Hindi nakita ni Lavinia si Evan buong maghapon. Nagkulong ang binata sa studio nito at dinalhan na lang ng pagkain ni Manang Huling.
Fine, more power to him. Magtago ito kung gusto nito.
Nag-usap sila ng Lola niya kasama si Nanay Lusing sa Skype noong hapon. Nagpalitan ng life stories ang dalawa sa loob nang mahigit kumulang walong oras. P'wede na siyang gumawa ng nobela na kasing haba ng Game of Thrones sa haba noon.
Exhaustion caught up with her, at nakatulog agad siya nang dumampi ang ulo niya sa unan.
She was dreaming of a Nordic god hovering above her when she was rudely awakened by loud knocks on her door.
"Lavinia? Lavinia? Gising ka muna sandali!"
She gritted her teeth and cursed against her pillow. Alas cuatro y media pa lang ng madaling araw sabi sa relo niya. Bakit may gumigising sa kanya?
"Go away," she hissed.
"Lavinia! Gising ka muna, sige na!"
"Ugh." Ibinaon niyaang mukha sa unan.
Patuloy sa pagkatok ang kung sino sa kanyang pinto, at impit siyang tumili sa unan niya. Mother f*ckers.
"Lavinia!"
"Goddamn it."
Nagtatagis ang mga ngipin, pinuwersa niya ang sariling gumapang pababa ng kama. F*ck. This better be good.
Binuksan niya ang pinto at humantad sa kanya ang natatarantang mukha ni Manang Huling.
"Lavinia! Pasensya na! 'Yung isang pamangkin ko kasi, manganganak na. Nasa abroad 'yung asawa no'n, walang makakasama ngayon sa 'ospital, kailangan ko munang pumunta."
'Ospital. Manganganak. Pamangkin. Arabic ba ang language na gamit ni Manang Huling? Hindi niya ito maintindihan. Caffeine, where art thou?
"What? I'm sorry, my brain's not yet working. What's that again?"
"'Yung pamankin ko, manganganak na, kailangan kong samahan. 'Andito 'yung isang apo ko sa pamangkin para tingnan muna si Nanay Lusing. Ikaw na muna ang bumili ng gamot at mag-grocery, ha?"
Grocery, gamot. Sweet. Sign her up.
"Sure."
"Eto 'yung listahan, ha? Eto 'yung reseta. Magpasama ka na lang kay Evan. Marunong namang mag-drive si Evan. Sige na, pasensya na, ha? Baka makabalik na rin ako bukas, o kaya sa makalawa. Tutulungan ka ni Kat-kat sa bahay dito, pasensya na talaga."
She would have agreed to anything if they would just let her go back to bed. Bed. She loved her bed. Sa mga oras na iyon, ang kama ang kanyang one true love.
Tulog na siya bago pa dumikit ang mukha niya sa unan.
At iyon ang dahilan kaya nasa harapan siya ng pintuan ni Evan nang bandang alas ocho y media ng umaga.
"We need to buy groceries," derecha niyang simula nang buksan nito ang pinto ng studio. Hinawakan niya iyon para masigurong hindi siya nito sasarahan. "Kailangan ding bumili ng gamot ni Nanay Lusing."
Nanatiling tensyonadong nakatayo sa harapan niya ang binata na para bang may hawak siyang improvised bomb.
"Hindi mo na kailangang sumama, ako na lang ang–"
Itinaas niya ang isang daliri. "No offense, Evan, pero kailangang bumili ng gamot ni Nanay Lusing, paano kung mali ang maibigay sa 'yo? I'm not trying to be rude, but it's better if I come with you. Meet you out front in twenty."
BINABASA MO ANG
Seducing Mr. Antisocial |WARNING: R-18|
RomantikWARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^ hindi pa ako sure kung hanggang kailan mananatili ang lahat ng chapters ng SMA dito sa wattpad. so...