Chapter 29

1K 38 0
                                    

Nag aalala si Lara dahil nabasa ako ng ulan ngunit hindi mapapawi ng ulan ang nararamdaman kong' saya. Tila ba naki-ayon ang panahon sakin dahil tumila ng paunti-unti ang malakas na ulan.

Nahuli ako sa tamang oras na pagpasok sa trabaho at mabuti nalang ay hindi naman ako pinagalitan.

Habang nagtatrabaho ay marami akong naiisip. Ang dami kong' nagawang palpak.

"Kathlyn, napuna ko na ngayong araw ay ang dami mong nagawang mali. Are you okay?" nag aalalang tanong nang may ari mismo ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.

Nanlaki ang aking mga mata at inayos ang aking buhok.

"Pasensiya kana po ma'am Elena."

Huminga siya ng malalim at bumuntong hininga. "No. No need to say sorry. Lahat naman na tao ay nagkakamali. Walang perpekto."

Napalunok ako dahil sa sinabi nito. May kung ano sa akin ang kumudlit.

"Ma'am, pasensiya napo ulit kasi tuwing bisita niya po ay palpak ako. Galing pa naman kayong Maynila. Baka po pagod pa kayo."

Ngumiti siya ng marahan. Si ma'am Elena ang tipo na kung may problema siya ay hindi niya pinoproblema. Ngumingiti siya palagi at hindi bakas sa mukha ang stress sa buhay. Ang sipag rin niya dahil hands on siya sa mga negosyo niya.

"Hindi ako napapagod. Alam mo kasi hija, kung passion mo ang isang bagay ay hindi ka magsasawa. Passion ko talaga ang magnegosyo at ang gusto kong kunin na trabahante ay ang mga nangangailangan sa buhay kasi alam ko na marami sa bansa sa atin ang hindi nakapagtapos at nakapagtrabaho kaya sila ang tinutulungan ko."

Ngumiti ako kay ma'am Elena. "Ang bait niyo ma'am, kaya pala ang dami naming nagsa-summer job dito. Sana po pagpalain kayo lalo ni Lord."

"Ikaw rin Kathlyn. Nararamdaman ko na magiging success kang tao. Basta...choose the right path."

Natahimik ako ng ilang sandali lalo na nang umalis si ma'am Elena. Her words kicked in my mind like a puzzle.

Sa totoo lang ay marami ang bumabagabag sa isipan ko. Ngunit buo na ang aking desisyon. Hindi ko na iisipin kung ano ang magiging kahihinatnan nitong gagawin ko.

Habang papasapit na ang gabi ay mas lalo lang akong kinakabahan. Isang bag lang ang aking dala, ang bag na dala ko lagi sa trabaho.

Nang mag uwian na kami ay nagmamadali akong lumabas. Kakabigay lang rin ng sahod namin kaya naisip ko na may maigagastos ako.

Kinagat ko ang aking labi nang makita na maraming tao sa labas ng restaurant. Sasakay na sana ako sa isang traysikel nang makita ko si Kael sa isang gilid na naninigarilyo.

Bumundol ng sobra ang aking dibdib nang magtama ang aming mga mata. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Hindi na ako makapaghintay kaya nauna na ako dito." aniya. Gumala ang kanyang mga mata sa aking mukha.

Tumango ako at napatingin sa sasakyan na nasa kanyang likod. "Kanino yan?" nagtataka kong' tanong.

"Hiniram ko. Malayo ang pupuntahan natin at ayokong mahirapan ka sa biyahe."

Tumindig ang balahibi ko. Ngayon na nagkita kaming dalawa dahil sa aming pinagkasunduan ay nag-sink in sa utak ko ang lahat.

Sasama ako sa kanya. Magtatanan kaming dalawa. Bilang ako na babae, unang beses kong' magmahal ng ganito ay isasakripisyo ko ang lahat.

Kahit na bawal kaming dalawa ay gagawin parin namin.

Pumikit siya ng mariin na tila ba nahihirapan rin sa sitwasyon naming dalawa.

ENCHANTEDWhere stories live. Discover now