Chapter 8

1.8K 105 8
                                    

Umuwi si Sky sa Manila dahil sa may pasok ito. Nang maglunes ay maulan na pagkagising ko palang. 

"Oh, mga apo. Uminom muna kayo ng milo at kumain nitong ham bago kayo tumungong eskwelahan niyo." Si lola Lourdes at inilapag ang mga niluto sa mesa. 

Nakasuot na kaming uniporme ni Lara at kahit umuulan ay papasok parin. Dito kasi sa amin hanggang hindi nililipad ang bubong at puno ay tuloy parin ang pasok. Minsan nga masaya pa tuwing uwian dahil naliligo kami noon sa lunes. 

Pero ngayon siguro hindi ko na iyong magagwa dahil bukod sa nahihiya na ako ay nakakahiya kapag makita ni Kael.

Speaking of Kael pala ay iniisip ko parin hanggang ngayon kung ano ang ireregalo ko sa kanya sa graduation niya. Gagraduate na siya at pagkatapos nun ay hindi pa namin napag uusapan kung ano ang magiging set up namin.

Kung magtatrabaho ba siya at kung saan iyon. Kasi kung babasehan ko ay talagang magtatrabaho si Kael. Batak siya palagi ng trabaho at gugstong gusto niyang makatulong sa kanyang ina.

Kahit naman na mahirap lang sila sa buhay ay nagustuhan ko siya dahil sa prinsipyo nya sa buhay at paninindigan.

Hinawakan ko ang basa kong buhok at ininom ang milo ko.

"Lola, nagpadala na po ba si mama? Kailangan ko po kasi ng ibibili para sa mga projects ko." si Lara na tila ba nagdadalawang isip pa.

Huminga ako ng malalim.

"Naku! Hindi nga eh! Di bale, bukas ay darating na iyong pension ko ako na magbibigay sainyo."

"Salamat po lola!" Niyakap ni Lara si Lola.

"Kaya nga kayong dalawa ay dapat mayayaman ang mapapangasawa niyo. Hindi naman sa konokontrol ko kayo pero sa panahon ngayon ay dapat maging praktikal! Para rin iyon sa inyong dalawa! Lalo ka na Kathlyn! Naku sayang ang ganda mo kung mapupunta ka sa mahirap!"

Kinagat ko ang labi at kahit na gusto kong tumutol sa sinabi ni lola ay hindi ko nalang sinabi.

"Pero lola, meron naman na nagtutulongan kaya yumayaman. Lahat naman nagsisimula sa wala lola, di'ba?" Sabi ko at inubos na ang milo ko.

Tinitigan ako ni lola at nilapitan bago niyakap. "Hay, kung alam niyo lang na gusto ko pang tumagal sa mundong ito para gabayan pa kayo mga apo pero kita niyo naman..."

Uminit ang aking mga mata sa sinabi ni lola.

"Kita niyo naman matanda na ako.."

"Lola naman! Huwag kayong magsabi ng ganyan ha! Hahanapin ko bato ni Darna para po malunok niyo at hindi na kayo tumanda!"

Tumawa si lola at Lara pero ako ay hindi. Dumaloy ang luha ko.

"Alam nyo ba ng mamatay ang lolo niyo ay sobrang lungkot ko? Araw araw niya akong sinusundo mga apo. Gusto ko narin talaga sumuko noon pero ng makita ko na walang magbabantay sainyo ay mas ginusto ko na manatili pa rito kahit na matanda na ako."

Mas lalo akong naiyak at niyakap ko nalang si lola.

Nang matapos kami sa pagkain ay hindi parin tumitila ang ulan. May dala kaming payong ni Lara ng sumakay kami ng traysikel.

Nasa loob kami ng traysikel patungong eskwelahan. Si Lara ay mauunang bumaba kasi mas malapit ang high school kaysa college.

"Ate...Kilala mo ba iyong si Kael Dominador?"

Nagulat ako sa tanong ni Lara sakin.

"O-Oo, bakit?"

Umiling siya. "Wala naman. Kasi sikat na sikat siya sa highschool samin. Yung ate ng kaklase ko, yung anak ng kapitan dito sa atin ay nililigawan raw iyon ni Kael. Bagay na bagay nga sila."

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now