Authors Note: The missing chapters are available on my vip page. For membership, we have promo for one year membership and Lifetime membership! 89% discount! Habol na! Contact me on my fb link below or just search (Frezbae Montemayor) on fb and message me. Thank you!
https://www.facebook.com/frezbae.montemayor.9?mibextid=ZbWKwL
~~~~~
Sa huli ay hindi pinayagan ni Kael ang aking gusto. Natapos lang kami sa aming pagkain ngunit hindi parin siya pumayag. Frustratedly, he combed his hair. Bigong bigo siya na nakatingin sa harapan.
Nakahawak ako sa kanyang braso at nagsusumamo.
"We can't do it, Kath. Noong una ay nakaya ko pa. Hindi ko masisiguro ngayon kung makakaya ko pa ulit. I don't want to go there, just, yet. Hindi sa ganitong sitwasyon na magulo pa."
Tila gusto niyang ipaintindi sa akin ang lahat. Doon ko natanto kung gaano siya ka seryoso at nag iisip sa lahat ng bagay lalo na sa amin.
Lumipas ang ilang araw at nagkaroon ako ng restday. Nagkakape ako sa aming kusina, nagmumuni -muni ng mabilis bumaba si mama sa hagdan.
"K-Kath!" halos matalisod siya kakababa ng mabilis. "Ang lola mo!"
Halos mamutla ako ng marinig iyon. Sa tono at pangamba na nakikita ko sa mukha ni mama ay alam ko nang hindi maganda ang nangyari kay lola.
Mabilis kaming nag ayos at kokonti ang dala para makauwi kaagad. Umarkila na ako ng Van para makauwi kami ng dire-diretso sa probinsiya.
Nakailang call sa akin si Kael ngunit hindi ko iyon nasagot dahil ako ay nakatulog. Nang magmulat ang naabutan kong' call ay si Charmaine.
"Hey! Galing ako sa condo mo. Wala namang' tao. Nasaan ba kayo?" bungad niya kaagad sa akin.
"Maine.." napatingin si mama sa akin at umiwas rin kaagad. "Pauwi kami sa probinsiya-"
"What? Why so sudden? Bakasyon ba?"
"H-Hindi. Si lola kasi. Nagka emergency lang. K-Kinakabahan ako."
Natahimik siya at napabuntong hininga. "Sige. Ako na bahala sa schedule mo. Mag ingat kayo."
Hindi na ako nakatulog nang malapit na kami at ako'y kinakabahan. Ilang taon rin na hindi ako umuwi dahil sa hindi ko pa kaya at dahil narin sa nakaraan namin ni Kael.
Ngunit ngayong maayos na kami ni Kael at kailangan kami ni lola ay napagpasyahan ko nang umuwi.
Halos alas otso na nang gabi ng makarating kami mismo sa harapan ng aming bahay. Nang makalabas ay nakaramdam ako ng 'deja vu' sa aming kapaligiran. Ang tahimik ng paligid. Kung may tao man ay nag uusap ng tahimik sa hindi kalayuan. Mayroong nagsusunog ng mga basura at kumalat ang usok sa paligid. Mayroong nagtitinda ng ihaw ihaw sa gilid at mga batang naglalaro.
Napatingin sa amin ang mga naroroon. Hindi ko na iyon pinansin pa ng makitang maraming tao sa loob ng bahay.
"Jusko po! Ano na ang nangyari sa inay!" si mama at agad na hinila ang mga bag namin. Dumaloy nang husto ang aking luha dahil sa kabang dumayo sa aking dibdib.
Nang buksan namin ang pintuan ay nagulat kami ni mama.
Si lola, malawak ang ngiti sa labi. May hawak siyang cake. Hindi lang iyon dahil nandirito rin sa bahay sina Sky, at ang kuya niya. Si Tita Chimen, at tita Carmen. Higit sa lahat, si Lara at kuya Santi.
"Surprise?!!" sigaw nila tita Chimen kasabay ni lola.
"It's a prank!" si lola. Ngiting ngiti siya at may hawak na cake.
Nagkatitigan kami ni mama at halos sabunutan niya ang sarili.
"Nay naman! Okay lang sakin kahit walang ganito hindi iyong ipaprank mo pa kami ni Kathlyn!"
"Oh my God! Ate! Miss na miss na kita!" agad akong sinugod ng yakap ni Lara. Ngumingisi naman si Santi at nakapamulsa na nakatingin sa amin.
"Apo ko! Napapanood ko iyong shampoo commercial mo!" si lola at niyakap ako ng mahigpit na tila ba wala siyang kasalanan sa amim ni mama.
Dahil ngunit na miss ko siya ay niyakap ko siya ng mahigpit. Pumayat si lola at mas kumulubot ang balat.
"Lola naman. Huwag mo kayong magbiro ng ganito!" sabi ko at pinunasan ang aking luha.
"Ang tagal niyo na kasing hindi nakauwi." ani tita Chimen. Tinaasan niya ng kilay si mama. "Kamusta kana?"
"Ito, maganda parin." sagot ni mama kaya hinila siya ni tita Chimen para makapag usap sila ng mga tita ko.
Nilingon ko si kuya Santi na matagal ko nang hindi nakita. Ngumisi siya at ngumuso.
"Ang laki mo na, Kathlyn. Dati pinapalo ko pa kayong dalawa ni Lara." sabi nito sakin kaya kinurot ko siya sa gilid.
Halos walang pagsidlan ang nararamdaman kong' saya ng gabing iyon. Hindi rin sadyang sumasagi ang aking tingin kay Sky na nakatingin sa akin.
Kinuha nito ang beer at itinaas upang ipakita sa akin. Tila, nag aanyaya ng pag inom sa amin.
Madami kaming napag usapan ni kuya Santi. Puro mga negosyong gusto niyang itayo dito sa aming lugar. Lumapit naman si Lara sa akin at niyakap ako.
Ang haba haba na ng buhok niya at dalagang dalaga na siya.
"Ate.." malambing ang kanyang boses. Naaamoy ko rin ang mala-bulaklak niyang pabango. "May nanliligaw sa akin. Mayaman."
Ngumisi ako at umiling. "Hmm.. Sayo. Nineteen kana at alam mo na ang tama at mali. Tsaka... eenjoy mo ang pagkadalaga mo."
Tumango siya at ngumuso bago yumakap sa akin ulit. "Ang daming nanliligaw sa akin pero naisip ko ang mga sakripisyo niyo ni mama sa akin. Ayokong sayangin iyon ate. Namiss talaga kita ate!" mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin.
"Want some?" may biglang nagsalita sa aming gilid at nakita kong' si Spike iyon. Barumbadong barumbado ang dating at badboy ngunit karespe-respeto dahil sa suot nitong pang opisina.
Kinuha ko ang inalok niya sa akin na beer. Si Lara naman ay nakatingin lang dahil walang binigay na inumin sa kanya.
"Galing rin akong Manila. Sinabihan lang rin ako ni mama." Spike explained dahil napatitig ako sa kanyang suot.
Tumango ako at nanatiling tahimik. "Ate... Doon na ako sa kwarto ko. Sana huwag pa kayong umalis bukas." hinalikan ako ni Lara sa pisngi atsaka umalis papuntang itaas na kwarto niya.
Napuna ko rin ang pagsunod ng titig ni Spike sa kanya habang nakainom ito sa beer niya.
"Where's Santi?" tanong ko kay Spike.
Kinagat nito ang labi at dinilaan. "Baka nasa likod at naninigarilyo. You know, he's a doctor but shit."
Umirap ako at ngumisi kay Spike. Pumunta ako sa likod na bahagi ng bahay at hinanap si kuya ngunit wala siya doon. Madilim doon na parte ng bahay at malamig ang simoy ng hangin.
"Kuya Santi?" tawag ko ngunit kuliglig lamang ang aking narinig. Napagdesisyunan ko na bumalik nalang sa loob ng bahay nang ako ay matalisod.
"Shit!" paa pala iyon ni Sky at napapikit ako sa takot na bumagsak sa lupa ngunit napakapit ako kay Sky! Ramdam ko ang pagsikap niyang huwag akong masaktan kaya mahigpit ang pagkabig niya sa akin pabalik dahilan na napadiin ako sa kanyang katawan!
Hawak niya ang aking baywang ng mariin. Rinig ko ang kanyang pagmura dahil sa nangyari.
"Damn. Are you alright?" tanong niya at halos ang kanyang labi ay nasa aking tenga na. Naitulak ko siya kaagad dahil doon.
"A-Ayos lang ako." umiwas ako ng tingin at pumasok na sa loob ng bahay. Kinapa ko ang mabilis na tibok ng aking puso dahil sa nangyari.