Naalala ko noong bata pa ako... Wala akong iniisip na iba kundi ang maglaro tuwing hapon. Kung paano gumawa ng assignments ko. At kung paano makatulog tuwing hapon na hindi napapalo ni lola.
Totoo nga ang sabi ng iba. Iyong mga nakaranas na ng lupit ng buhay. Na...Habang bata pa, tagalan na ang tulog at matulog ng mabuti dahil pala sa paglaki natin ay hahanap hanapin na natin iyon dahil halos hindi na makatulog ng tama.
Na...Habang bata pa magpakasaya kasi kapag pala malaki kana ang dami nang problema, obligasyon at pagsubok sa buhay. Minsan sa sobrang down mo ay maiiyak ka nalang.
Napapaisip tuloy ako na bakit sa bilyon bilyong tao sa mundo ay ako pa ang nabigyan ng ganitong tadhana?
Parang gusto ko nalang kausapin ang Panginoon na kung pwede ay ibahin nalang ang pagkatao ko? Na hindi ako matapang na tao para sa ganitong sitwasyon.
Buong gabi akong umiyak at hindi ko kinakausap si mama. Hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Ate..." umupo si Lara sa kama ko at hinaplos ang aking buhok. "Kinausap ni mama si lola. Nalaman ko ang totoo..." halos hindi niya matapos ang mga gusto niyang sabihin.
Bumuhos ang luha ko ng marinig iyon kay Lara. Hindi dapat malaman ni lola ang ganito.
"Ate... Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong ko. Nandito lang ako."
Napapikit ako ng marinig iyon. Hindi ako makapagsalita sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Kanina ko pa rin pinagmamasdan ang cellphone ko na tinatawagan ni Kael.
Hindi ko inaakala na magpinsan kami. Simula noon ay hindi nagkikwento si mama sa amin tungkol sa aming ama. Kahit si lola ay wala rin alam dahil umuwi lang noon si mama na buntis na.
Bakit ang unfair ng mundo?
Wala akong gana na lumabas ng aking kwarto at halos sumakit na ang aking ulo sa kakaiyak.
Nang mag umaga ay pumasok si lola Lourdes sa aking kwarto. Nakatulala ako sa kama at niyayakap ang aking unan. Walang oras na hindi ko inisip ang mga nalaman ko.
Pakiramdam ko kung gaano ka pagod ang aking utak ay siya ring durog ng puso ko.
Pagod kong tinitigan si lola. Nakita ko ang unti unti niyang pag iyak at pag-amba na yayakapin ako.
Kinagat ko ang aking labi ng binalot niya ako ng yakap.
"Apo ko, Kathlyn.... Hindi sayo galit si lola.."
Kumawala ang hikbi sa aking labi at dumaloy ang aking luha at niyakap pabalik si lola.
"Lola.. Gisingin mo ako kung panaginip ang lahat nang' to!" iyak ko.
Hinagod ni lola ang aking likod, tinatahan ako.
"Apo nandito lang si lola. Diyos ko, nagulat ako sa sinabi ng mama mo! Wala namang' sinasabi sakin ang babaeng iyon e!"
"Hindi ko rin inaakala ito. Kathlyn, nakaya natin kina Ara at Santi, kakayanin natin ngayon."
Umiling ako kay lola. "Lola, magpinsan kami ni Kael. H-Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko siya kayang harapin lola! Hindi dahil sa mga nalaman ko kundi dahil baka magkasala ako k-kasi alam ko sa sarili ko na mahal na mahal ko siya!"
"Shhh.. Tahan na. Tignan mo hindi mo kinain ang pagkain mo kagabi!"
Hindi umalis si lola sa tabi ko hanggang sa makakain ako. Hindi ako lumalabas ng kwarto at piniling sagutin ang tawag ni Kael.
Napamura siya agad ng sagutin ko ang tawag niya. Dumaloy ang luha ko dahil doon.
"Nag aalala ako.." buong buo ang boses nito. "Mag usap tayo. Hindi ako makampante, Kathlyn.."