

"Ate... Ang dinig ko wala na rin raw dito si...Kael. Hindi na siya nagtatrabaho sa papa ni Charmaine. Ang dinig ko baka kinuha siya ng mama niya."

"Mama niya?" nangunot ang aking noo. "Di'ba sabi nila namatay ang mama ni Kael?" pumikit ako ng mariin habang hawak ang aking cellphone.

"Oo ate. Hindi naman raw alam ni Kael tungkol sa kanyang ina dahil itinago iyon ng kanyang ama at hindi rin alam ng kanyang lola. Ate... Ang lola pala na nagpalaki kay kuya Kael ay dating katulong sa mansyon ng mga Dominador. Kinuha lang si Kael dahil ayaw ng totoong asawa ni Sir Calixto si Kael na anak ni sir Calixto sa ibang babae. Ate.. Ayaw rin sayo ng asawa nito dahil anak ka ni sir Calixto kay mama. Ate.. Marami rami na ang nakakaalam tungkol sainyo dito sa baryo natin. B-Binubully ako sa school."

Nanginig ang aking labi. Masyado akong nabigla sa sinabi ng kapatid ko sa akin.

I felt bad for us.. Lalo na kay lola at Lara na naiwan doon.

"A-Ate... Ang gulo na ngayon. Kahit sa pamilya nila kuya Santi ang gulo. Nadedepress ako ate."

"Shhhh.. Lara. Huwag mong sabihin iyan! Ano ka ba?! Di'ba sabi ko mag aaral ako dito. Konting taon nalang at graduate na ako. Makakapagtrabaho na ako kaya dadalhin ko kayo dito ni lola! M-Maganda dito! Ang daming buildings! Kaya wag kanang malungkot huh? Malulungkot rin ako dito pag malungkot kayo diyan ni lola.."

"Sige ate. Promise mo yan' ah?"

Ngumiti ako habang dumaloy ang aking luha dahil sa pangungulila sa mga taong namimiss ko ng lubos.

"Promise, Lara."

Lumipas pa ang isang buwan at nagsimula na ang pasukan. Walang pinagkaiba ang mga nakakasalamuha ko tulad ng mga kaklase ko dati ngunit ang nagpahirap sakin ay ang daan pauwi at ang pagising ng sobrang aga dahil sa traffic.

Nung una ay hindi ako masyadong nakikipag kaibigan ngunit habang lumilipas ang araw ay marami nang gustong kumausap sa akin.

I made friends... That's good but sometimes I felt shallow.. and miserable. Sobrang namiss ko ang buhay sa probinsiya.

Naglalakad ako palabas para makasakay ng jeep. Wala akong kasabay dahil ang iba kong' kaklase ay gumigimik pa at nagmall habang ako ay nagtitipid.

Habang naglalakad ay may lalaking nakabangga sa akin! Napaupo ako sa sahig ng daan dahil sa lakas ng impact sakin!

"Hey! Ibalik mo ang bag ko! Magnanakaw?! Help!" narinig kong sigaw ng babae na tumatakbo kaya natanto ko na ang lalaking nakabangga sakin ay magnanakaw!

Agad akong tumayo at hinubad ang bag ko! "Hoy!" pinalo ko siya sa ulo kaya nabitawan niya ang bag! Umaray sa sakit ang lalaking payat!

Kinuha ko kaagad ang bag at tumakbo palayo hila hila ang babae dahil sa takot na balikan ako!

Swear! Iyon na ang pinakadelikadong nagawa ko!

"Shit!" mura ko ng makalayo na kami! Binigay ko sa babae ang bag niya.

"Gosh! Nakakapagod! Thanks-"

"Kathlyn?!"

"Charmaine?!"

Sabay naming naiwika dahil sa gulat. Halos magimbal ako dahil hindi ko ito inaasahan!

"What are you......" bumaba ang tingin niya sa uniform ko kaya napatigil siya sa pagtanong. "What the fuck.." sinapo niya ang batok na tila ba naging problemado siya.

Nakatitig lang ako sa kanya at napalunok.

"You know what? Kinalimutan ko na e. Nag move on na ako kay Kael. Umalis ako ng probinsiya to get a life here tapos nandito karin pala?"

Damn!

"By the way... Can you escort me the way out here? Hindi ko kasi kabisado dito. Lumayas lang ako sa bahay kasi naiinis ako sa mga tao doon. Hey!"

Pinitik niya ang daliri sa harapan ko kaya napapikit ako.

"S-Sige. Pero hanggang doon lang kasi gutom na ako."

"Alright! Gutom nadin ako. May malapit ba na restaurant dito? Samahan mo ako."

~~~

Authors note: Gustong mabasa ang missing chapters? Magpa member na sa aking vip page habang nakapromo pa ang lifetime membership sa mababang halaga! At mabasa ang iilan ko pang nobela.  Just message me on the link below.

https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now