Bukas na ang kasal ni tita Carmen sa bago niyang kinakasama. Dahil nga kailanman hindi kami nakakapunta sa kanila sa Maynila kaya hindi namin alam kung bakit siya nahiwalay sa una niyang asawa. Hindi rin iyon naikwento ni Lola Lourdes.
Minsanan ko rin na nakakasalamuha ang magkapatid na Spike at Sky. Siguro dapat na rin namin tanggapin na parte na ng pamilya ang dalawang lalaking anak ng bagong kinakasama ni tita Carmen.
Dahil nga hindi ako sanay na may lalaki dito sa bahay ay ginagawa ko lahat para lang iwasan ang dalawa lalo na si Sky.
Naisip ko rin kung nakilala na ba nila kuya Santi at Ara ang dalawa?
Dito sila nanati sa bahay at dito rin sila sa lugar namin ikakasal. Ang alam ko noon ay dito sila lumaki hanggang sa nagkaroon sila ng sari-sariling buhay at lumipat ng Maynila. Kaya halata ko ang kagalakan sa mukha ni Lola Lourdes ng malaman na gusto ni tita Carmen na dito siya ikasal.
Masaya ako dahil nakikita ko na masaya si tita Carmen. Mabuti nalang at maraming kuwarto ang bahay ni lola. Ang bahay ni lola ay luma na ngunit inaalagaan ang bawat bahagi ng bahay upang mapanatiling matibay.
Siguro kung sa unang panahon ay isa sa pinakamagandang bahay ito. Sa malawak palang na hagdan, malawak na sala ngunit nilumaan lang ng panahon.
Sa likod ay may malawak na lupa pa na sakop pa namin kung saan minsan pinagdiriwang ang aming kaarawan at iba pang okasyon.
Ang maganda pa bukas ang fiesta samin at sabay sa kasal ni tita kaya tiyak na marami kaming bisita.
"Kathlyn! Halika nga hija." tinawag ako ni tita Carmen at nakita na may hawak siyang dress. Pinagpagan ko ang kamay dahil naghihiwa kami ni Lara ng mga sibuyas at iba pa kasi may lulutin na mamayang madaling araw sila tita at lola.
Nakita ko na nagbibiyak ng kahoy si tito Larry, ang mapapangasawa ni tita. Nasa labas kami ng bahay , sa likod banda kung saan may tent para bukas at mesa. Marami ring nagkalat na kakailanganin bukas. Ang alam ko mamayang gabi ay magdedesign na kami ng tarpaulin dito.
"Bakit tita Carmen?" Pate si Lara ay lumapit na rin dahil tinawag rin siya.
"Here, sainyo na iyan. Binili ko talaga iyan para sa inyo. Suotin niyo bukas ha? Si Ara at Vivore may exam. Alam niyo naman sa siyudad, ibang iba dito sa probinsiya. Pero baka si Santi ay makakapunta bukas."
Halos hindi ko na marinig ang boses ni tita dahil nakafocus ako sa magandang dress. Tama nga si lola, bibigyan nga kami ni tita Carmen.
Ngumisi ako at humalik sa pisngi ni tita. "Maraming salamat po tita Carmen!"
Buti nalang nakapagpaalam kami sa teacher namin na hindi kami makakapasok dahil sa kasal ng tita namin.
Naging abala na nga ang lahat at dahil excited rin kami ay tumulong kami ni Lara.
Pumasok muna ako sa kuwarto at nakita si Lara na umupo at namumutla. Ngumiwi siya at sinapo ang puson niya.
Pinunasan ko ang pawis ko sa leeg at namaywang.
"Marami pa tayong gagawin ha!"
Maliit palang noon si Lara ng masundan ko siya agad. Kaya halos mag isang taon lang ang agwat namin.
"Mamaya na ako! Ang sakit ng puson ko. Meron yata ako ngayon! Wala pa akong napkin!" dumapa siya sa kama at napangiwi rin ako.
Madalas kasi kapag mayroon si Lara ay nagkakaroon rin ako.
Mukhang kailangan ko na talaga bumili ng napkin.
"Sige. Pahinga ka. Bibili lang akong napkin natin." lumapit ako sa drawer ng damitan namin at kumuha ng pera doon.
