Chapter 22

1.7K 50 11
                                    

Marahas na tumalikod at tumakbo si Charmaine palayo sa amin. Halos mahigit ko ang aking hininga ng makitang may iilang nakakita sa amin. Kahit ang mga barkada ni Kael ay nakayuko na ngayon at seryoso ang mga ekspresyon.

"Kathlyn...." Kael whispered, begging.

Ngumiti ako ng mapait kay Kael. "Ayos kalang?" I asked him. Umawang ang kanyang labi. I know. Alam ko na naisip niyang dapat na ako ang tanungin niya ng ganoon ngunit naiiintindihan ko siya.

Mahirap ang kapalaran sa kanya. Mahirap lang sila kaya nagsusumikap si Kael para naman matustusan ang pag-aaral niya. Kung ang pag extrang trabaho niya kina Charmaine ay nakakatulong sa pag aaral niya ay hindi ko dapat iyon hadlangan.

Umigting ang panga niya at hinigit ang pulso ko. Damn! Baka mas lalong marami na ang makakaalam tungkol sa amin! Ang mga barkada niya ay isa isang tumalikod para bigyan kami ng pribadong pag uusap.

"I'm sorry for that. Ano ano ang gagawin mo ngayon? I want a private time with you." Nag aalala parin ang boses niya at alam ko na gusto niyang mag explain.

"G-Gagawa lang kami ng group project at tapos na kami agad."

Kitang kita ko sa mukha niya ang kagustuhan na mag usap kami ngayon ngunit iniintindi niya ang schedule ko.

"Okay. Pero puwede tayong mag usap mamaya?"

Tumango ako. "Puwede. Uh, kailangan ko nang umalis."

Pinagmasdan niya akong paalis. Hindi ko maitago ang kabang nararamdaman ko at naghalo halo iyon. Una, marami ang nakarinig kanina. Alam ko na marami na ang naghihinala at hindi malabo na hindi iyon makaabot kay lola. Maliit lang itong lugar namin kaya ako kinakabahan.

Habang ginagawa namin ang group project sa gymnasium ang school ay ang dami kong mali. Naiirita na sakin ang mga kaklase ko dahil ilang beses akong nagkamali.

"Sa wakas naman natapos na! Hindi na tayo makakapunit ng manila paper!" si Marycris at napatingin sakin. Napaiwas ako at kinuha nalang ang aking bag para makaalis na.

"Ililista ko na dito lahat na nagparticipate. Ikaw na muna mauna sa listahan Kathlyn. Pakipirma na rin." si Becca at nagmamadali narin para makaalis.

Nang matapos ay nagmamadali akong lumabas ng school. Mainit pa ang paligid at matarik pa ang araw. Hindi naman nagtagal ng sobra ang aming group work kaya hindi pa hapon.

Nang makalabas ng gate ay natanaw ko agad si Kael sa kabilang daan kung saan ang tinambayan nila kanina. Kakatingin ko palang sa kanya ay nasa akin na agad ang titig niya. Tila ba kanina niya pa ako inaantay. Agad niyang hinagis ang hawak na sigarilyo.

May traysikel na huminto kaya sumakay na ako doon. Agad namang sumakay rin si Kael at sa tabi ko mismo sa loob.

"Ikalawang kanto sa Lucena kuya, dalawa."

Kinagat ko ang labi habang ramdam ko ang init na batid ng kanyang katawan. Ang hininga niya na may halong mint at natural niyang bango ay naghalo. Simple lang ang kanyang suot ngunit dahil siya ay batak sa trabaho at pagiging criminology student ay bakas ang matipuno niyang katawan.

Nagbayad siya sa traysikel ng makababa kami at dinagsa na ako ng kaba ng papasok na kami sa bahay nila. Ang init ng panahon ay nawala ng makarating dahil sa sariwang hangin mula sa dagat. Naggagawalan ang mga halaman dahil sa hangin at ganoon rin ang mga punong nakapalibot sa bahay nila Kael.

"Nandito ba si lola?" tanong ko agad ng hawakan niya ang aking siko para igaya sa kamalig na nasa gilid ng kanilang bahay.

"Wala nasa palengke. Stay here. Kukuha ako ng pagkain natin."

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now