Hindi maganda ang nakaraan namin ni Sky. Wala narin ako naging balita sa kanya simula nang magkaproblema ang pamilya namin dahil sa relasyon namin noon ni Kael. Sabi ni Lara ay kumalat sa lugar namin sa probinsya ang relasyon namin ni Kael. Na pinsan ko raw ay naging boyfriend ko.
Hindi iyon madali. Sa pamilya ko, sa kapatid ko, lalong-lalo na sa akin. Walang araw na hindi ko iyon iniisip ngunit alam ko sa aking puso na kahit anong mangyari ay mahal na mahal ko si Kael.
Nakasakay ako sa kotse ni Sky, hinatid niya ako pauwi. Tahimik kaming dalawa habang ako ay nakamasid sa mga nag iilawang buidings. Hanggang sa malapit na kami sa condominium.
Nang ipark niya ang sasakyan ay hindi ko na alam kung ano ang sasabihin.
"Uh.. Thanks." sabi ko. Nakatitig siya sakin at maging sa aking kilos. Huminga ako ng malalim ng nakalas ko na ang seatbelt.
Lumabas siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan. Damn!
"Bumibisita kapa ba kina lola Lourdes?" kunwa'y kanyang tanong.
Umiling ako. Aking dinamdam ang lamig na nanunuot sa aking balat.
"Matagal na akong hindi nakabalik doon. A-Ayaw pa ni mama na bumalik ako doon."
Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa at nakadungaw sa akin.
"Alright." he sighed. Nakikita ko rin na hindi siya makatingin na sa akin. "I would like to say sorry. Pasensiya na kung ngayon lang. Sorry for kissing you. Sorry for being an idiot."
Umiwas ako at tumango sa kanya. "Matagal na iyon." pinaglapat ko ang aking dalawang palad at huminga ng malalim.
Naalala ko kung gaano ako ka inis na inis sa kanya noon.
"Tsaka kalimutan na natin. Like me, you are not perfect. May mga kasalanan talaga tayong nagagawa."
Lumipas pa ang mga araw na araw araw tumatawag sa akin si Kael. Gusto niyang magkita kaming dalawa ngunit hindi magtugma ang schedule namin dahil may mga schedule rin ako.
Tulad ngayon.
Nakasuot ako ng mahabang puting gown. Naka-wig ako na kulay puti. May hawak akong libro habang seryosong nakatayo malapit sa isang shelfs.
Photoshoot ko ng mga araw na iyon para sa company ni ma'am Glenda. Kakaiba ang aura ko ng mga araw na iyon at ang make up ko ay gustong gusto ko.
Ilang shoots ang ginawa sa akin. Damit lang ang pinapalitan ngunit conservative na damit. Seryosong theme ang dapat kong gawin kaya iyon ang aking ginawa.
Halos anim na oras rin iyon hanggang sa natapos kami.
"Perfect! Hindi ako nahirapan. Parang simple ngunit propesyunal mong' ginawa iyon Kath!" bati sakin ni Ben, ang aming photographer!
Ngumisi ako at titig na titig sa akin ang mga staffs.
"Miss Kath! Bagay na bagay kayo! Parang karakter kayo na nasa libro!"
Ako ay humagikhik. "Thank you, Stella."
"Miss,wrap up na raw po. Pwede na kayong makapagpahinga. Puwede rin po kayong magrequest ng lunch kung gusto niyo. " sabi sakin ng secretary ni ma'am Glenda.
Naalala ko ang usapan namin ni Kael sa cellphone kagabi. "Hindi na. I have to meet someone kaya sa labas na ako kakain."
Ngumisi si Wendy. "Pasensiya na po miss Kath ha? Sobrang busy lang po kaya hindi nakapagprepare. Baka mext schedule may prepared foods na."