Tinitigan ko pa si Lara na umuungol sa sakit ng puson niya. Umiling nalang ako at nanalangin na sana bukas hindi ako magkaroon muna. Sana sa isang araw nalang.
Lumabas ako habang pinupuyod ang aking buhok. Nakita ko na papasok sa aming bakuran ang mga amiga ni lola na galing sa ibang barangay para tumulong sa amin.
"Kathlyn! Magandang hapon!"
Hinagkan ako sa isa sa mga kaibigan ni lola na kasing edad niya. Nakaputing damit at pantalon, may dala pang bayong.
"Lola Cha! Kayo po pala. Nasa likod po sila lola. Pumunta lang po kayo doon at mayroon ring pagkain."
"Oh sige! Maraming salamat. Alam namin na maraming gagawin kaya kami naparito ng ibang amiga para tumulong. Oh siya! Paroon na ako."
"Sige po!"
Lumabas na ako ng gate namin at nakita ang maraming tao sa daan. May mga abala rin para sa fiesta bukas.
Hindi kalayuan ang tiyangge sa amin at may nakita akong grupo ng sumasali sa basketball. Mahilig mag basketball ang mga binata dito sa amin at kilala ko ang iba.
"Uy si Kathlyn!" nagsikuhan sila Bryan, ang kapatid ni Lando at ang iba niyang kaibigan.
"Kathlyn! Bisita kami bukas sa inyo ha? Wala kasi kaming handa. Tutulong ako sainyo."
Napatigil ako at tinitigan si Bryan na medyo nahihiya. Nakahubad-baro pa siya at may dalang bola.
Tumango ako at ngumiti. "Sige! Punta lang kayo."
Nag asaran uli sila kaya umalis na ako at tumuloy na sa tindahan ng halos mapatigil ako. Ang tindahan ay may malaking halamanan pa pagkapasok kaya hindi makikita kung sino ang nakaupo sa upuan na nasa labas ng tindahan.
Kaya pala hindi ko siya nakikita sa bahay.
Si Sky ay nasa tindahan at nakahilig doon. Dumapo ang mata ko sa hawak niyang sigarilyo na halos paubos na.
Hindi siya tumingin sakin ngunit alam ko na nakita niya ako.
Umubo ako at napagdesisyonan na bumili nalang.
"Pabili po! Pabili Te' Mering!" tawag ko at agad namang lumapit si Te' Mering.
"Oh ikaw pala Kathlyn. Anong saiyo?"
"Uh.... Isang pack po ng modess without wings po. At isang pack rin ng night pad niyan."
Ngumisi si Te' Mering sakin. "Naku... May dalaw ka ano?"
Halos mapapikit ako sa narinig ko. Kinagat ko nalang ang labi at tumango nalang para matapos na..Nahihiya parin ako na marinig ng ibang tao lalo na nitong si Sky.
Halos maubo rin ako ng malanghap ang usok mula sa kanyang sigarilyo. Habang binabalot ni Te' Mering ang binili ko ay hinarap ko siya.
"Uh, hinahanap kana doon ni tita Carmen." sabay tingin ko sa sigarilyo na hawak niya. Napuna ko rin ang tattoo sa kanyang daliri na tila pangalan.
Tumalim ang tingin ko sa kanya ng bumuga siya ng usok mula sa sigarilyo at tinapon ang upos nun.
Kinuha ko ang binigay ni Te Carmen na plastik ng napkin.
"Hm. Mukha kasing ayaw mo na naroon ako." mapaglaro ang tingin ang nakita ko sa kanya at kinabahan ako.
Ano? Paano niya nasabi?!
"W-Wala akong sinasabi na hindi kita gusto." nautal pa talaga ako? At bakit ako nag iinit?! Halos hindi rin ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Ngumisi siya at umayos ng tayo. "So, gusto mo pala ako?...."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Malakas ang tibok ng puso ko hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa para sa amin ay pamilya kami. Lalo na sa mata ng ibang tao tapos maririnig ko ito?
"-doon?" dugtong niya ng halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba. Umiwas ako at nauna nang umalis ngunit ramdam' ko ang pagsunod niya sa akin.