Alas tres na ng hapon ng napagdesisyunan namin na umuwi na. Hindi ko rin natandaan kung ilang oras ba ako nakatulog sa dibdib ni Kael. Basta ang alam ko sabay kaming natulog sa kubo at ng magising ako ay gising na siya.
"Kailangan mo nang umuwi. Huwag mong kalimutang itext ako pagkauwi mo."
Tumango ako at inayos niya ang buhok ko. Medyo nahiya ako dahil hindi presentable ang aking mukha.
Ngumisi siya habang nakatingin sa akin. Ito na naman ang ngiti niya. Ang ngiti niyang malalagkit ngunit seryoso siya.
"Anong gagawin mo mamaya sainyo?" tanong ko sa kanya.
"Mag aaral. Kailangan iyon para sa exam."
"Parang hindi mo na iyon kailangan Kael, running for Summa Cum Laude ka ng Unibersidad niyo."
Inignora niya iyon na tila ba ayaw niyang pag usapan. Kahit na mabisyo siya at minsan nalilate dahil may trabaho siya sa umaga ay matalino siya.
Umalis ako sa pagkakahiga ng kanyang dibdib at hindi sinasadyang tumaas ang kanyang t-shirt at may nakita akong tattoo sa bandang abs niya.
Kunot noo ko siyang tinitigan. Hindi ako makapaniwala.
"May tattoo ka."
Tumayo siya at kinagat ang labi na nakatitig sa akin.
"Looks good on me?"
Fuck! Bakit ang bagay niya mag english kahit ang accent niya.
Umiling ako at hindi maitago ang ngiti. "Pangalan ko iyong pinatattoo mo."
He nodded at kinulong niya ako sa kanyang dalawang kamay. Nakatuko iyon sa magkabilaan ko habang ako naman ay nakaupo dito sa kubo.
"Because you own me..."
Hinawakan ko ang braso niyang matigas. "Ako rin Kael. You own me."
"I'll mark you soon."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya at ng unti unti kong makuha ay namula ako ng husto.
"A-Ang bibig mo!" saway ko sa kanya ngunit hindi man lang siya tumawa. Hinawakan niya ang aking baba at tumingin siya sa aking labi.
"I am serious with our relationship Kathlyn."
Halos malunod ako sa kanyang mga titig. Hindi ko aakalain na ganito ka seryoso sa aming relasyon si Kael.
Hinatid niya ako sa aming kanto kahit ayaw ko. Kinakabahan ako na baka may makakita sa amin.
Sa huli ay sa backride siya ng traysikel sumakay habang ako ay sa loob.
Nasasaktan man ako na ganito ang set up namin palagi ay wala akong magagawa. Siguro kapag maayos na ang lahat ay pwede ko nang sabihin kay lola.
"Dito na ho kuya Domeng." Si Kael ang nagsabi kaya huminto ang traysikel. Inabot niya agad ang bayad ko. Siya ang nagpamasahe sa akin.
Bumaba ako at tinitigan siya tsaka ngumiti pero ang kanyang sukli ay kaseryosohan at tango lang. Ganoon siga palagi. Na aakalain ko na galit siya ngunit ganoon talaga siya kapag tumingin sa akin. Parang ang ayaw niya pang matapos ang pagsasama naming dalawa kasi hindi na naman namin alam kung kailan mauulit.
Pumasok na ako sa bahay at nalaman ko na wala pa si lola dahil wala pa ang kaisa isahan niyang tsinelas.
Naibsan ang kaba ko kahit paano. Sa tuwing nagkikita kami ni Kael at kapag uuwi ako ay kinakabahan ako. Parang guilty ako sa isang bagay.
Nang makapasok ako ay dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng juice at kumuha na rin ako ng tinapay para isawsaw ng mapaigtad ako ng bumukas bigla ang pintuan at tumambad sa akin ang katawan ni Sky na punong puno ng pawis.