Chapter 2

75.3K 1.4K 77
                                    


author's note(04may2021): guys, bago po kayo magpatuloy sa chapter two, i'm going to ask a favor ^_^

it will help me keep some of my stories for free here on wattpad. 

i'm an affiliate marketer for lazada and shopee! may ginawa po akong facebook page kung saan nagpo-promote ako ng mga items like bags, casualwear for kids and adults, shoes, beauty items at iba pa. hindi po ako ang may-ari ng mga items o ng mga shops. marketer lang po ako. pero legitimate ang mga shops doon. check out niyo po ang links para makita ang mga reviews. kaya mga kapatid, pa-like at pa-share naman ng page. at baka gusto niyo na ring mag-browse at bumili ^_^ ahehehe. 

the link is on my profile page. 'yung unang-unang link ^_^  or you can also click on the external link on this chapter. thank you!





Tinakbo niya ang mahabang puting pasilyo sa kabila ng kanyang four inch red heels. Delikado iyon. Stilettos were death traps. You can break your ankles or neck if you fall. Pero expert siya roon. She had been wearing heels since she was twelve. Mas matatapilok pa siguro siya kung naka-flats siya.

Rinig niya ang pagtawag sa kanya ni Enrico mula sa likuran pero hindi niya ito magawang lingunin. Hindi siya huminto hangga't hindi siya nakakarating sa tapat ng ICU. Hinagilap niya ang seradura pero may pumihit noon sa kabilang bahagi ng silid.

At humantad sa kanya ang lalaki at matandang bersyon ni Elsa sa Frozen. A.k.a. ang lolo niya.

"Lavinia," pormal na bati ni Antonio Montoya.

Wow. Cold. 'Asan ang kanyang jacket? Yup. Male and older version of Elsa. Pareho pang puting-puti ang buhok ng mga ito.

"Lolo."

"Mr. Montoya," rinig niyang bati rin ni Enrico mula sa kanyang likuran.

Sinulyapan ng kanyang lolo ang binata, at tumango ito gamit ang malayelong titig nito. "Enrico." Bumaling ang matandang lalaki sa kanya, at pinasadahan ng tingin ang kanyang maikli at hapit na bestida na para bang gawa iyon sa kontrabandong materyales.

Nagkibit balikat lang siya.

"I see you've been out partying again," anito habang taas noong nakatitig sa kanya na para bang diyos ito at siya ay isang hamak na lamang lupa.

She flipped her hair and gave her grandfather her dazzling smile. "Why, yes, Lolo. It's a Saturday night after all. It's called having fun and being human. You should try it sometimes."

Bumukas ulit ang pinto at lumabas ang kanyang papa. Tinalikuran niya ang kanyang lolo at nilapitan niya ang ama. "Pa!"

Tinanggap ng kanyang ama ang kanyang yakap at sandaling sumandal sa kanya. "Lavinia, Enrico."

"Si Lola? Ano'ng nangyari?"

Her father's usually impeccable hair was mussed, as if he had been running his fingers through those dark locks. Kahit ang perpektong kayumanggi nitong mukha ay medyo maputla. She didn't like that. Mas vain pa ang tatay niya kay Kim Kardashian.

"What happened?" angil niya.

"Your lola's stable. She had an accident in Magallanes this evening, bumangga sila sa isang concrete barrier. Everyone's safe, don't worry. She injured her knee and fractured a rib. She's conscious, but she needs to rest. They said they will transfer her to a private room this morning. You can see her but you can't stay long."

Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon